Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Patintero

Isa sa mga sikat na laro noong kabataan ko, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo
katulad ng kalsada at mga 8-10 na katao, at dahil kailang group ang maglalaro nito masaya at
puro katatawanan lang ang nangyayari dito, hindi ko makakalimutan ang mag laro namin ng
patintero sa kalsada.

Piko

Halols lahat ng batang pinoy noon ay marunong mag piko, madaming klaseng piko, per may
standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan . Kailangan mo ng bato
or pinagbasagan plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to), ihagis mo ang bato mo sa
steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at
kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka “bahay “ ang bahay ay
sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doon ang bahay
mo (maliba lang sa buwan, sa labas at sa kaban) hindi pwedeng tapakan ng kalaro mo ang bahay
mo, at dalawang paan naman ang pwede mong tuntungin sa bahay mo, kung hindi pa kayo
naglaro ng piko sa buong buhay nyo ay hindi kumpleto ang pagka bata nyo

Luksong Lubid

Ang larong ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit
pinagdugtong dugtong na goma ay maaari nang gamitin. Sa larong ito lumulukso ang bawat
manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma. Kapag
tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pagikot nito ay siyang papalit
naman ang ibang manlalaro. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter. Sa
larong ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali. Gamit ang garter, lulukso lamang
ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula
sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo. Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban
at may mahaba kang binti ay malaki ang tsansa ng pagkapanalo. Madalas itong makitang nilalaro
ng mga bata sa makikipot na kalye ng Tondo, Manila.

Sungka
Ang sungka ay isang larong may tablang ginagamitan ng sungkaan[1]—isang laruang tabla na
kabilang sa mga mankala na may labing-anim na hukay—na nilalaro
sa Indonesia (Borneo), Singapore, at Malaysia. Tinatawag na Tchonka, Naranj, Dakon o Sungka
na nilalaro sa ibang mga bahagi ng (pangkaraniwan na sa Java), Sri Lanka, Maldives,
katimugang Thailand, Pilipinas at Marianas. Nagmula ang pangalang "congklak" mula sa
katawang Indonesia para sa mga maliliit na kabibeng tinatawag na sigay, na karaniwang
ginagamit na piyesang panlaro.

Luksong Tinik
Ang Luksong Tinik ay isa sa mga popular na larong Filipino, na nilalaro ng dalawang koponan
na may parehas na bilang. Ang bawat koponan ay mamimili ng pinuno na malimit na
kakayahang pinakamataas tumalon sa grupo, na kung tawagin ay “Nanay”.

Saranggola

Ang saranggola[1] ay isang laruan na pinalilipad na karaniwang gawa sa maninipis na patpat


na kawayan bilang balangkas at sinapnan ng papel o manipis na tela. Tinatawag din
itong bulador[1][2] o burador.

Tiyakad
Ito ay isang pabilisang laro na kung saan magpapaunahan ang mga kalahok na tumakbo gamit
ang baong may tali. Nilalaro ito noong unang panahon hanggang sa ngayon.

You might also like