EsP4 - Q3 - Mod2 - Kultura NG Mga Pangkat Etniko Mahalagang Malaman - v4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

4

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 2:Linggo 2
Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang
Malaman

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan - Modyul 2: Lingo 2: Pagpapahalaga at Paggalang sa Pagkakaiba-iba ng
Kultura
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang -sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anu mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan
ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga
may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
mga tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul sa EsP 4

Author: Barbara E. Tiongco

Editor: Maria Fe C. Tayong


Reviewers: Phebe S. Antiquina, PSDS
Jannete P. Cabaya
Jane C. Agpalza

Illustrator: Julius C. Bucar

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso


Israel C. Adrigado

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Neil A. Improgo – EPS, LRMS


Bienvenido U. Tagolimot., Jr. – EPS, ADM
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Yeselucio N. Patriarca, Jr., EPS – EsP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
Alamin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo na gawin
ang sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Naipagmamalaki/Napapahalagahan ang nasuring kultura ng ibat ibang


pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw,awit,laro
at iba pa

Z
Aralin Kultura ng mga Pangkat Etniko, Mahalagang
3 Malaman

Tuklasin

Alam mo ba kung saang pangkat etniko ang kinabibilangan mo?


Matutukoy mo ba ang mga ibat-ibang kasuotan ,awit, sayaw laro at iba pa.
Kaya mo bang mahalin at ipagmalaki ang mga ito?Anong pangkat etniko ka
nabibilang
Basahin ang kuwento.
Maipagmamalaking T’boli si Tatay
Unang pagbisita ng mag-anak nina Abegail at Hadji sa bayan ng South
Cotabato, ang probinsiya ng kanilang tatay na isang T’boli. Sa kanilang
pamamasyal, sa daan pa lamang ay sabik na sabik na ang magkakapatid
sa kanilang pupuntahan. Sinabi ng kanilang nanay na maliban sa
kagandahan ng mga tanawin tulad ng Lake Cebu ay marami pa silang
makikitang ikakasiya nila. Wiling-wili sina Abegail at Hadji sa natatanaw
nilang mga kulay rosas at puting bulaklak ng lotus na nagkukumpulan at
nakalutang sa tubig.

Pagbaba pa lamang nila mula sa sasakyan ay sinalubong na sila ng


magigiliw na tagapangasiwa ng resort na napili ng kanilang tatay na
puntahan. Masayang-masaya si Abegail dahil sa nakita niyang kakaibang
mga suot ng mga taong sumasalubong sa kanila.

2
“Kuya Hadji ,kakaiba naman ang mga suot ng mga taga rito. Makukulay
ang kanilang damit at marami pa silang palamuti sa katawan mula ulo
hanggang paa”.yon ba?. Sila ay mga katutubong T’boli.Sabi ng aming
guro,sila ang mga katutbong tao na naninirahan sa lugar na ito noon pa
man atmakukulay na T’nalak talaga ang kanilang kasuotan,”sagot ni Hadji
kay Abegail.

Dali-dali silang tumuloy sa isang kubo na yari sa kawayan na nasa


pampang ng lawa kung saan maaari silang magpahinga, magkuwentuhan,
at hainan ng pagkain. Mabilis na inayos ng kanilang nanay ang kanilang
mga gamit at ilang dalang pagkain.

Maya-maya lamang ay mabilis na inihain sa kanila ng mga taong nakasuot


T’boli ang mga pagkaing inorder ng kanilang tatay. Habang kumakain sila
ay may mga pangkat T’boli na may mas magarbong kasuotan ang
nagsimulang nagtanghal sa kubo nila. Gamit ang kanilang mga
instrumentong pang musika tulad ng tambol na yari sa balat ng hayop,
agong, at kulintang. Hawak din ng mga babae ang mga instrumento nilang
hinihipan tulad ng plawta na yari din sa kawayan, kubing, at maliit na
tambuli. Mayroon din silang instrumentong de-kuwerdas tulad ng sludoy at
hagalong.

Maya-maya pa ay nagsimula na silang tumugtog at sumayaw.


Maindayog ang kanilang mga galaw. Bawat sayaw ay ipinaliwanag ni
Tarhata na siyang pinakapinuno ng mga nagtatanghal, ang mga kahulugan
nito. May sayaw para sa panliligaw, pagkakasal, paglalaban, pag wagi, at
pag-ibig. Umawit din si Tarhata ng isang awiting T’boli. Matapos ang
kanilang patatanghal ay umalis sila at nagpasalamat.

“Kayhusay naman nilang magtanghal!. Talagang ipinagmamalaki nila


ang kanilang Kultura at pagiging T’boli”. Pahabol ng kanilang nanay.

“Oo nga po. At kay gagara ng kanilang kasuotan. Mula sa ulo ay may
paynetang may abolaryong tanso at salamin. Pati ang mga tansong
sinturon ay tumutunog-tunog at ang mga anklet ay gayon din,”dagdag ni
Abegail.

“At pati mga tugtugin at awitin ay kakaiba ngunit tunay na


maipagmamalaki kahit kanino man,” banggit naman ni hadji.

Biglang nagsalita ang kanilang tatay na kanina pa pala natutuwa. “Alam


ninyo, mga anak, nasisiyahan ako sa inyong mga sinasabi. Ang mga T’boli
ay isa lamang sa napakaraming pangkat etniko rito sa ating bansa. Bawat

3
pangkat ay may ibat ibang kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro,
at iba pa. Ang pagkakaroon natin ng napakaraming pangkat etniko ay hindi
kahinaan ng ating bansa. Ito ang nagpapakulay at nagpapaganda ng ating
lahi. At bawat pangkat etniko ay tunay na ipinagmamalaki ng kanilang lahi.”

“Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kaniyang sariling


kultura. Paraan ito ng pagmamahal sa kaniyang bansa,” sabat naman ng
kanilang nanay.

Biglang nagsalita ang kanilang tatay, “ Kaya naman ako ay talagang


nagmamalaki sa aming katutubong T’boli. At dahil doon, nakilala at mahal
mo ako, di ba? Ha hahahah”

Biglang nagtawanan ang mag-asawa. Nagtataka naming nagtinginan


ang magkapatid na Hadji at Abegail..
Mula sa Batayang aklat ng Edukasyonsa Pagpapakakatao 4” kagamitan ng Mag-aaral
pahina 207-209.

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ilarawan ang mga kultura ng mga T’boli pagkatapos magtanghal
na hinahangaan nila Hadji at abegail.

2. Humahanga ba ang mga magkapatid na Hadji at Abegail sa


kultura ng mga T’boli na kailang nasaksihan?

3. Bakit kaya mahalagang malaman mo ang iba’t ibang kultura ng


mga pangkat etniko n gating bansa?

4. Masaya ba ang mga magkapatid sa kanilang pagbisita sa


probinsya ng kanilang tatay?

5. Dapat ba na ang isang tao at magpapahalaga sa kaniyang


kultura?Anong paraan ang maipapakita mo sa pagpapahalaga
ng kultura?

4
Pagyamanin

Gawain A
Isulat sa patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad sa
pangungusap at Mali naman kung hindi.

_______1. Ang T’boli ay may magagara at makukulay na kasuotan.


_______2. Hangang hanga ang mga magkakapatid na Hadji at Abegail
sa Kultura ng mga T’boli.
_______3. Dapat lang na ang isang tao ay may pagpapahalaga sa
kaniyang sariling kultura.
_______4. Hindi na kailangang malaman pa ang kahalagahan ng mga
pangkat etniko sa ating bansa.
_______5. Iba’t ibang instrumentong pangmusika ang gamit ng mga
T’boli nang sila’y magtatanghal.

Gawain B
Buuin ang tsart ng mga alam mong maipagmamalaking kultura ng
pangkat etnikong kinabibilangan mo.

Kultura Mga halimbawa mula sa pangkat etnikong

kinabibilangan mo.

Kuwentong bayan

Katutubong sayaw

awit

Laro

kagamitan

5
Isaisip

Kompletuhin ang patlang ng hinihinging impormasyon. Isulat ang


iyong sagot sa patlang.

Ako ay si___________________________.

__________ ang pangkat etnikong aking kinabibilangan.

Nakalararawan sa itaas na bahagi ang katutubong kasuotan na

maipagmamalaki namin. Ang kuwentong bayan na sikat sa aming

pangkat etniko ay ________________. Sikat na katutubong sayaw

naman ang _____________________.

Ang katutubong awit namin ay ang _________________. Ang

isang katutubong laro naman na aming nilalaro ay ang

_______________. Maipagmamalaki ko ang mga ito sa pamamagitan

ng _____________________________.

6
Isagawa

Gawain 1

Isulat sa patlang ang sarili mong saloobin sa sumusunod.

Ang mga T’boli ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na may


sariling mga kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba
pa.
Isulat ang iyong mga gagawin kung paano mo
maipagmamalaki at mapapahalagahan ang mga ito.
Kung ikaw ay isang T’boli, paano mo maipagmamalaki sa
kapuwa Pilipino at mga dayuhan ang yaman ng iyong kultura?

____________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral na may nakagisnang pangkat


etniko, paano mo pinahahalagahan o ipinagmamalaki ang
nkagisnan mong Kultura?

________________________________________________.

7
Tayahin

Gawain A: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Ang mga ______________ay kilala sa masinop at matipid sa


buhay.
A.Ilocano C. Bisaya
B.Tagalog D. Muslim
2. Ang mga _________ ay may makukulay na kasuotan.
A. Ilocano C. Amerikano
B. T’boli D. Agta
3. Ang ____________ ay tahanan ng pinakamaraming mga
pangkat etniko.
A. Tawi-tawi C. Davao
B. Pilipinas D. Amerika
4. Ang mga ________ ay killala sa pagiging mahusay na
pangangaso.
A. T’boli C. Agta
B. Tagalog D. Muslim

5. _________ ang tawag sa isang batang ang ama ay Pilipino at


ang ina ay Pilipino.
A. Amerikano C. Arabo
B. Tsino D. Pilipino

Gawain B: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali


naman kung hindi.

____ 1. Ang Durian ay isa sa ipinagmamalaking prutas ng Davao.


____ 2. Iba’t ibang instrumentong pangmusika ang gamit ng mga
T’boli sa pagtatanghal..
_____3. Hindi dapat na ang isang tao ay may pagpapahalaga
sa kaniyang sariling kultura.
____ 4. Ang kultura ay nagpapakilala ng isang bansa sa buong
daigdig.
_____5. Ang iba’t ibang pangkat etniko ay may kakaibang kultura
tulad ng katutubong sayaw, laro,awit, kasuotan at iba pa.

8
Answer Key

5. Tama 5. D
5.Tama
4. Tama 4. C
4.Mali
3. Mali 3. B
3.Tama
2. Tama 2. B
2.Tama
1. Tama 1. A
1.Tama
Gawain B Gawain A
Pagyamanin 1
Tayahin

Depende sa sagot ng mag-aaral Depende sa sagot ng mag-aaral


isaisip Isagawa

Sanggunian:

https://www.google.com/search?rlz=1C1GCEA_enPH902PH902&sxr
f=ALeKk03g4uOtXL2mRFFeQMx0mq4vVlWww:1593318020153&source=
univ&tbm=isch&q=ibatibang+etniko+ng+pilipinas+tulad+katutubong+saya
w,laro,sayaw+at+iba+pa+in+public+domain&sa=X&ved=2ahUKEwjSzOuU
1KPqAhVEZt4KHSR6CyMQsAR6BAgKEAE&biw=1366&bih=657

https://www.google.com/search?q=mga+katutubong+sayaw+ng+T%27boli+ng+P
ilipinas+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwjWsoLl2aPqAhUyHK
YKHfjwCKQQ2cCegQIABAA&oq=mga+katutubong+sayaw+ng+T%27boli
+ng+Pilipinas+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQDFDuyQRYzegEYL
z8BGgAcAB4AIABoBKIAaIvkgERMi0zLjIuMS4xLjAuMS4wLjGYAQCgAQ
GqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=aiD4XtbVHLK4mAX44aOgCg&
bih=608&biw=1366&rlz=1C1GCEA_enPH902PH902#imgrc=8U7i2_Sx30
Q5YM

https://www.google.com/search?q=mga+katutubong+kasuotan+ng+%27boli+ng+
pilipinas+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKwi0g96e4aPqAhVM3J
QKHcGPBDsQ2cCegQIABAA&oq=mga+katutubong+kasuotan+ng+t%27b
oli+ng+pilipinas+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQDFDFvgFYhuIBY
Pr1AWgAcAB4AIABsgWIAcUnkgEJMi00LjIuMi40mAEAoAEBqgELZ3dzL
Xdpei1pbWc&sclient=img&ei=Oij4XrTIcy40wTBn5LYAw&bih=608&biw=13
66&rlz=1C1GCEA_enPH902PH902#imgrc=QDxFx_GnskdHG

9
https://www.google.com/search?q=katutubong+awit+ng+mga+ilokan+in+public+d
omain&rlz=1C1GCEA_enPH902PH902&sxsrf=ALeKk03ktFlzvnbaQ43zxb
DknYYLGwNAcg:1593598472858&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=uKIE
6afIjB6WnM%252CFuUUgdytt8hoAM%252C_&vet=1&usg=AI4_kQCoYU
7UoErxqfqyfIYsb1aXFVMUA&sa=X&ved=2ahUKEwjbnY736KvqAhXMfd4
KHXCPCV8Q9QEwAXoECAkQBw&biw=1019&bih=600#imgrc=uKIE6afIj
B6Wn

https://www.google.com/search?q=mga+instrumentong+de-
kuwerdas++ng+mga+T%27boli+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUK
EwiBpb6N5KPqAhXTIaYKHUiYAUIQ2cCegQIABAA&oq=mga+instrument
ong+dekuwerdas++ng+mga+T%27boli+in+public+domain&gs_lcp=CgNpb
WcQDFD50gJY1IDYM32A2gFcAB4A4ABzxKIAc6uAZIBETItOS40LjQuNi4
0LjIuMy4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=Oyv4XsG
bKtPDmAXIsIaQBA&bih=608&biw=1349&rlz=1C1GCEA_enPH902PH902
&hl=en-GB

https://www.google.com/search?q=katutubong+laro&sxsrf=ALeKk01zM9wKMBR
Eveo2r35WTuc9IqlTvg:1593571211586&tbm=isch&source=i&ictx=1&fir=il
3YMCJjcRwAEM%252CLjAWqOrD9agm8M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kROeVDTTA-
WYkOQeBsx6tvVrSkZzQ&sa=X&ved=2ahUKEwijo_avg6vqAhXZdd4KHcf
FAS8Q9QEwA3oECAoQLg#imgrc=il3YMCJjcRwAEM

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon na magpadala ng
kanilang puna o komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng
Edukasyon sa sa pamamagitan ng email na ito:
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

For inquiries and feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Valencia City
Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828 - 4615

10

You might also like