Fil7 Q2 Unang-Lagumang-Pagsusulit

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Zamboanga del Norte National High School

Main Campus
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 7
Modyul 1&2

Pangalan:_________________________Baitang/Seksiyon:______________Iskor:________
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa patlang bago ang bilang.
_______1. Sa maraming lugar sa Pilipinas ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa
A. pagluluksa at kalungkutan C. paghihirap at gutom
B. pag-ibig at pagkabigo D.giyera at gutom
_______2. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa
A. pagiging mapamahiin C. pagiging masayahin
B. pagiging masipag D. pagiging matampuhin
_______3. Ang Oyayi ay awiting bayang iniuugnay sa
A. Bangka,pamimingwit at isda C. rosas,gitara at pag-ibig
B. walis,bunot at basahan D. duyan tulog at gitara
_______4. Ang balitaw at kundiman sa mga lugar ng katagalugan ay karaniwang iniuugnay
A. pangangaso C. paggawa ng mga gawaing bahay
B. panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig D. paggaud ng bangka
_______5.Ano ang iyong sariling hatol sa sitwasyong pinagtatawanan ng kabataan ang
naririnig na mga awiting bayan at bulong. Ano ang dapat ipamulat sa mga
batang ito?
A. mga batang walang mudo, kaya dapat pangaralan ng mga nakatatanda
B. mga batang baliw kaya dapat na ipakulong
C. mga batang walang grado kaya dapat bigyang pansin ng gobyerno
D. lahat ng nabanggit
_______6. Ang mga pangunahing wika ng Visayas ay
A. Waray, Ilonggo at Sugbuwanon C. tagalog,kapampangan at batangginyo
B. badjao,maranao at chabacano D. pangasenense,bikolano tagalog
_______7. Ang _____________ay naging laganap sa panahon ng ating mga ninuno bago pa man
ang pananakop ng mga Espanyol.
A. pangpisnging panitikan C. panitikang asyano
B. pasalindilang panitikan D. panitikan ng Mindanao
_______8. Ang __________ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at minsa’y
walang sukat at tugma na kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag ng pakanta.
A. bulong ng bayan C. awiting bayan
B. gulong ng bayan D. bugtong ng bayan
_______9. Ang awiting bayan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay karaniwang iniuugnay sa
A. material na kayamanan ng isang bayan
B. pagdurusang dinanas ng isang bayan
C. kultura’t kaugalian ng isang bayan
D. politika ng isang bayan
_______10. Ang __________ay awiting panghele o pampatulog ng bata at tinatawag na lullaby
sa ingles.
A. Balitaw B. Oyaye o Hele C. Kumintang D. Dung-aw
_______11. Ang _____________ay awit sa paggaod o pamamangka.
A. Soliranin B. Diyona C. Kumintang D. Balitaw
_______12. Ang ________ ay tinatawag ding orasyon kung saan karaniwang sinasambit ito
sa pagpapasintabi ng mga kakaibang nilalang na hindi nakikita ng tao.
A. Bulong B. bugtong C. gulong D. tulong
_______ 13. Sa awit na” Si Pilemon namasol sa kadagatan, Nakakuha ng isdang
tambasakan”.Isinasaad ng linyang ito na…..
A. isa sa mga pangunahing kabuhayan sa bisaya ang pangingisda
B. libangan ng mga tao sa bisaya ang pangingisda
C. wala silang ibang hanapbuhay kundi mangisda na lamang
D. Maraming isda sa Visayas kaya sila nangisda
________14. Ang awit na “Ili-Ili tulog anay, Wala diri imong nanay.Kadto tienda bakal papay
Ili-Ili tulog anay.Isinasaad sa awiting ito na…..
A. ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya
B. ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging mahusay na mang-
aawit
C. ang pag-awit para sa sanggol ay nakapagpalusog ng bata
D. ang pag-awit para sa sanggol ay lalong nakapagpaganda ng sanggol
________15. Ang Oyayi ay awiting bayang iniuugnay sa
A. Bangka,pamimingwit at isda C. rosas,gitara at pag-ibig
B. walis,bunot at basahan D. duyan tulog at gitara

II.Performance Task (10 puntos)


Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa inyong naintindihan sa awiting-
bayan ng kabisayaan.Isulat lamang sa inyong sagutang papel.

Dandansoy
Dandansoy, bayaan ta ikaw Convento, diin ang cura?
Pauli ako sa Payaw Municipio, diin justicia?
Ugaling kon ikaw hidlawon Yari si dansoy maqueja.
Ang Payaw imo lang lantawon. Maqueja sa paghigugma

Dandansoy, kon imo apason Ang panyo mo cag panyo co


Bisan tubig di magbalon Dala diri cay tambijon co
Ugaling kon ikaw uhawon Ugaling con magcasilo
Sa dalan magbobonbobon.
Bana ta icao, asawa mo aco

Pagkuha ng Marka o Rubrics


Pamantayan Laang Aking
Puntos Marka
Malinaw naipapahayag ang sariling pananaw/opinyon/argumento o 5
sanaysay hinggil sa awiting-bayan ng kabisayaan.
Maayos naisulat sariling pananaw/opinyon/argumento o sanaysay sa 3
awiting-bayan ng kabisayaan.
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa pagsusulat ng sariling 2
pananaw/opinyon/argumento o sanaysay ng awiting-bayan ng kabisayaan.
Kabuuang Puntos 10puntos

Iskala ng Pagmamarka: 5 – Napakahusay 3– Di-gaanong Mahusay 2- Sadyang Di-Mahusay

Prepared by: Reviewed by: Noted by: Approved by:

ARNEL L. AVILA MICHEL P. ENERO LUCITA V. CADAVEDO JOSELITO S. TIZON, EMD


TEACHER -I MASTER TEACHER-I DEPARTMENT HEAD-I SCHOOL PRINCIPAL

You might also like