Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 3:
MGA ISYU SA PAGGAWA Part 1

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhodora Acoymo Cabalan


Editor: Florence S. Gallemit
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Rhodora A. Cabalan
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Alamin
Sa nakaraang aralin natutunan ninyo ang konsepto at perspektibo ng
globalisasyon. Nauunawaan at naipaliliwanag kung paano nito binago at binabago
ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, mas maintindihan ninyo ang kalagayan,
suliranin at pagtugon sa mga isyu sa paggawa.

Inaasahan ang mga sumusunod pagkatapos ng aralin:

Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng


paggawa sa bansa.

• Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang suliranin


sa paggawa.
• Nasusuri ang implikasyon ng iba’t-ibang suliranin sa paggawa sa
pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat
ito sa inyong kwaderno. (2 puntos bawat bilang)

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng
mga bansa sa mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto
sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

2. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at


dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto
nito ay ang sumusunod.

I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.

II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa samaraming


kompanya.

III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan


partikular ang mga call center agents.

IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?

A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.

C. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

D. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng


tao.

3. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D. Globalisasyon


4.Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa

B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na


magdudulot ng kapinsalaan.

D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at


kolaborasyon ang mga bansa

5. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?

A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring

Tuklasin

Gawain 1: Network Tree


Panuto: Punan ang network tree. Isulat sa loob ng kahon ang iba’t ibang suliranin sa paggawa
at ang mga dahilan ng pagkakaroon nito.

Mga Suliranin sa Paggawa

1. Suliranin 3. Suliranin

dahilan dahilan

2. Suliranin 4. Suliranin

dahilan dahilan
1. Ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino?
2. Paano nakatutulong sa ating ekonomiya ang pangingibang bansa ng mga manggagawang
Pilipino?
Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ang mga mag-aaral ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan silang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

MGA ISYU SA PAGGAWA

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at


hamon sa paggawa tulad mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang
kompanya, job-mismatch, kontraktuwalisasyon at mura at flexible labor.
Nagpapakita rin ng suliranin at hamon ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang
sektor bunsod ng globalisasyon:
A.) Sektor ng Agrikultura- ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na
iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa
pamilihang lokal, ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa
pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may nananalasang sakuna, at walang
mga patubig.
B.) Sektor ng Industriya- ang pagpasok ng mga Transnational Corporation (TNC) at iba
pang dayuhang kompanya.

C.) Sektor ng Serbisyo- dahil sa pagpasok ng mga TNC’s nalilimitahan ang bilang ng kalakal
at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan.

Ayon sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA) sa taong 2016


mahigit 56.3 bahagdan ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay kabilang sa sektor ng
serbisyo, kaya’t
iminumungkahi ng kagawarang ito ang paglalaan ng pamahalaan ng higit na prioridad sa
pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng patuloy na pag-eenganyo sa mga dayuhang
kompanya na magpasok ng mga negosyo sa bansa dahil ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-
Pacific Economic Cooperation Summit na naganap sa bansa na ang mga manggagawang Pilipino
sa sektor ng serbisyo ang patuloy na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa. Bunga
ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and
developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang
sanhi nito ay ang mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng
mga mamumuhunan, tax incentives. Ngunit kaakibat nito ang samu’t saring suliranin tulad ng
over-worked, mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga
manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba
ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng
mga malalaking kompanya o supermalls ang maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon na
kung saan sila ay may kalamangan sa logistics, puhunan, at resources (NEDA report, 2016).
Dahil sa paglaganap ng Globalisasyon suliranin at hamon sa ating bansa mga
sumusunod:
unemployment- kawalan ng mapapasukang trabaho
underemployment- kakulangan ng kinikita sa
pinapasukang trabaho
under-utilization- hindi angkop ang trabaho sa pinag-aralan o pagsasanay
brain drain- pagkaubos ng lakas paggawa sa isang bansa

Nararanasan na ng bawat Pilipino sa kasalukuyan ang malawakang pagbabago dulot ng


pandaigdig na proseso ng globalisasyon. Makikta ito sa pamamagitan ng mga hindi maiwasang
bunga ng pagpapalitan ng kaalaman gamit ang makabagong teknolohiya, migrasyon at maging
sa pagkalat ng sakit at karamdaman.
Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang
kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng pagggwa (decent work) na naglalayong na
magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa isang
disente at marangal na paggawa.

Pigura 2.1 ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal na paggawa na
hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa.

Pigura 2.1
Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE,
2016

Employment Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,

Pillar malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at


maayos na workplace para sa mga manggawa.

Worker’s Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng

Rights Pillar mga batas para sa paggawa at matapat na


pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa.
Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga
Social
sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo
Protection
para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap
Pillar
tanggap na pasahod, at oportunidad.
Social Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa
Dialogue pagitan
Pillar ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya
sa
pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang pang-unawa at mga kasanayan sa paksa ng mga mag-aaral.

GAWAIN
Ating bigyang lalim ang inyong kaalaman sa mga suliranin at hamon sa paggawa at ikaw
ay maaring magtanong sa sino mang may alam tungkol dito. Alamin ang mga dahilan, bunga at
epekto ng mga suliraning ito.

Suliranin Dahilan Bunga Epekto

unemployment

underemployment

under-utilization

Brain drain

1. Alin sa mga suliranin sa paggawa ang lubos na nakaaapekto sa iyo?


2. Paao ito nakaaapekto sa inyong pamumuhay at sa ekonomiya ng bansa?

Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong natutuhan ng mga mag-aaral mula sa aralin.

Sagutin ang mga tanong.

1. Alin sa mga suliranin sa paggawa ang lubos na nakaaapekto sa iyo at sa iyong pamilya?
2. Paao ito nakaaapekto sa inyong pamumuhay at sa ekonomiya ng bansa?

3. Nakabubuti ba o nakasasama ang globalisasyon sa larangan ng paggawa? Pangatwiranan.

GAWAIN

Ano ano ang mga mabuti at di-mabuting dulot ng GLOBALISASYON sa paggawa sa inyong
pamumuhay?

Mabuti Di-mabuti

____ ___________________________ _________________________


___________________________ _________________________
___________________________ _________________________
___________________________ _________________________

Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot. Isulat sa inyong kwaderno ang letra na inyong
napili. (2 puntos bawat bilang)

1. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa
daigdig.

C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na


magdudulot ng kapinsalaan.
D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa

2. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa


mababang pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan
ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang
Pilipino?
A. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista

B. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya

C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga


mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o
may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective
Bargaining Agreement (CBA).
3. Ano ang tawag sa mga taong walang mapasukang trabaho kahit may kakayahan at sapat na
edukasyon?
A. Unemployed C. Employed

B. Underemployed D. Employment
4. Paano makikita ang maayos na kalagayan ng mga manggagawa?

A. Hindi pinapasweldo ng amo at inaabuso


B. May malinis na workplace, seguridad at proteksiyon
C. Hindi binibigyan ng araw ng pahinga o day-off
D. May marumi at walang seguridad na pagawaan kung saan sila nagtatrabaho
5. Ang ating bansa ay apektado ng globalisasyon at ito ay may hindi mabuting epekto sa mga
bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas. Dahil dito ang pamahalaan ay
nagnanais na makamit ang pambansang kaunlaran sa panahon ng globalisasyon. Bilang isa
sa tagapayo ng pangulo, anong programa ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan?

A. Programa sa Pagbubuwis

B. Programang Pang -agraryo


C. Programa sa Pagbubuwis
D. Programang Pangkalikasan
Susi sa Pagwawasto

Balikan Tayahin
1. D 1. D

2.D 2. D

3. D 3. B

4. D 4.B

5.D 5. B

Sanggunian:
Note: Idagdag lang ito para sa pansangay na gamit (hindi ito itinala ng pang-rehiyong template)

Learner’s Module- Mga Kotemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan


Teacher’s Guide- Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like