Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Batayang

Sangkap ng
Proseso ng
Komunikasyon
Ang nagpapadala ng mensahe
- Pinagmulan ng mensahe.
- Nag-e-encode ng mensahe.
- Naiimpluwensyahan ng layunin, kaalaman,
kakayahan, pag-uugali, atbp...
Ang mensahe
- Ang mensahe ay maaaring mensaheng pangnilalaman o
mensaheng berbaI at mensaheng panrelasyunal o
mensaheng di-berbal.
-Naglalaman ng mga impormasyon, ideya, o palagay ang
mensahe, o kaya'y pagpapahatid ng saloobin, damdamin o
emosyon.
Ang mensahe
Dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon:

- Mensaheng pangnilalaman (berbal) - ito ay maaaring


pakilos. Gumagamit ng mga words sa pagsusulat o
pagsasalita.
- Mensaheng relasyunal (di berbal) - Facial expressions.
Hindi gumagamit ng mga words.
Ang daluyan/tsanel ng mensahe
Dalawang Uri ng Daluyan ng Mensahe:
Daluyang Sensori
- o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at pandama.
Daluyang Institusyunal
- mga kagamitang elektronika tulad ng mobile phone, e-
mail, fax, telepono.
Ang tagatanggap ng mensahe

- Sa proseso ng komunikasyon, ang receiver ay ang


tagapakinig, mambabasa, o tagamasid-samakatuwid
nga, ang indibidwal (o ang pangkat ng mga indibidwal)
kung kanino isang mensahe ay nakadirekta. Isa pang
pangalan para sa receiver ay madla o decoder.
Ang tugon o pidbak
- Ang pagbibigay tugon o pidbak ay isang mahalagang
paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
Tatlong Uri ng Tugon:
Unang Tugon
- Ito ay kilala bilang direct speech sa ingles. ito ang tawag
kapag ang kasagutan ay ipinadala kaagad sa mensaheng
tinanggap.
Ang tugon o pidbak
Di-Tuwirang tugon
- Ito ay kilala bilang indirect speech sa ingles. Ito ang tawag sa
pahayag na nagmula sa sinabi ng ibang tao.Maaari ring kapag ang
kasagutan ay ipinahayag sa paraang di-berbal. Maari rin itong
gamitan ng kilos o galaw.
Naantalang tugon
- Kapag ang tugon ay nangangailangan pa ng panahon bago
matanggap ang kasagutan.
Mga potensiyal na sagabal sa komunikasyon:
Semantikong sagabal
- Ang pagkakaroon ng isang salita na dalawa o higit pa ang
kahulugan.
Pisikal na sagabal
- Ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal
na kaugnay ng sound system, hindi mahusay na pag-iilaw,
hindi komportableng upuan.
Mga potensiyal na sagabal sa komunikasyon:
Pisiyolohikal na sagabal
- Hindi maayos na pagbigkas sa mga salita, hindi mabigkas
ang mga salita, may kahinaan ang boses.
Sikolohikal na sagabal
- Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga
nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa
kahulugan ng mensahe.

You might also like