(A)Isinilang siya noong Mayo 9, 1875 sa Kalookan, sakop ng
Maynila na dating probinsya noon.
(B) Produkto siya ng paaralang-bayan sa panahapn ng Kastila; nakatapos katumbas ng intermedya ngayon. (C)Disiotso lamang siya ng pakasal sa simbahan kay Andres Bonifacio, isang biyudong mestisong matanda sa kanya ng 12 taon. Pagkaraan ng isang linggo muli silang ikinasal sa lihim na samahan, ang Katipunan. (D)Noong Hulyo, 1893,bininyagan siyang kasapi ng Katipunan, kasabay ng marami pang kapatid sa nasabing samahan. (E)Nang maging madalas ang pagsalakay ng mga tiktik na Kastila o mga Veterana (guardia civil veterana) sa mga pinaghihinalaang tagpuan ng Katipunan, mdalas na sa labas ng bahay nagpapalipas ng oras si Oryang. (F) Naghanda si Oryang sa pakikipaglaban. Nang sumiklab ang rebolusyon, sanay na siyang mangabayo, marunong bumaril, at kayang gumamit ng iba pang uri ng sandata. (G)Beinte-dos si Oryang nang paslangin si Bonifacio noong ika-10 ng Mayo sa kabundukan ng Maragondon. (H)Pagkaraang mabawi ang duguang damit ng asawa mula sa mga kawal Magdalo, lumikas si Oryang at nanirahan sa kabundukan ng Pasig, kasama ang mga dating Katipunero. (I)Noong 1898, nagpakasal siya kay Julio Nakpil, kaibigan at dating kalihim ni Bonifacio. (J)Binawian siya ng buhay sa Kabite noong Mayo 1943.