Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino sa Piling Larang

Replektibong Sanaysay

Bawat Sandaling Mahalaga

Ang patuloy na pagikot ng mundo ay biglang tumigil. Ang pagtibok ng puso ay bigla na lamang
huminto. Ang patuloy na paghinga ng baga ay nawalan na ng hangin. At ang haligi ng tahanan ay bigla-
biglang gumuho. Ano ang mangyayari dito? Sa pagtigil ng ikot ng mundo, madadamay ang mga tao. Sa
paghinto ng puso, titigil na rin ang daloy ng dugo. Ang pagkawala ng hangin sa baga ay magkakadepekto
sa sistemang respiratoryo. At ang pagguho ng haligi ng tahanan ay sa pamilya'y negatibong
makaaapekto. Sa mga inilapag kong bakas o tanda, siguro agad na nating mahihinuha. Mayroong
nawala, may tumigil, may paghinto, pagguho, at pagpanaw. Paano kapag nawala ang iyong ama balang
araw?

Mula sa isang awit ng kalungkutan ngunit puno ng pag-asa 'Ang Aking Ama', masasalamin natin
sa isipan ang isang pamilyang naulila sa kanilang minamahal na ama. Isang amang mapagmahal, taglay
ang maraming aral sa buhay, isang taga-payo, mabuting asawa, at kahanga-hangang tatay. Nakikita ko
ang aking sarili, ang aking pamilya, angkop at tugma sa bawat linyang binitawan ng mang-aawit. Kung
iiwan man kami ng aming tatay, labis-labis ang papatak na luha sa aming mga mata. Mapupuno ako ng
lungkot sa pagkawala nya, ang tanging iiwan nya saakin ay mga aral at kaniyang mga payo. Ngunit sabi
nga sa linya ng kanta "lahat ng bagay ay may katapusan, at mayroong pagsugbok na kailangang
lampasan", marahil natapos na ang oras niya na kasama kami, mula sa pagkawala nya ay pagsubok na
haharapin ko, malalampasan ko rin ito. Sa akin, magiging pag-asa kita, pananatilihin kong buhay ang mga
turo mo saakin. Lalakad ako sa buhay ng kasa-kasama kita dahil ikaw ang bumuo sa pagkatao ko, ikaw
ang bumo sa akin. Marahil mawala ka man papa, mananatili kang buhay sa puso ko at damdamin.

Ngayon, regalo ng diyos sa akin na nandyan pa siya, marami pa kaming maaring gawing alaala.
Kung hindi mo pa nasabi kung gaano kahalaga ang iyong ama sayo, ngayon palang sabihin mo na. Hindi
natin hawak ang oras ng bawat isa, hindi natin alam kung kailan magtatapos ang isang pangyayari, na
siyang magiging ala-ala. Habang mayroon pa, punan mo na ang bawat oras ng masaya na kasama siya.
Para sa oras ng kaniyang pamamaalam, ang luhang papatak sa iyong mga mata ay hindi luha ng pagsisisi,
kundi luhang masaya at kuntentong nakapiling mo siya.

You might also like