Professional Documents
Culture Documents
Mga Dahilan NG Suliraning Kawalan NG Trabaho
Mga Dahilan NG Suliraning Kawalan NG Trabaho
Kawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho,ayon sa tala ng PSA hindi lang yung mga
hindi nakapag-aaral o walang natapos ang dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin ang
kakulangan ng oportunidad sa kanila.Ang edad 15 hanggang 24 taon ang ay naghahahanap ng
trabaho at ilan ay hinihingian ng natapos o credentials. Ang mga kabataang ito ay nawawalan na ng
kompiyansa sa sarili dahil wala nang mapapasukan na trabaho di kaya’y matagal na naghihintay na
matawagan sa inaplayang trabaho. Isa pa sa mga dahilan ay ang kakulangan sa akademikong
paghahanda dulot ng mababang kalidad ng sistema ng edukasyon, gaya ng walang maayos na
kapasidad, programa o kurikulum at hindi matustusan ang pag-aaral kaya, ang iba dito ay huminto at
hindi na nakapagtapos at napabilang sa mga walang trabaho.
Paglaki ng populasyon, Ayon dito ang pagkakaroon ng maraming anak ay nakabawas sa
pagiging produktibo. Dahil ayon sa pamahalaan, kung mas kunti ang populasyon, mas kunti ang
kailangang trabaho. Sa kabilang dako may nagsasabi na ang isa sa mga pinakadahilan ng
unemployment ay ang pamahalaan dahil sa walang komprehensibo at pangmatagalang plano na
makalilikha ng trabaho para sa mga mamamayan. Umaasa lang ang pamahalaan sa mga dayuhang
namumuhunan para magkaroon ng trabaho sa bansa. Kaya ang mamamayan ay nagtiyaga na
magtrabaho kahit maliit lng ang sahod na natatanggap at kulang ng benepisyo at hindi maganda ang
kondisyon ng pinagtatrabahuan.
Mga kaganapan kung bakit mayroong suliranin sa paggawa at kawalan ng trabaho
(Unemployment):
- Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho sa dating trabaho.
- Ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.
- Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng panahon at okasyon.
- Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng pagliit ng industriya
sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa panlasa ng konsyumer.
- Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.
Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pagangat ng Pilipinas sa larangan
ng Business Process Outsourcing dahil sa mataas na English Proficiency ng mga manggagawang
Pilipino. Ang Pilipinas ang nangungunang
bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng Non-IT BPO. Ito ay ang sistema ng pagkuha ng serbisyo
ng pribadong kompanya na ang kanilang tanggapan ay nasa ibang bansa at pagkuha ng mga call
center agent sa bansa upang magtrabaho. Gagampanan ng mga agent na ito ang ilang aspeto ng
operasiyon na nasa Pilipinas upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang kliyenteng kompanya
na nakabase pa rin sa ibang bansa. Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE,
2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang desenteng paggawa (decent work) na
naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa
isang disente marangal na paggawa. Matutunghayan sa Pigura 2.1 ang apat na haligi upang makamit
ang isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa.
Pigura 2.1 Apat na Haligi para sa Isang Desente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)
Employment Pillar Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng
trabaho, malaya at pantay na oportunidad
sa paggawa, at maayos na workplace para
sa mga manggawa.
Konsepto ng Unemployment
- Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliran ng kinakaharap ng anumang
bansa.
- Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na walang trabaho
sa kabuuan ng lakas-paggawa.
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-
mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa,
at ang mura at flexible labor. Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas
ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa
hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga
namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na kung saan
nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade Organization
(WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa.
Naglalagak ang mga multi-national company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na
kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa mga
naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito.
Ø una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng globally
standard;
Ø pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan
pamilihan;
Ø pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad ng pagpasok
ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong
kagamitan sa paggawa; at
Ø pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali
lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto
o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na
nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa
kasalukuyan upang magkaroon ng desente at marangal na pamumuhay.
Magaling! Halika, tapusin mo ang gawaing inilaan para sa iyo sa Pagyamanin upang
mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol dito.
Mga Karapatan ng mga Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO)
Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip
na mag-isa.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at
trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d, mayroong minimong
edad at mga kalagayang pangtratrabaho para sa mga kabataan.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na sweldo para sa
parehong trabaho.
Ang mga kalagayan ng pagtratrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga
manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
Ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.