Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KATITIKAN NG PULONG NG SSG OFFICER NG COMMONWEALTH

HIGH SCHOOL

I. PAGBUBUKAS NG KAPULUNGAN
a. Ang kapulungan ay ginanap noong Oktubre 4, 2021. Nagsimula ang pagpupupulong sa
ganap na 1:00 ng hapon sa Commonwealth High School
b. Ang taong namuno sa kapulungan ay si Veah Etol, Presidente ng SSG sa Commonwealth
High School.
c. Talaan ng mga dumalo sa pagpupulong:
Dumalo:
Veah Etol (President)
Angelo Cabrera (Vice President)
Mean Joyce Jamesola (Secretary)
Michael Dominguez (Treasurer)
Princes Nicole Ibardaloza (Auditor)
Camille Concepcion (Public Information Officer)
Eliniel Santiago (Peace Officer)
d. Ang adyenda ng pagpupulong ay Paghahanda para sa Sport Fest ngayong Oktubre.
II. PAGLALAHAD NG MGA TINALAKAY SA PULONG AYON SA ADYENDA

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Veah Etol, Presidente ng SSG sa Commonwealth High
School sa ganap na ika-1:00 ng hapon at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang
panalangin.
II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong
Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Angelo Cabrera, ang Bise-Presidente ng SSG na
kalihim ng SSG Officer ng katitikan sa nakaraang pagpupulong noong Hunyo 26, 2021.
Ipinahayag nya ang mga paparating na aktibidad sa eskwelahan.
III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda
Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Veah Etol sa kahalagahan ng
pagkakaisa ng mga studyante sa gaganaping Sport Fest sa CHS. Nagbigay rin ng mga
mensahe ang mga Opisyal ng SSG.
Sinimulan ni Veah Etol at Angelo Cabrera ang unang adyenda- Sport Fest 2021. Ipinaalam
nila sa mga magulang na mayroong gagagaping Sport Fest sa Commonwealth High School.
Dapat na sila sumali sa gaganapin na Sport Fest ngayong Oktubre 20, 2021 hanggang
Oktubre 24, 2021. Sa panghuling araw ng gawain ay magkakaroon ng palaro sa mga
estudyante na nais makilahok.

Ang Sport Fest ay madali lamang dahil tatlong klase lamang ng aktibidad ang gagawin. Ito
ang Cheer dance, Basketball at Volleyball. Lahat ng mga sasali rito ay magkakaroon ng
papremyo para sa mga mananalo. Inisponsoran ng mga kaguruan at principal ng paaralan
ng CHS.
Sumunod na binanggit ay ang pangalawang Adyenda- Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod
ng aktibidad ayon sa abiso ng ating tagapaggabay ng organisasyon. Unang gaganapin ay
ang Cheer dance. Sa pangunguna ng presidente ng SSG ito ay inaprobahan. Pangalawa ang
Basketball. At ang Pang huli ay Volleyball. Lahat ng studyante sa Commonwealth High
School ay inimbitahan na suportahan ang kani kanilang mga gusting team. Nangangailan
ito ng suporta ng mga guro, studyante lalo na ng mga magulang.
Ang huling Adyenda- Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga gawain sa
simula ng selebrasyon. Hinati hati ang mga Opisyal ng SSG sa tatlong aktibidad. Ang
naatasan sa aktibidad na cheer dance ay sina Eliniel Santiago at Camille Concepcion. At ang
naatasan sa aktibidad na basketball ay sina Mean Joyce Jamesola, Michael Dominguez at
Princes Nicole Ibardaloza. At sa panghuling aktibidad ay sina Veah Etol at Angelo Cabrera.

III. PAGTITINDIG NG KAPULUNGAN


Natapos ang pagpupulong sa ganap na 3:00 ng hapon.

You might also like