Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Wikang Pambansa sa panahon ng Hapones

Pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano ay sumunod na nanakop ang mga Hapones.


Marami silang naidulot hindi maganda sa ating bansa, mga kapwa kababayan natin ang kanilang ginahasa,
inapi, pinahirapan at pinatay. Mga pagmamalabis nilang naisulat sa mga libro, ang kasaysayang nagdulot para
umusbong ang pagiging makabayan ng mga Pilipino. At ang kasakiman nilang nabigyang hanggan, ng mga
bayani nating lubos na nakipaglaban at pati sariling buhay ay nilaan para sa tinatamasa nilang kalayaan ng
bayan.

Marami silang nagawang masama, mga pagkakamaling hindi na magagawang itama, mga sakunang
idinulot nila, mga nakakatraumang kaganapan noon, ngunit kahit papaano sa panahon na iyon ay malayang
nagamit ng mga Pilipino ang wikang Tagalog. Dahil sa lubos na magka away ang mga Amerikano at Hapon ay
ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles. Dahil sa pagbabawal na ito ay napilitang gumamit ng wikang
Tagalog ang mga manunulat sa pag sulat, ganon na rin ang mga mamamayan sa pakikipag usap sa kanilang
kapwa kababayan, na di naglaon ay ginagamit na nilang lahat. Ang kaganapang ito ay nagdulot upang ang
panahong iyon ay maging panahon ng mga maikling kwento at dulang tagalog. Sa panahon ring ito ay nagawa
nilang pasiglahin o pagyamanin ang Pambansang Wika sa kanilang pamumuno.

Ngunit kahit pa man pinayagan nila ang pag gamit nito ay di pa rin mawawala sa isip ng mga
mamamayan ang pagmamalabis at pang aalipin sa kanila ng mga Hapon kay di kalaunan ay nagsiklab ang galit
nila at doon na nagsimula ang madugong labanan. Iisa lang ang layunin ng mga Pilipino noon, at yon ang
makamit ang kalayaan ng ilang taon nilang ipinaglalaban, ang kalayaan na ilang bayani din ang naglaan ng
kanilang buhay, at sa huli ay nagawa rin nilang makamit ito. Ang pagkakaisa ng mga tao noon ang sanhi ng
kanilang pagkakamit sa kalayaan. At hindi na muling nasakop pa ang bansa pagkatapos ng digmaang naganap
sa pagitan ng mga Pilipino at Hapon.

Sa panahong ito ay nagawa man nilang pag yamanin ang wikang pambansa ng mga Pilipino, ito
naman ang nag dulot sa kanila ng pagkatalo at pagkasawi sa pananakop sa ating bansa. Kaya mahalaga ang
wikang pambansa natin dahil ang wikang ito ang nagsilbing pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga tao noong
unang panahon kaya dapat itong igalang, pahalagahan at pagyamanin.

You might also like