Sibika 2.

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FIRST MONTHLY TEST

SIBIKA-2

PANGALAN:______________________________________________ PETSA:___________________
Teacher PIRMA: __________________
I. Panuto: Tukuyin ang Natatanging Ugali ng mga Pilipino na ipinapakita ng bawat tauhan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. Maka-Diyos C. Matulungin E. Maalalahanin


B. Magalang D. Matipid F. Matapat

________1.Nang matapos ang hagupit ng bagyong Yolanda, maraming nawalan ng tirahan. Si Erick
ay tumulong sa pamimigay ng mga pagkain at damit sa kanila pati na rin sa pagsasaayos
ng mga nasira nilang bahay.

________2.Nalaman ni Ricardo na may sakit ang kanyangTiya Fely. Agad siyang nagpunta sa ospital
upang mabisita at maalagaan ang kanyang tiya.

________3. Si Stella ay hindi nakakalimot magsimba kasama ang kanyang pamilya tuwing Linggo.
Siya rin ay nagdadasal araw-araw upang magpasalamat sa lahat ng mga biyaya ng
Diyos.

________4.Habang naglalaro sa kanyang kompyuter, dumating ang mga magulang ni Miguel. Agad
siyang tumigil sa paglalaro at nagmano sa kanyang tatay at nanay.

________5.Nakita ni Patrick na may sira ang gripo sa lababo. Agad niya itong inayos upang hindi
masayang ang tubig.

________6.Habang naglalakad sa parke, nakapulot ng pitaka si Fiona. Dinala niya ito sa barangay
tanod at nagpatulong hanapin ang may-ari ng pitaka upang maisauli ito.

________7. Si Paolo ay gumagamit ng “po” at “opo” tuwing siya ay nakikipag-usap sa nakatatanda


sa kanya.

________8.Mula nang magsimulang magtrabaho si Joshua, naging kaugalian na niya na mag-impok


sa bangko. Hindi rin siya bumibili ng mga bagay na hindi niya kailangan.

________9. Si Martha ay nakatanggap ng imbitasyon sa kaarawan ng kanyang kaibigan. Siya ay


naghanap at bumili ng espesyal na regalo para sa kanyang kaibigan.

________10.Tuwing Mayo, tulong-tulong na naglilinis sa mga paaralan ang mga tao sa barangay.
Sinisiguro nila na maayos ang mga silid-aralan na gagamitin ng mga mag-aaral.
II. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag Pumili ng sagot sa kahon. Isulat ang titik lamang.

_______1. Mga sakahan at mga baybayin ay matatagpuan sa _____.


_______2. Pamayanang binubuo ng mga magtotroso.
_______3. Isang patag na paglalarawan ng lahat ng bahagi ng ibabaw ng mundo.
_______4. Binubuo ng mga mag-anak na nagkakaisa at nagtutulungan sa lahat ng gawain.
_______5. Pamayanan ng mangingisda.
A. pamayanang kagubatan D. pamayanan
B. pamayanan sa baybaying-dagat E. pamayanang rural
C. mapa

_______6. Pamayanan ng magsasaka.


_______7. Ito ay patag o pantay na lupain sa itaas ng bundok.
_______8. Bilang ng mga pangunahing direksyon.
_______9. Ang pamayanan sa lungsod ay tinatawag ding_______.
_______10. Ang pamayanan na pinagkukunan ng mga mahahalagang mineral ay tinatawag na____.
A. kapatagan D. talampas
B. apat E. pamayanang minahan
C. pamayanang urban

III. Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.

1. ● ● plasa

2. ● ● simbahan

3. ● ● bahay

4. ● ● palengke

5. ● ● paaralan
IV. Panuto: Kahunan ang larawan ayon sa direksyon na nakasaad sa ilalim.

1. 2.

Hilaga Timog

3. 4.

Kanluran Silangan
5.

Timog at Hilaga

You might also like