Week 4 - Bionote

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

DepEd Activity Sheets (LAS)

Akadeikong Pagsulat - BIONOTE


Unang Semestre –Ikaapat na Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET

Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin CS_FA11/12PU-0d-f-92

Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

CS_FA11/12PU-0d-f-93

MAGSIMULA

Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong sarili. Isipin kung anong mga impormasyon ang

mahalagang ibahagi sa iba. Gumupit ng isang litratong sa tingin mo ay nagpapakita ng

iyong mga katangian at ilagay sa gilid ng talata. Isulat ang talata sa kahon sa ibaba.

TALAKAY SA PAKSA

Ano ang tala sa may-akda?

Mahalagang kasanayan ang pagsulat ng tala sa may-akda o bionote. Ito’y pinaikling buod

ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na

taglay ng isang may-akda. Karaniwan itong nakasulat sa ikatlong panauhan. Kadalasan


itong hinihiling sa sumusunod na pagkakataon:

• Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya

• Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop


• Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog

• Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship

• Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal

• Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng kaniyang

aklat o anomang publikasyon ~ Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay

sa mga mananaliksik

1
Dahil ang tala sa may-akda ay isang buod, mahalagang piliin ng may-akda ang

pinakamahahalagang bahagi mula sa kaniyang biodata o curriculum vitae. Hindi ito

pagbubuhat ng sariling bangkô o pagyayabang. Kinakailangan ito upang makilala ng mga

mambabasa ang kakayahan ng manunulat. Bukod sa pagpili ng mga bahagi, kinakailangan

ding may kaugnayan ang mga impormasyon sa bionote sa paksaing taglay ng isang

publikasyon. Halimbawa, kung susulat ng bionote para sa isang dyornal kaugnay ng sining

at humanidades, mahalagang tukuyin ang mga datos na may kaugnayan sa nasabing larang

ng pag-aaral. Kung ang aklat naman ay may kinalaman sa ekolohiya, mahalagang tukuyin ng

may-akda ang kaniyang kaugnayan sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran. Dahil dito,

hindi na mahalagang tukuyin ang mga impormasyon kung saan nag-aral ng pre-school

hanggang hayskul ang isang manunulat. Hindi na rin mahalagang sabihin na nakakuha siya

ng Loyalty Award o kaya ay Best in Poster Making Contest noong nasa ikalawang taon sa

mataas na paaralan.

Dalawang uri ng tala sa may-akda

May dalawang uri ng tala sa may-akda na kadalasang hinihingi sa akademya at mga

publikasyon. Una at ang pinakakaraniwan ay ang maikling tala para sa mga dyornal at

antolohiya. Tandaang dapat ay maikli ito ngunit siksik sa impormasyon. Hindi na kailangang

banggitin ng may-akda ang mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain ng dyornal o

antolohiya. Pansinin ang halimbawa ng tala sa mayakda na nailathala sa Bumasa at Lumaya

2: A Sourcebook on Children’s Literature in the Philippines (Anvil Publishing, Inc., 2016):

Si Carla M. Pacis ay manunulat ng mga aklat pambata at mga kuwentong pangkabataan na

ang ilang akda ay nagwagi sa National Book Award, Carlos Palanca Memorial Awards for

Literature, at sa PBBY Salanga Prize. Siya rin ay full time na propesor sa Departamento ng

Panitikan sa De La Salle University-Manila, at tagapagtatag ng Kwentista ng mga Tsikiting

(KUTING), at council member ng National Council for Children’s Television.

Maikli ngunit hitik sa impormasyon ang tala ni Prop. Pacis. Dagdag pa, ang nilalaman ng

kaniyang bionote ay may direktang kaugnayan sa nilalaman ng nasabing aklat. Bilang

gabay, kadalasang nilalaman ng maikling tala ang sumusunod:

2
• Pangalan

• Pangunahing trabaho ng may-akda

• Edukasyong natanggap ng may-akda (antas batsilyer hanggang antas gradwado)

• Mga akademikong karangalan gaya ng Latin honors (cum laude hanggang summa cum

laude), Best Thesis, o scholarship na natamo bilang mag-aaral (hindi kasama ang

diskuwentong natamo dahil sa pinansiyal na kalagayan)

• Mga premyo o gantimpalang natamo na may kinalaman sa paksain ng dyornal o antolohiya

• Dagdag na trabaho ng isang may-akda bukod sa kaniyang pangunahing posisyon

(kailangang tukuyin ang posisyon at institusyong kinabibilangan)

• Organisasyong kinabibilangan

• Mga tungkulin sa pamahalaan o komunidad

• Kasalukuyang proyekto ~ Mga detalye sa pakikipag-ugnayan gaya ng e-mail address

(kung kinakailangan)

Pangalawang uri ng tala sa may-akda ay ang mahabang uri nito.

Kadalasan, ito ay isinusulat bilang prosang bersiyon ng isang curriculum vitae. Mahahabang

bionote ang kadalasang ginagamit ni Ligaya TiamsonRubin, may-akda ng maraming aklat

tungkol sa Angono at isang dating Professor Emeritus sa Unibersidad ng Pilipinas. Aniya,

mahalaga ang mahahabang bionote upang may sangguniang mapagkukunan ang mga

iskolar at mananaliksik kaugnay sa kaniyang buhay at tagumpay. Binubuo ito ng dalawa

hanggang walong pahina, at doble espasyo. Isinasagawa ang ganitong uri ng bionote para

sa sumusunod:

• Entri sa ensiklopedya

• Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng Buhay ng mga Manunulat sa Pilipinas

• Tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor

• Tala para sa mga hurado ng isang lifetime achievement award

• Tala para sa administrador ng paaralan

Gayong mahaba ang ganitong tala sa may-akda, hindi ibig sabihin na kailangang

magsayang ng espasyo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tala na walang kabuluhan.

Mahaba lamang ang uring ito dahil nakatala rito ang mga tiyak na impormasyon gaya ng

sumusunod:

3
• Kasalukuyang posisyon sa trabaho

• Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho

• Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay na akda tulad ng mga sining-biswal,

pelikula, pagtatanghal

• Listahan ng parangal na natanggap

• Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring natamo at kung saan ito natanggap

• Mga natanggap na training at nasalihang palihan

• Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho

• Mga kasalukuyang proyekto

• Mga gawain sa pamayanan o sa bayan

• Mga gawain sa samahan o organisasyon

MGA DAPAT TANDAAN

• Kinakailangang siksik at malaman sa impormasyon ang isang tala sa may-akda o bionote.

• Nagsisimula ang bionote sa pangalan ng taong tinutukoy nito.

• Nakasulat ito sa ikatlong panauhan.

• Mahalagang may kaugnayan ang nilalaman ng isang bionote sa paksain ng isang

publikasyon.

• May dalawang uri ng bionote ayon sa hinihingi ng pagkakataon—ang maikli ngunit siksik,

at ang mahaba na maihahalintulad sa isang entri ng ensiklopedya.

• Mahalaga ito upang ipakilala ang kakayahan ng sarili bilang may-akda o mananaliksik.

• Mahalagang piliin ng may-akda ang mga pinakatumatak sa kaniyang karera upang

itampok sa kaniyang bionote.

• Iwasan ang pagsisinungaling sa bionote tulad ng paglalagay ng mga mali o pekeng

impormasyon, lalo na sa edukasyon at paaralang pinagtapusan.

• Kailangang paunlarin ang sarili upang magkaroon ng laman at ningning ang sariling

bionote.

• Siguruhing madadagdagan ng bagong impormasyon ang iyong bionote sa paglipas ng

panahon.

4
• Depende sa kahilingan, maaaring ilagay ang detalye sa pakikipag-ugnayan sa huling

bahagi ng bionote gaya ng e-mail address.


_________________________________________________________________________

MGA GAWAIN /PAGSASANAY

UNANG ARAW

(Written Works)

Pagsasanay 1

Panuto: Bionote ni Gallileo S. Zafra. Buuin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-sunod ang
bionote ng isang manunulat ng aklat sa “ Filipino sa Piling-Larang-Akademik “
• Dito rin kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan, wika at araling Filipino.
• Aktibo din siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang Pamantasan at institusyong
pangkultura.
• Nagtapos siya ng doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines-Diliman
• Si Gallileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat ata tagasalin.
• Nakapaglathala na siya ng isang aklat tulad ng Balagtasan, Kasaysayan at Antolohiya (1999), at
nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan: Mga Salita Mula sa Iba’t Ibang
Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of Translation sa UP Press.

Pagsasanay 2: Performance Task


Panuto: Bumuo ng isang bionote upang ipakilala ang iyong sarili, isaalang-alang ang mga dapat
tandaan sa pagsulat nito. Maaaring maglakip ng iyong larawan na 2x2 ang laki. Isulat ito sa isang
coupon bond.
Pamantayan sa Pagmamarka
20 15 10 5
Ang uri ng bionote ay Ang uri ng bionote na Ang uri ng bionote na nabuo ay Ang uri ng bionote ay
talagang organisado, nabuo ay organisado, bahagyang organsado, naisulat nabuo ay di naging
maingat na naisulat, maingat na naisulat, wasto nang may bahagyang organisado, hindi
wasto at angkop ang at angkop ang wikang kaingatan, may kawastuhan at maayos ang
wikang ginamit. ginamit bagaman may may ilang mga wikang ginamit
pagkakasulat, hindi
iilang mga salitang hindi na hindi angkop sa isinulat na
nararapat isama sa bionote. bionote.. wasto at angkop ang
wikang ginamit

Inihanda ni
Bb. Grace B. Almario
Guro sa Filipino

5
6

You might also like