Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Shimea Mizrah

BAED-FILI2111-101
Salisid Canono

Aspektong Kultura at Lingguistik ng Lungsod ng Pasig

Ang sanaysay na ito ay magmumulat sa atin ng unting kaalaman sa aspektong kultura at linggwistik ng lungsod ng
Pasig. Matutunghayan natin ang mga sagot na aking ipinahayag na katanungan sa isang mamamayan na naninirahan
dito sa aming bayan, sa tulong ng kanyang mga kaalaman sa Pasig. Ang Lungsod ng Pasig ay maituturing na isang sa
mga pinakamatandang lugar batay sa mga natuklasang arkeolohiko, at ang kasaysayan nito ay mayaman mula sa
pagsusulong ng kalakalan hanggang sa pagtataguyod ng kaalaman at hanggang sa pagkamit ng kalayaan noong mga
nakaraang pag-aalsa at welga ng mga tao. Halina't alamin natin ang kaalaman sa aspektong kultura at linggwistik sa
lungsodng Pasig, sa tulong ng isang naninirahan dito sa aming lungsod na si Wenie C. Manuel kung saan sasagot sa
mga katanungan na: Pagpapahalaga ng gobyerno sa bayan at mamayanan ng lungsod ng Pasig? Kabayanihan at
halaga ng wika sa mga Pilipino? Ano nga ba ang mga impluwensiya ng Amerika at Korean sa ugali at pagtatangkilik sa
lungsod ng Pasig? Ang pagpapagpag at sukob ba ay pinapaniwalaan parin ng mga pasigueno? Hindi lamang iyan sa
kasalukuyan ano mga katutubong pamahiin ang pinapaniwalaan ng mga pasigueno? Kilala si Wenie C. Manuel, sa
aming bayan na naninirahan sa Lifehomes Pasig City ng 14 taon na dating isang tauhang nagseserbisyo sa baranggay,
kung saan kanyang ibinahagi ang kwento o kaalaman niya sa mga naibigay na mga katanungan.

Ayon sa paguulat ni Wenie C. Manuel, ang gobyerno ng Pasig City ay siyang napakahusay sa pamumuno ni Vico Sotto.
Sa oras ng pandemya lagi nia pinapaalalahanin sa mga mamayanan
or pasigueno ang kaligtasan, sa tulong ng
pagpapaskil nito sa bawat munisipyo, ito rin ay naituturo sa
eskwelahan kundi kaya sa paglikha ng mga proyektong
pag titipon sa bawat baranggay. Ngunit dto sa Pasig hindi karamihan

ay sumususnod sa dahilang maraming matitigas
ang ulo, halos mga edad 13 pataas na walang trabaho ay ginagawang

laro lamang ang mga annunsyo ng gobyerno
habang ang iba namn ay hindi naniniwala kundi kaya dedma lamang sila. Ang pag- aaral o paraan dito sa Pasig lalo na
sa oras ng pandemya ay pag papahayag ni Vicco Sotto sa bawat magaaral na nagaaral sa publiko ay ang mga electronic
gadget upang makakuha ng sapat na edukasyon ang mga ito. May mga estudyante ginagamit ito sa mga maayos at
magandang paraan samantalang ang iba ay hindi. Ang mga estudyante na nagsisikap mag-aral ginagamit ang kanilang
gadget or naipahiram na gadyet upang maisagawa ang mga aktibidad na ibinibigay ng kanilang mga guro para sa
maganda or pasadong marka. Hindi lamang sa tamang paraan, ang mga ibang estudyante ay inaabuso ang mga
ito.Tulad ng pag download ng mga laro at paggamit nito sa mga maling oras na maari makaapekto sa kanilang
kalusugan at pag- aaral. Kaya dapat alam o pinapaalam ng magulang sa kanilang anak na magkaroon sila ng limitasyon
sa paggamit ng mga ito, bilang estudyante dapat alam na nila sasarili na mga bagay na nakabubuti at nakakasama sa
kanilang buhay. Sa kalinisan at pagpapaganda sa kapaligiran ng Pasig, makikita natin sa bawat paaralan ay may
naisasagawang "segregation" ito ay paghihiwalay ng basura sa nabubulok, hindi nabubulok at sa mga basura na dapat
iresiklo. Isa rin ang CLAYGO na kahulugan na "clean as you go" itong paksil na ito ay kilala sa mga publikong kainan o
kaya sa kantina sa paaralan. Napapanatili ang kagandahan ng Pasig sa mga proyektong naipatupad, sa kasalukuyan
ang mga poste sa mga daan at paggawa ng daan para sa mga bisikleta. Makikita rin ang pagpapanatili "Green" sa
Pasig, sa paaralan ay may hardin proyekto ng mga guro sa mga estudyante isang paraan para sila ay matuto
pangalagaan ang kalikasan ng Pasig. Napapansin natin na ang bawat pasigueno ay maka bayanihan kung ito ay
isinasaad sa panahon ng pandemya ang mga nars at doktor ay itinataya ang mga linya ng buhay nila para maisagip
ang mga pasyente, samantalang tayong mamayanan ay matapang sinusubok ang COVID vaccine para sa ating mahal
sa buhay, kalagayan at kaginhawaan ng lahat.Pagtungo naman sa paniniwala ang mga pasigueño ay gumagamit ng
mga albularyo, at paghihilot, pagpapausok pag may sakit, pag putho at insenso pag may nasapi ng engkanto ito, ay pag
dating sa kalusugan. Isa rin ang pagsasabi ng tabi tabi po, hindi pagwalis at pagsuyod tuwing gabi. Sa kagandahang
asal naman, maibabanggit naten ang pagmamano at pagsabi ng po at opo. Ang iba pa na paniniwala na papasok sa
mga mahahalagang pangyayari o relihiyon, tulad ng hindi pag liligo tuwing mahal na araw sa araw ng kamatayan ni
hesus, pagsindi ng kandila at pag alay ng pagkain tuwing araw ng patay at ang paggamit ng rosaryo na impluwensiya
ng mga kastila. Ang pagpapagpag at ang sukob ay patuloy parin natin pasigueno pinaniniwalaan. Ang pagpapagpag ay
siyang paraan upang maiwasan tayo sa kapahamakan at panganib sa kagagawan ng mga masasamang espiritu
nakapaligid sa oras ng lamay. Samantala, ang sukob ay pamahiin kung saan ang isang magkapatid o miyembro ng
pamilya ay sabayang pagpapakasal na maari isa sa kanila ay malasin, dito magaganap ang kompetisyon sa swerte.
Pagdating naman sa mga bagay na pinagtatangkilikan ng mga pasigueno, napapansin natin sa kasalukuyan sa paraan
ng pananamit sila ay na kukumbinsi na magsuot ng mga uso. Tulad sa mga sikat na na papalabas sa telebisyon. Sa
kasalukuyan ang mga pananamit ng mga Koreano. Pagdating naman sa Amerika na aakit sila sa mga "branded" na
kasuotan dahilang ito ay mamahalin at maganda sa paningin ng mga tao. Nagagamit lamang ang sariling kasuotan sa
mahahalagang okasyon tulad ng piyesta, buwan ng wika at iba pa. Hindi lamang ang mga pananamit ang
naimpluwensiya, isa din ang kaugalian na kung saan ang mga pasigueno ay napipilitan na lamang. Kumbaga
mahihikayat sila na gawin o gayahin ang isang ugali para lamang makasabay sa iba.

Sa pagtatapos kung ang Pasig ay ating pagmamasdan ito ay maraming ganap na pagbabago at mga bagay na
panatiling isinasagawa. Katulad nga sa mga sinabi ni Wenie C. Manuel, mayroon naniniwala parin sa nakaraang
pamahiin, samantala ang iba ay hindi na naniniwala. Ang iba naman ay nanatiling sumuot parin ng makaluma, ang iba
naman ay sumasabay na sa mga uso. Napapaloob rin tungkol sa pamamalakad ng namumuno dito sa Pasig at
impormasyon tungkol sa kabayanihan at lengguwahe ng isang pasigueno. Bilang isang Pasigueno na tulad ko ako ay
tumatangkilik parin ng mga kagamitang pilipino,paggamit ng lengguwaheng tagalog o filipino,paniniwalang patuloy
nirerespeto, sa pagsunod ng mga alituntunin at maging halimbawa sa nakakarami, sa tulong na ito balanse ang
pagpapaunlad ng isang bansa at ng ating bansa.

You might also like