Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

"Sulating Panghinaharap"

Mga may Akda:


Reinald Vicente
Allen Viñas
Nico Ramos
Drixen Reobilo
Prince Nate

Section:
11 Stem-1
Guro:
Ian S. Occeño

AKADEMIKONG SULATIN

Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng mga mahahalagang
impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao.

Talaan Ng Nilalaman
- Bionote
- Abstrak
- Talumpati
- Posisyong papel
- Lakbay sanaysay
- Paglalarawang sanaysay

BIONOTE
Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na
kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag
ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.

Halimbawa :

Siya ay si Prince Derick Nate,siya ay pinanganak nung ika-3 araw ng Mayo sa


taong 2003. Siya 17 taong gulang. Nung ako ay nasa baitang 7 ako ay nakasali sa
isang aktibidad sa aming paaralan na tinatawag na “English Camp”,kung saan kami
ay pangatlo sa mga nagwagi. Nuong ako ay nasa baitang 8 ako ay naging escort na
pinanlaban sa iba’t-ibang baitang sa aming paaralan. Nung ako naman ay nasa
baitang 10 ako ay nagwagi sa isang patimpalak sa pag drawing at ako ang 2nd
placer.Siya ay may talento sa pagguhit at pagkulay.Kahit ganyan lang ang kanyang
talento,maituturing din siyang isang mabait na mag-aaral.

Siya si Reinald Exequiel Vicente, isinilang noong ika 8 Ng Marso 2004. Siya ay 16 taong gulang na at
naka pag tapos Ng Junior High
School sa Blessed Christian School at kasalukuyang Gr 11 at kinuha ang
Kursong Stem. Siya ay laging may award at laging NASA top simula ng
Kinder ngunit naudlot Ito nung pumasok na siya Ng high school at siya
Din ay naging parte Ng varsity team (basketball) Ng kanilang paaralan
2 taon ngunit Hindi na niya itinuloy dahil siya ay mahiyain kahit madami Ang nag sasabi sa kanya na
sumali. May mga katangian din siya tulad Ng Palakaibigan At kahit minsan siya ay Tamad nakukuha niya
parin tumulong sa kanyang mga magulang at sa mga kaibigan pag kailangan nila Ng kasama at katulong .

Siya ay si Nico James Ramos.


Siya ay ipinanganak noong ika-Labinlima ng Hunyo at taong 2003. Isang labing pitong taong gulang.
Nag-aral at nagtapos siya ng elementarya sa Caucab Elementary School sa kanilang probinsya sa Leyte.
Noong siya ay nasa Elementary pa lamang laging nasa top student ng paaralan at gumraduate bilang
Valedictorian. Maraming awards at medalya ang natanggap. Nag aral siya ng kanyang Junior High
School sa Biliran State University.
Hindi nawawala sa mga Math Quiz at Science Quiz na siyang kanyang mga paboritong Subjects. Sa
kasalukuyan ay nag-aaral ngayon sa BLESSED CHRISTIAN SCHOOL ng STEM o SCIENCE,
TECHNOLOGY, ENGINEERING AND MATH.

ABSTRAK
Ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ngpamagat.
Naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

Halimbawa.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng
mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang
sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa
hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang
pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang
panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang
pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
TALUMPATI

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.

Halimbawa:

“Kabutihang Dulot Ng Pagsunod sa Enhance Community Quarantine”

Magandang umaga sa inyong lahat.Ang daming problema ngayong taong 2020,simula pa lang
ng 2020 ay kung ano anong problema na ang ating nararanasan.Sabi nga ng iba ito na daw ang isa sa
pinaka pangit na taon dahil sa mga sakuna na ating naranasan.Maraming mga sikat na tao din ang
namayapa ngayobg taong ito tulad nila Kobe at Emman na sobrang nagpalungkot sa sangkaterbang mga
fans tulad ko.Ang lalong nagpahirap sa taong ito ay ang Covid 19.Ito ay nararanasan sa buong mundo.Ito
ang pandemic na pumatay sa napakaramimg tao.Sa ating bansa naglusad ang ating gobyerno ng "enhance
community quarantine" na tinatawag ding "ECQ".Sa inyong palagay bakit nga ba ito inilunsad ng
gobyerno?Bakit ba natin ito kailangan sundin? Ang ECQ ang nagpapababa ng case ng COVID-
19.Kailangan sundin ito upang di na madagdagan ang pagdami ang mga nachuchugi. Tayo ay kailangan
mag ingat dahil kumakalat ang covid sa paghinga at kapag ang isang nahawaang tao ay umubo,at ito ay
maari ding kapag ang tao ay nagkukumpulan sa pampublikong lugar.Alam nyo ba sa Washington pag ka
di ka nag mask o nag takip sa muka mo magmumulta ka ng 25 dollars hanggang 100 dollars.Ang laki
nyan kaya kesa magbayad sumunod na lang po tayo. Sa panahon ngayon makakabuti na kung maari ay
manatili na lamang tayo sa ating mga bahay.Ligtas ka na mas makakabonding mo pa ang iyong
pamilya.Sa mga gantong sakuna matuto tayong maging disiplinado at makiisa upang ating bayan ay
umayos at maging masaya.

POSISYONG PAPEL

Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at
karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala
ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

LAKBAY SANAYSAY

Kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung saan ang ideyang ito ay
pinanggalingan mula sa mga pnuntahang or “nilakbayang” mga lugar. Kabilang rin dito ang kultura,
trasisyon, pamumuhay, uri nga mga tao, eksperyensya mula sa awtor at lahat ng aspetong naalaman ng
isang manlalakbay.
Alam na rin ninyo ang dalawang uri ng sanaysay pero uulitin natin dahil ito rin ay maaplay natin sa
paksang ito.

Halimbawa:

Ang tagaytay ay isang sikat na lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga turista, na matatagpuan sa parte ng
luzon. Ang lugar na ito ay kilala bilang may malumanay na klima. Ang klima sa tagaytay ay katamtaman
lng ang init at lamig, ngunit kapag umuulan ay kasing lamig nito ang klima sa Baguio. Kilala din ang
Tagaytay bilang lugar na nasa ibabaw ng Taal Volcano. Isang aktibong bulkan na napapaligirang lawa na
tinatawag na taal lake. Isa din iton sikat na holiday town sa Manila.

Dinadayo din ang isang lugar sa tagaytay na maari mong dalahin ang iyong pamilya para mag picnic
maglaro at iba pa. Ang lugar na ito ay Picnic Groove. Ang Picnic Groove ay sikat na pasyalan sa tagaytay
dahil sa lugar na ito ang makakarelax ka talaga. Dito rin sa lugar na ito makikita mo ang view ng Taal
Volcano at ang taal lake. Sa Picnic Groove ay may malawak din itong lupain na makakalaro ka kasama
ang iyong pamilya at gumawa ng masasayang ala-ala.

Ang Picnic groove din ay dinadayo dahil marami itong pakulo na gustong gusto ng mga turista. Di lang
ito sikat dahil sa view na makikita mo at sa malamig na klima. Kundi dinadayo din ng mga turista ang
kanilang zip line na syang na nasubukan ko. Sa Zip line mamamangha ka dahil sa ganda ng view sa itaas
at kitang kita mo rin ang taal volcano. May hanging bridge din sila na pumatok sa mga turista dahil rin sa
view at desinyo nito, may cable car din para sa mga batang at sa matatanda na gustong makakita ng view
sa itaas. Sa trip, experience at adventure ko sa tagaytay ang napakaganda, napakasulit, at higit sa lahat ay
nakagawa ako ng mga ala-ala na hindi ko kailan man malilimutan.

PAGLALARAWANG SANAYSAY

nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng
punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-
araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao komposisyon na prosa na
may iisang diwa at pananaw sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari uri
ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na
maipabatid sa kapwa tao.

Halimbawa:

Ang cyber bullying ay maaring panunukso, panglalait, pang-aasar o anumang aksyon na hindi angkop sa
tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites tulad ng facebook, twitter,
instagram at iba pa. Tinawag itong "cyber bullying" dahil ito ay hindi angkop sa tamang pakikitungo o
pambubully kumbaga sa isang tao gamit ang makabagong teknolohiya ngayon. Meron namang gumagawa
ng mga fake accounts para maitago ang kanilang pagkakakilanlan upang magawa nila ang kanilang
pambubully na walang nakakaalam kung sino sila. May iba ding gumagamit ng social networking sites
para hindi lang mambully kundi gamitin din ito para sa pananakot o ang tinatawag nilang "black mailing"
para bigyan ang kanilang biktima ng takot at sobrang stress na kinalaunan ay maghahantong sa masamang
mangyayari sa biktima. Kahit sino ay maaaring maging biktima ng cyberbullying kahit ano pang edad o
estado sa buhay, maging ang mga artista at pulitiko ay nakakaranas ng cyberbullying.

You might also like