Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pamagat ng panukalang proyekto: Addidos 5KM Color Fun Run para sa Kabataan

Mula kay: Raya Melisande D. Rapi


Adress: 101 Lower General Luna Rd., Baguio City 2600
Petsa: Ika-5 ng Disyembre, taong 2021
Haba ng gugugulin ng proyekto: Ika-13 ng Marso, 2021 hanggang ika-5 ng Hulyo, 2021

I. Maikling Overview ng Proyekto


Ang Addidos 5KM Color Fun Run para sa Kabataan ay isang kawanggawang programa na isasagawa ng
kumpanyang Addidos bilang pangangalap ng pondo para sa KalyEskwela programa ng Childhope PH. Ang
mga gustong makilahok sa programa ay magbabayad ng Php 350.00 para sa rehistrasyon at ang lahat ng kita
ng marapon ay pupunta sa pagpopondo ng KalyEskwela at ang mga kailangan para maihatid ang mga
serbiyso nito sa mga nangangailangan. Ang pagsali sa marapon na ito ay bukas para sa mga edad 13 pataas.
Ito ay magsisimula at matatapos sa Wright Park Lagoon

II. Suliranin
Dahil sa sitwasyon ng pandemya sa bansa, ang bilang ng mga batang hindi nakakapag-aral ay gradwal na
tumataas. Ayon sa DepEd, tinatayang 23 milyong estudyante lamang ang nag-enrol noong Agusto 2020
kumpara sa 27.7 milyong nag-enrol noong taong 2019. Nakasaad din na mula sa 4 milyong estudyanteng hindi
nakapag-enrol, mga 2.75 milyon ay galing sa mga pribadong paaralan. Dahil dito, ang gobyerno at mga NGO
ay nagtatag at nagtayo ng mga programang layon ay pagtuunan ng pansin ang isyu ng pagtaas istatistika ng
mga out-of-school youth. Ang KalyEskwela ay isang palituntunan ng Childhope Philippines kung saan
nagsasagawa ng mga kapalit na educational sessions at mga klase ukol sa basic literacy at numeracy para sa
mga out-of-school youth indibidwal na kailangan ng pangkabuhayan para sa kanilang pamilya sa
pamamagitan ng isang mobile van na may dalang mga odiobiswal na kagamitan.

III. Layunin ng Proyekto


1. Kumita ng pondo para sa programang KalyEskwela sa pamamagitan ng pagbayad ng mga makikilahok
sa marapon.
2. Isulong ang kahalagahan ng edukasyong unibersal at pakikilahok sa mga aktibong gawain para sa
kalusugan.

IV. Plano
Ang mga hakbang para matupad ang proyektong ito ay ang sumusunod:
GAWAIN ISKEDYUL
1. Pagpulong para sa mga importanteng detalye Marso 13, 2021
at mga kailangan ng Fun Run.
2. Pag-kontakt sa mga awtoridad at kumuha ng Marso 15, 2021
mga permiso ukol sa rota na gagamitin ng Fun
Run.
3. Pag-kontakt sa mga isponsor ng Fun Run. Marso 23, 2021
4. Pagpulong ng mga partido kasama ang mga Marso 28, 2021
isponsor.
5. Paggawa ng mga PubMat na gagamitin para Marso 31, 2021
ianunsiyo ang magaganap sa madla at mga
tisyort para sa mga kalahok.
6. Simula ng pag-order ng mga tubig at Abril 1, 2021
meryenda para sa mga kalahok.
7. Pagpaparehistro ng mga kalahok sa Abril 5, 2021 hanggang Hunyo 10, 2021
pamamagitan ng internet.
8. Simula ng pagbenta ng mga tisyort. Hunyo 15, 2021
9. Paglalagay ng mga dekorasyon sa rota ng Hunyo 25, 2021
marapon.
10. Araw ng Addidos 3KM Color Fun Run para sa Hulyo 5, 2021
Kabataan. (GUNSTART: 5 AM)

V. Badyet
Tubig at meryenda ng mga kalahok - Php 15,750.00
Paggawa ng mga tisyort - Php 15,000.00
Bayad para sa rota - Php 7,000.00
Mga dekorasyon para sa rota - Php 20,000.00
Tauhan - Php 25,000.00
Promosyon at Marketing ng kaganapan - Php 5,000.00

TOTAL - Php 87,750.00

VI. Makikinabang
Ang proyektong nito ay makakatulong kumita ng puhunan para sa mga programang itinatag para sa kabataang
hindi nakakapag-aral dahil sa sitwasyong dinala ng pandemya at mga ibang rason, gaya ng KalyEskwela. Ang
marapon ay nagsisilbi ring aktibidad para sa mga kabataang nais makilahok sa mga gawaing itinataguyod ang
importansya ng kalusugan sa kasiya-siyang buhay.

Inihanda ni:

Raya Melisande D. Rapi

You might also like