Boiser - PS101 - Maikling Paper

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

1

Jasmine Abbygail R. Boiser

201807473

1007 salita

Sa modernong kasaysayan, ang dominanteng imahen ng pandaigdigang relasyon ay ang

pagkakahati ng mundo sa pagitan ng maunlad at progresibong Kanluran at nahuhuli at Third

World na Silangan. Itinatampok din ng mga ekonomista na ang kapitalismo bilang tagapagtaguyod

ng malaya at pantay na kumpetisyon sa pagitan ng mga bansa na nagtutulak sa paglago ng kani-

kaniyang ekonomiya. Ngunit sa katotohonan, ang pagkakahating ito ay bunga ng mahabang

kasaysayan ng kolonyalismo at imperyalismo na naghulma ng ‘di pantay na pag-unlad ng mga

bansa hanggang sa kasalukuyan. Bukod pa, ang tunay na pandaigdigang relasyon ay eksploytasyon

upang harangan ang pag-unlad ng mga nasa Silangan. Ang tunay na imahen ay karamihan ng parte

ng mundo na mayaman sa mga likas-yaman ay sa kasalukuyang naghihirap at hindi nagagampanan

ang mga pangangailangan ng mga mamayan; ang mga bansang walang lupa at likas-yaman naman

ay ang siyang nagkakamal ng sandamakmak na kapital. Kaya naman, hindi totoo na natural na

bahagi ng katangian ng mga Kanluraning bansa ang pag-unlad. Ang kanilang kapangyarihan ay

estratehikong nakamit sa pamamagitan ng marahas na pambubusabos at walang hiyang

pagnanakaw sa mga bansang kinolonisa.

Umusbong ang kolonyalismo noong ika-15 na siglo kasabay ng pagarangkada ng yugto ng

kapitalismo na merkantilismo at pag-manupaktura sa Europa. Sa pamamagitan ng mga kolonyal

na ekspedisyon at pandarambong sa iba’t ibang panig ng mundo, ang mga kolonisador na bansa

noon ay nakapag-palago ng kanilang ekonomiya at nagkaroon ng base para sa likas-yaman at


2

lakas-paggawa. Sinakop ng Imperyong Espanya ang Pilipinaas upang gamiting istasyon sa

pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa at pinagmulan ng mga mamahaling metal. Nakitaan din

nila ito ng ibang mga pagkain at likas-yaman na ginawang panustos sa kanilang pangangailangan.

Sa loob ng halos tatlong daang taong paghahari ng Espanya, ipinatupad ang sistemang

enkomyenda at sistemang asyenda upang pagsama-samahin ang mga bulto ng mga Pilipino at

pahigpitin ang pagpapatupad ng mga batas at pag-aari ng Espanya sa Pilipinas.

Hindi limitado sa pananakop ng teritoryo ang kolonyalismo; ganap din ang pagkokolonisa ng

kamalayan at kultura ng isang bayan. Madiin na ipinalaganap ng mga Espanyol ang Simbahang

Katoliko bilang prinsipal na institusyong pangkultura at pang-ideolohiya ng bansa. Relihiyoso ang

pangunahing tipo ng edukasyong ipinapamahagi habang iwinaksi ang mga radisyong pagano ng

mga katutubo. At sa tuluyang pagusbong ng teokratikong estado, nakalap ng mga prayle ang

kapangyarihan sa pagpapatupad ng mga patakarang kolonyal.

Ngunit, hindi nagtagal, kinamuhian ng mga Pilipino ang mga prayle dahil sa kanilang pang-

aabuso, pang-aapo, at pananamantala. Nagkaroon ng pagtuligsa sa kanilang diskriminasyong

panlahi na nagbunga sa pag-aalsa ng mga Pilipino. Sumulpot ang kaliwa’t kanang mga

insurhensiya laban sa prestihiyong pampulitika ng Simbahan kasabay sa paglitaw ng kilusan sa

sekularisasyon. Sa yugtong ito, hindi na napigilan ang unti-unting pagsulong ng makabayang

kamalayan ng mga Pilipino. Hinimok pa ang nasyonalistang sentimyento ng ligalig ng masa ng

pagoorganisa ng mga Ilustrado, mga taong naguwi ng kaliwanagan ukol sa mga ideya ng

liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa. Ang pagbubukas ng global na merkado at mga

daungan ay nagbukas ng daluyan ng rasyunal-kritikal na diskurso mula sa ibang mga bansa. At

buhat nito, sunod-sunod na lumabas ang sintomas ng pag-aalsa ng buong bayan: mga publikasyon
3

at pahayagan ay nagbigay espasyo para sa mga kontra-Espanya na opinyon; boluntaryong at

kapatirang pakay ay ang nasyonalistang talakayan, at iba pa. Ang intelektwalisasyon, bagkus ay

kolonyal at Kanluranin sa oryentasyon, ay hindi lang nakatuon sa pagtuligsa sa mga Espanyol,

ngunit sa pagkakaroon din ng pansariling determinasyon. Hindi lang nila pinag-aralan ang

pagsasagawa ng giyera; isinulong nila ang mga rekwisito sa kasinlaran. Hindi lang sila nagsulat

ng propaganda laban sa Espanya bagkus mga teksto tungkol sa paglaya mula rito.

Sa ilalim ng pananakop ng kolonistang Amerika, mas pinagtibay ang pagpapairal ng kolonyal at

liberal na edukasyon sa ngalan ng “makataong asimilasyon.” Ipinatupad ang Ingles bilang midyum

ng pagtuturo at intelektwalisasyon; mga Amerikanong sundalo ang nagpatakbo ng pampublikong

paaralan; mga Amerikanong iskolar naman ang namuno sa mga akademikong departamento sa

iilang unibersidad. Ang malaking kaibahan ng paraan ng mga Amerikano sa mga Espanyol ay

inangkop nila ang mga intelektwal sa panig ng estado. Halimbawa, ipinakilala ang Filipinism

bilang isang larangan ng pananaliksik upang hikayatin ang maraming Pilipino na suriin ang

kanilang lipunan gamit ang relatibismo at obhetismo. Hinimok din ng mga Amerikano ang mga

intelektwal sa pamamagitan ng sibiko at akademikong apprenticeship. Kaya naman, karamihan ng

Pilipinong intelektwal ay naging pabor sa mga kolonisador. Ngunit, tulad nang nangyari sa

Espanya, sa huli ay humalili rin ang makabayan at maka-masang kamalayan sa mga naturang

intelektwal. Lampas sa mababaw na pagsusuri ng kulturang Pilipino, napagtuunan na ang totoong

hamon sa kanila ay ang pag-aanalisa ng panlipunang kundisyon at pabubuo ng kanilang sariling

‘nasyon.’ Bagkus limitado sa maka-kanluranin at liberal na balangkas dahil ito pa lang ang maaring

gamitin nila, unti-unting nagsilabasan ang mga progresibong ideya galing sa masa.
4

Nagbunga ang kolonyalismo ng sandamakmak na kontradisyon sa lipunan, kaya naman pati ang

kamalayan na tinangkang sakupin ay pilit na nagbalikwas laban dito. Ang produksyon ng

modernong kalinangan at kamalayan ng mga Pilipino ay naging kasangkapan sa pagsilang sa

nasyonalismong rekwisito para sa tunay na paglaya. Mula noon hanggang ngayon, naiintindihan

na ang intelektwalismo ay may kakayahan maging mapagpalaya at makapagbunsod ng

malawakang pagkikilos. Inuungkat dapat sa ganitong pagsasanay na ang ating paghihirap ay bunga

ng sistematikong pambubusabos ng mga imperyalistang bansa. Bukod dito, dapat din ibida ang

pagtugon ng sambayanan sa pamamagitan ng pakikibaka.

Ang dekolonisasyon ng kamalayan ay nagmumula sa ating pagbuo ng sariling ‘nasyon.’ Ito ay

isang proseso ng pagsisikap ng sambayanan upang magkamit ang mas mainam na pamumuhay

labas sa eksternal na impluwensiya at pataw ng kolonisador nito. Kaakibat dito ang pagsusulat

tungkol sa kasaysayan at politika ng bansa batay sa perspektibang Pilipino. Iwinawaksi rin dito

ang pagbida ng Kolonistang naratibo ng pagiging ‘tagapagligtas,’ at itinutuwid na ang

pagbabalikwas ng masa ang lumilikha mga pagbabagong panlipunan sa daigdig. Hindi lamang

dapat ilarawan at suriin ng mga intelektwal ang realidad sa Pilipinas, kundi taluntinin din ang mga

paraan upang isulong ang materyal at subhetibong pag-unlad ng sambayanan. At sa wakas, ito ay

makakamit lamang kung ang oryentasyon ng edukasyon ay makabayan, siyentipiko, at maka-

masa.
5

Mga Sanggunian

Constantino, Renato. 1975. Tungo sa Kasaysayan ng Bayan. Araling Pilipino 101 Teksbuk.
Manuskrito.
https://drive.google.com/file/d/13py0IRdP84gG3ZI_P_8a4Y5iOUivi0OO/view?usp=shar
ing.

Mojares, Resil. 2006. The Formation of Filipino Nationality under U.S. Colonial Rule.
Philippine Quarterly of Culture and Society 34(1): 11-32.
https://sirmykel.files.wordpress.com/2016/07/resil-mojares-the-formation-of-
filipinonationality-under-us-colonial-rule.pdf, Inakses 21 Agosto 2020.

———. 2006. Entangled Genealogies. Sa Brains of the Nation, 383-418. Lungsod Quezon:
Ateneo de Manila University Press. https://drive.google.com/file/d/1j5J6-
zyEsncDOwdSlS5LZ2FbScV4knwn/view?usp=sharing.

———. 2006. The Rise of an Intelligentsia. Sa Brains of the Nation, 419-466. Lungsod Quezon:
Ateneo de Manila University Press.
https://drive.google.com/file/d/1QMBa4t_Q_i0GTD125MN7nf0uRBoiI6es/view?usp=sh
arin g.

———. 2006. Writing About Ourselves. Sa Brains of the Nation, 467-505. Lungsod Quezon:
Ateneo de Manila University Press. https://sirmykel.files.wordp

Rodney, Walter. 1972/2011. Some Questions on Development. Nasa How Europe


Underdeveloped Africa, pp.1-29. London: Black Classics Press.
https://drive.google.com/file/d/1kaGKjCJLTMF09y0Fbhg3oUPwjCCEODrK/view?usp=
sharing.

You might also like