Aralin 9 10 Pakikilahok NG Mga Kabataan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ARALIN 8 & 9

ANG PAKIKIBAHAGI NG KABATAAN SA USAPING PANLIPUNAN

Ang kasalukuyang henerasyon ay sinasabing panahon ng mga milenyal. Panahon ng mga


kabataan. Si Dr. Jose P. Rizal ay bumanggit na “Kabataan ang pag- asa ng bayan”. Naniniwala ang
pambansang bayani na may mga katangian ang mga kabataan na gumawa ng mga bagay–bagay para sa
ikaaayos ng bansa. Ipinahihiwatig din nito na ang mga kabataan ay may kakayahan na mamuno at
umakay ng kapwa kabataan tungo sa ikabubuti ng kalahatan.

Gaano katotoo ang pahayag na ito ng pambansang bayani sa kasalukuyan? Paano maisasagawa
ng mga kabataan ang mga tunguhin at layuning nakaatang sa kanilang mga balikat? Nagagampanan ba
ng mga kabataan ang responsibilidad na nararapat nilang maipakita sa kasalukuyang henerasyon?

Sa araling ito, tatalakayin ang pakikibahagi ng mga kabataan sa usaping panlipunan. Higit sa
lahat, ilalahad sa mga aralin kung paano maaaring maging bahagi ang mga kabataan sa mga
mahahalagang isyu ng lipunan upang maunawaan ang kanilang mga gampanin at ang kanilang tungkulin
sa para sa pag-unlad ng bansa. Sabi nga, hindi kailangang maging matanda ang kabataan upang maging
aktibong kasapi o miyembro ng kaniyang pamayanan.

Layunin sa pag-aaral na ito na:


1. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.

2. Magamit ang wikang Filipino sa iba-ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa


lipunang Filipino.

3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipag-palitang-idea.

Maraming tungkuling ginagampanan ang mga kabataan sa lipunang kanilang ginagalawan.


Marami ring mga isyu ang dapat matukoy ng mga kabataan at nararapat lamang na maging bahagi sila sa
pagbibigay ng solusyon sa mga isyung ito. Paano maaaring maging bahagi ang mga kabataan sa mga
isyung ito at paano sila makatutulong para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating bansa?

Pakikibahagi ng mga Kabataan sa mga Usaping Panlipunan

Nito lamang Mayo ng 2018 ay nasaksihan ng bawat Filipino ang pakikibahagi ng mga kabataan sa
pagpili ng mga mamumuno sa lipunang kanilang kinabibilangan. Naging bahagi rin ang mga kabataan sa
pagtataguyod ng mga layuning pambarangay at pambayan sapagkat sila man ay naging abala sa pagbuo
ng kanilang mga layunin at plataporma bilang mga Sangguniang Kabataan. Ito ay nagpapatunay lamang
na bahagi ang mga kabataan sa anumang layunin ng pamahalaan.

Ang Republic Act 10742 o ang SK Reform Act ay naaprubahan noong Enero ng 2016 upang ganap
nang maging bahagi ang mga kabataan sa pagpili ng pamunuan na bubuo ng mga programa na susuporta sa
mga hangarin ng pamahalaan. Mula sa dating edad na 15 – 21 taong gulang, nililinaw ng akto na ang edad ng
mga kabataang maaaring makilahok sa Sangguniang Kabataan ay mula sa 18 – 30 taong gulang simula sa
eleksyong pambarangay ng 2018. Sa layuning mapabuti ang pagsasakatuparan ng mga proyekto
ng mga kabataan, ang SK ang siyang lilikha ng mga layunin na ayon sa mga tunguhin ng barangay na
nauugnay din sa mga layunin ng pamahalaan.

Maraming suliraning kinahaharap ang bayan sa kasalukuyan. Ang mga suliraning ito ay hindi
lamang nararanasan sa ngayon kundi kahit na sa mga nakaraang pamamahala ng mga pinuno ng bayan.
Kung iisa-isahin, mangunguna sa mga suliraning ito ang kahirapan, sunod ang korapsiyon, kalidad ng
edukasyon, kriminalidad at droga. Isama na rin dito ang mga usapin ukol sa mga kalamidad, ugnayan ng
simbahan at pamahalaan, pagpapahalagang pantao, child labor, prostitusyon, paglobo ng bilang ng
nahahawaan ng sakit na AIDS, kalusugan at pabahay (kasama na ang mga relokasyon ng mga mahihirap
na pamilya sa bansa). Kung iisipin, ang mga nabanggit ay ang pangunahing suliranin lamang na
kinahaharap ngayon ng bayan. Marami pang maliliit na isyu ang maidaragdag dito.

May mga isyung ituturing na maliit lamang ngunit nararapat na pagtuunan ng pansin. Dati,
nakagiginhawa sa atin na marinig na ang ating kapatid o isang miyembro ng pamilya ay magtatrabaho sa
ibang bansa, ngunit ngayon ay nakababahalang isipin na maging ang mga Overseas Filipino Workers ay
nakararanas na nang matinding suliranin dahil sa mga karanasang nagpapahirap at pagmamaltrato sa
kanila sa ibang bansa. Noon, ikinararangal natin na marinig ang napakagandang balita na ang bansa natin
ay isa sa bansa na may mayaman, malinis at ligtas na kapaligiran. Ngayon, nakabibiglang malaman na ang
ilang bahagi ng karagatan ng ating bansa ay tinatayuan na ng karatig bansa ng mga imprastraktura at
nababalita na ring inaangkin ang bahagi ng karagatang ito. Hindi na rin maikakaila na may suliranin din sa
pamamahala at pagtataguyod ng katahimikan o kapayapaan sa bansa sapagkat nagiging laman na rin ng
mga usapin ang hidwaan sa pagitan ng mga namumuno sa hudikatura, ilang mga senador at sa iba pang
sektor ng pamahalaan. Ang sunod-sunod na pagbaha sa maraming bahagi ng bansa, pag-aalsa ng mga
jeepney driver, walang habas na pagtaas ng presyo ng gasolina, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing
bilihin at pati na ang paghina ng ekonomiya ay patuloy na binibigyang solusyon ngunit tila may
kahirapang matugunan.

Kung ang mga suliraning ito na kinahaharap sa kasalukuyan ay may kahirapang tugunan ng mga
namumuno sa bansa, paano kaya maaaring maging bahagi ang mga kabataan para sa ikatutugon nito?

Halaw sa isang paskil sa social media, may mahahalagang tungkulin ang mga kabataan sa lipunang
kanilang ginagalawan. Una rito ay ang paggalang sa bansa at sa mga simbolong pambansa. Pagtulong sa
kaunlaran ng pamahalaan at kagalingan ng estado, pakikibahagi at paggawa ng mga aksyon na tutugon
kahirapan at sa mga taong nangangailangan, pagsunod sa mga patakarang panlipunan na pinaiiral ng bansa,
pagiging aktibo sa pagsasakatuparan ng mga proyekto ng pamahalaan, pamumuno para sa kapayapaan at
pagtutulungan ng komunidad, pakikibahagi sa paglilinis at pagsasabuhay ng kalikasan at pagbuo ng mga
proyekto na makatutulong para sa ikagiginhawa ng nakararami.

Napakapositibo ng ating pag-iisip na ang mga ito ay magagawa ng mga kabataan. Marahil, sa
tulong at gabay ng mga nakatatanda at ng mga may karanasan na sa pagtugon sa mga suliraning naisa-
isa, hindi malayo na mararating at matutupad ang mga hangarin para sa bansa. Gayunpaman, may isang
tanong na dapat patuloy nating pag-isipan. Sa kasalukuyan, maituturing (pa rin) bang pag-asa ng bayan
ang mga kabataan? Sa pinagdadaanang nilang hirap at pagsubok sa ngayon, maipagpapalagay bang
nagkulang ang mga nakatatanda sa pagdidisiplina sa kanila, o ang mga kabataan mismo ang may dala ng
suliranin sa lipunan? Bakit hindi mo ito pag-isipan?
Mga Dahilan ng Paglahok ng mga Kabataan, Epekto sa Sarili at Lipunan

Tinaguriang pag-asa ng bayan ang mga kabataan. Sila ang mag-aangat sa kalagayan ng bansa sa
kasalukuyan. Katuwang ang pamahalaan sa pagsugpo sa anumang suliranin at mga usaping pambayan.
Maraming mga isyung panlipunan ang kinasasangkutan ng mga kabataan. Sila ang nagsisilbing mga boses
ng nakararami sa mga usaping may kinalaman sa mga kabataan. Nakikilahok sila upang marinig ang
kanilang mga munting tinig.

Sa gitna ng kasalukuyang itinatakbo ng ating lipunan, mahalaga pa ba ang pakikisangkot ng mga


kabataan? Ikaw bilang kabataan, naranasan mo na bang makilahok sa mga usaping panlipunan. Ano-
anong isyung panlipunan ang iyong sinalihan at sinubukang maging kabahagi. Paano ka nakibahagi sa
mga usaping ito?

Sa araling ito’y mailalahad at mauunawaan pang lalo ang mga paglahok ng mga kabataan sa mga
isyung panlipunan. Iisa-isahin ang mga dahilan ng paglahok, epekto sa sarili at lipunan. Maipauunawa
ang mahalagang tungkulin ng mga kabataan sa ating lipunan, at higit sa lahat, paano nagiging
makabuluhan ang pakikisangkot ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan sa kinabukasan ng bansa?

Solusyon ng Kabataan sa Isyung Panlipunan Sanggunian:


http:/karlobasilio13.blogspot.com/2016/08/solusyon-ng-kabataan-sa… Nailathala noong
Agosto 31, 2016

Bilang isang kabataan, anak, mag-aaral, kaibigan, at mamamayan, mahalaga na tayo ay


mulat sa mga suliranin ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa
lipunan ay inaasahan sa ating mga kabataan, ang susunod na henerasyon na magtataguyod sa
matayog na bayan.

Kilala ang ating bansa sa gandang taglay nito, mula sa mga tanawing kaakit-akit, mga
pagkaing pagkasarap-sarap, at kasaysayang tumatak sa bawat bahagi ng bansa. Ang pagpupunyagi
at pagsisikap ng bawat Filipino ang nag-angat at nagpaganda ng kaniyang buhay. Ipinagkaloob ng
Diyos ang kaniyang pinakamagandang regalo na ating matatanggap, ang ating kapwa at ang
mundo. Tulad na lamang ng nakasaad sa bibliya, nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang
kalikasan at isa’t isa. Nabuo ang mga pangkat ng tao, nagtatag ng mga lungsod para sa maayos na
pamamahala at pagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan ng bawat mamamayan. Likas na sa
ating mga Filipino ang pagiging matatag sa anumang problema na ating kakaharapin. Hindi tayo
nagpapadaig sa mga taong pilit tayong hinihila pababa. Lumalaban tayo kaysa nagpapatalo.

Bilang kabataan, may mga bagay na hindi natin kayang gawin, dahil hindi sapat ang ating
karanasan at kaalaman sa buhay na puno ng pagsubok, Gayunpaman, hindi dapat nawawala ang
ating interes na alamin ang mga suliranin ng ating lipunan. Mga problemang hindi
masosolusyonan at naghihintay lamang ng kasagutan at resolusyon. Hindi natin maitatago na
maraming suliranin ang kinakaharap ngayon ng ating bansa, tulad na lamang ng mataas na
kakulangan sa suplay ng mga pangangailangan ng bawat mamamayan, mataas na antas ng
korapsyon, kahirapan at talamak na paggamit o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mataas na kakulangan sa suplay ng pangangailangan ay suliraning maaaring mabigyan


ng solusyon. Ang hindi wastong paggamit o pag-aaksaya ng mga produkto ay mayroong malaking
epekto sa ating lipunan. Marami ang magdurusa dahil sa kakulangan ng pondo na nakalaan para
itustos sa mga nangangailangan. Hindi mabibigyan ng sapat na tulong ang bawat pamilya. Kaya
bilang isang kabataan, kailangan nating maging maingat sa mga bagay na ating ginagamit. Higit
itong makatutulong sa ating sarili at sa ating pamilya. Mabuti rin na maging masinop sa mga bagay
na ipinagkaloob sa atin ng kapwa at ng pamahalaan.
Ang mataas na antas ng korapsyon ay nadudulot ng kahirapan. Habang ang mga sakim na
politiko ay nahihiga sa limpak-limpak na pera na kanilang nanakaw sa taong-bayan na kanilang
niloko sa halip na pinaglingkuran, naghihirap naman ang mga mamamayan, kaya minsan ay
kumakapit na sila sa patalim para makaahon sa kahirapan. Lingid man sa ating kaalaman kung
paano nangyayari ang mga imoral na kilos na ito ng mga sakim na politiko, lubos naman nating
alam kung paano sila pagbabayarin ng Diyos, ang tanging may karapatang manghusga sa mga may
kasalanan. Ngunit hindi dapat tayo pumapayag na ang mga magnanakaw na ito ang magtatakda
ng ating kinabukasan, ipaglaban natin ang mga bagay na ipinagkakaloob at nakalaan para sa atin.

Shabu, Marijuana, Heroine; ilan sa mga ipinagbabawal na gamot sa ating bansa. Ang mga
ito’y ilegal kaya hindi maaaring gamitin, ngunit marami ang pinipiling suwayin ang batas. Sa
katotohanan, halos daan-daang libong Filipino ang gumagamit nito. Nakakalungkot lamang na
marami ang pumili ng mali kaysa sa tamang tunguhin ng buhay. Nagdulot na rin ang problemang
ito ng maraming karahasan, tumapos sa buhay ng marami at nag-iwan ng mapapait na alaala.
Bilang isang kabataang alam ang dulot nito, nararapat na hindi tayo maging interesado sa
paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Tulungan din natin ang ating kapwa na maging bukas ang
isip sa suliraning ito. Mabuti na ipagbigay-alam natin sa awtoridad kung may kahina-hinalang
pangyayari sa ating kapaligiran.

Ang kabataang bukas ang isip sa mga suliranin ng lipunan ay isang mabuting tao. Ang
Filipinong may malasakit sa kaniyang bansa ay dapat ipagmalaki ng kahit sinuman. Isa siyang
kabataang mag-aangat sa kagitingan at kabutihan ng mamamayang Filipino, ipapakilala niya ang
Filipinas bilang isang maunlad at makapangyarihang bansa.

Alamin
Mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataang Filipino sa mga usapin hinggil sa mga isyung
panlipunan. Nakikita sila sa mga iba’t ibang pagtitipon, kumperensiya, rally sa lansangan at telebisyon
upang makilahok sa mga usaping panlipunan na may kinalaman sa mga kabataan lalo na sa mga suliranin
ng bansa, sa paaralan at sa lipunang kinabibilangan. Bawat kabataan ay may mahalagang papel na
ginagampanan tungo sa pag-unlad ng bayan. Mahina man ang tinig nila ngunit kapag pinagsama-sama ay
magdudulot ng matinding alingawngaw at magmimistulang parang kulog sa lakas. Ganito kahalaga ang
pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan.

Ayon sa ASEAN Children’s Forum (ACF) at Child Rights Coalition sa kanilang publikasyon noong
2011 na Spaces for Children’s Participation in ASEAN, ang partisipasyon ng mga bata ay isang karapatang
pantao. Ito ay nakalahad sa Convention on the Rights of the Child (CRC), kung saan ang ating bansa ay isa
sa mga signatories o pumirma. Ayon nga sa Article 12 and 13 nito, dapat masiguro ng mga estado ang
karapatan ng mga bata na kaya nang bumuo ng kanilang mga ideya at opinyon na malayang maibahagi
ang kanilang mga pananaw. Dapat ding masiguro ng mga estado ang kalayaan ng mga bata na
maghanap, tumanggap at magbigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat, pagsasalita,
sining, o sa kahit ano pa mang paraan o medium na nais nila.

Ang mga bata ay maaaring aktibong makilahok sa paghulma ng kanilang buhay mula sa kanilang
tahanan pa lamang. Maaari din siyang makilahok sa kaniyang komunidad, at maging sa lipunan. Kaya
lamang ay maraming balakid dito, lalo na sa ating bansa. Unang una, ang child participation o
partisipasyon ng mga bata ay isang bago o malayong konsepto para sa maraming pamilya. Tradisyunal na
inaasahan kasi ang mga bata na susunod lamang sa magulang, at ang mga paglahok sa mga gawaing
labas sa pamilya ay extra lamang.

Pangalawa, ang kahirapan ay isang malaking balakid sa child participation. Maraming mga
kabataan ang napipilitang kumalas sa normal na daloy ng buhay ng bata dahil kailangan nilang tumulong
na maghanap ng pagkakakitaan para sa pamilya. Pangatlo, kulang din sa kaalaman at kamulatan ang
maraming mga magulang ukol sa karapatang pantao. Itinuro man ito sa paaralan, hindi naman lingid sa
ating kaalaman na marami sa maralita ang maagang iniwan ang pag-aaral para maghanapbuhay.

Sa ating bansa kung saan maraming mga bata ang biktima ng karahasan at paglabag sa
karapatang pantao, ang partisipasyon ng kabataan ay napakahalaga. Base sa pagsasaliksik ng Ecumenical
Institute for Labor Education Research (EILER) noong 2015, kalat ang child labor sa mga minahan at
plantasyon, kung saan 22.5% sa mga kabahayan sa mga plantation communities ay may child worker,
habang ang child labor incidence naman sa mga komunidad na may minahan ay nasa 14%. Ang
karaniwang edad ng mga child worker ay 12, ngunit mayroong nagsisimulang magtrabaho na limang taon
pa lamang ang edad. Pitumpu’t anim na porsyento (76%) ng child laborers ang tumigil na mag-aral at
marami sa kanila ay kumakayod ng mga sampu o higit pang oras kada araw.

Kapanalig, ang karapatang pantao ay integral sa ating dignidad, na isa ring prinsipyong
itinataguyod ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Gaudium et Spes, ang anumang tumatapak
sa dignidad ng tao ay lason sa lipunan. Ang isang antidote o lunas sa lason na ito ay ang makabuluhang
pakikilahok sa paghulma ng lipunan, isang karapatan na dapat matamo ng mga kabataan.

Ang kabataan ay may karapatang makisangkot sa anumang isyung panlipunan. Mas magiging
malaya silang magsatinig ng kanilang kaisipan at mas bukas ang kanilang mga mata sa mga nangyayari sa
kapaligiran.

Bilang kabataan, mahalaga na maunawaan ang mga isyung panlipunan upang malaman ang mga
epekto nito sa kanilang sarili at sa lipunan. Mahalaga na makatulong para makabuo ng mga patakaran o
polisiya na makatutulong sa pamahalaan para sa pag-unlad ng bansa sapagkat mahalaga ang lipunan sa
pagbuo ng mamamayang may malasakit sa kapakanan ng nakararami. Sabi nga ni Mooney (2011), “ang
lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na
kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon.
Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos
ang kani-kanilang tungkulin. Binanggit naman ni Charles Cooley na ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa
pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksyon ng mga mamamayan (Mooney, 2011).

Sa kasalukuyang panahonn, ang tao ay lubhang may kakulangan o kawalan mismo ng tunay na
layunin sa kaniyang buhay (purpose of life). Halos lahat ay bulag na tagasunod lamang sa isang
pangkaraniwang pamamaraan ng pamumuhay o tinaguriang standard way of living, o ang pamumuhay
na naaayon sa kung ano ang nakagisnan kung kaya katanggap-tanggap sa nakararami. Ang matugunan
ang pangangailangang pangkatawan gaya ng pagkain at ang magkaroon ng hanapbuhay ay mga mithiing
higit na pinagtutuonan ng pansin at siyang nararapat makamtan ng tao sa dahilang ang mga ito lamang
ang sinasabing pinakamahahalagang bagay sa buhay ng tao, gaya nga ng nakamulatan na. Sa ganitong
kaparaanan, idinidikta na sa buhay na ito, ang layunin ay natatapos na lang sa pagkakamit ng magandang
estado sa buhay at ng pamilya.

Karamihan sa mga tao ay may mababaw o limitado nang pananaw. Kadalasan, nasasabi nilang
may silbi na ang buhay nila o may kahulugan na ito basta patuloy silang nakakapanood ng mga
sinusubaybayang serye sa telebisyon o nakakapanood ng mga bagong pelikula sa mga sinehan. Para sa
tulad ng mga taong ito, ang mas mahusay na layunin sa buhay, kung mayroon man, ay maaaring ang
sumapi na lang sa isang samahang sosyal o social club.

Isa pang grupo naman ng mga tao ay yaong ang isipan at panahon ay abalang-abalang nakatuon sa
paghahanapbuhay o negosyo. Ang buong buhay nila ay umiinog lamang sa pagitan ng opisina at bahay na tila
wala nang katapusan ang pagtatrabaho para mabuhay. Madalas, iyong nagsimulang magtrabaho ng
mula sa batang edad na 20 pataas ay makikita pa rin nating nasa pareho pa ring hanapbuhay pag-abot
nila sa edad 40 mahigit. Ang mga taong ito ay walang hinintay kundi ang pagdating ng Biyernes (kaya nga
bantog sa mga empleyado ang kawikaang “Thank God it’s Friday”). Ang kanilang mga pangunahing
ambisyon ay ang matapos ang buwan nang walang problema sa pananalapi, ang may maipambayad sa
buwanang renta ng bahay at ang may malabing pera na maiipon para sa kinabukasan ng mga anak. Tila
bagang ang anumang kaganapang pambansa o pandaigdigan man ay hindi alintana. Lubhang ang
pinakikialamanan lamang nila ay yaong mga bagay na makakaapekto sa kanilang hanapbuhay. Walang
kabuluhan sa kanila ang mga kaganapang pangkalahatan dahil basta nasa ayos ang lagay (status quo) ng
sarili at ng pamilya, wala silang nakikitang problema rito. At kung anuman ang nangyayari sa labas, basta
walang masamang epekto sa kanilang kabuhayan ay tanggap lang nila ito. Makakaramdam lang sila ng
pagkakabagabag kapag may mga isyung patungkol sa kalagayan ng pinagkukuhanan ng kanilang
ikabubuhay. Para iparating ang kanilang tinig tungkol sa mga usaping ito, makikilahok lang sila sa mga
programang pantelebisyong may diskusyon o ang makipag-usap hanggang abutin ng madaling araw,
subali’t natatapos ang lahat ng walang matibay na solusyon o kongklusyon. Kinabukasan, siya ay
magsisimula ulit ng isang panibagong araw gaya ng nakagawian, at tila balewala na lang lahat ang
naganap ng nakalipas na araw.

Ang mga kabataan din ay nagdurusa dahil sa kawalang-layunin at sa kakulangan sa mga


mahahalagang bagay na sa ngayon ay hindi man nakikilala ang mga lider ng kanilang bansa, kasama na
ang mga politikal na desisyong ginagawa ng mga ito, ang epekto ng mga desisyong ito sa pagtatanggol sa
bansa, ang ekonomiya, o mga sistemang pang-edukasyon at panghukuman. Dahil lubusang hindi alintana
ang mga pangunahing pangyayari at pagbabago sa mundo, sila ay patuloy na nagugulo lamang sa mga
maliliit na bagay na pawang walang halaga o saysay. Bagay na nagiging sanhi upang magkaroon ng
kakulangan sa kakayahang umunawa sa kahalagahan ng maraming kaganapang umuukit sa kasaysayan
ng mundo. Ang kanilang pag-uusap ay madalas na limitado sa computer games, internet chat, pakikipag-
date, mga walang kabuluhang pangyayari sa paaralan, pandaraya sa pagsusulit, mga planong gawin para
sa katapusan ng linggo, mga usong damit o mga laro gaya ng football. Sa survey na ginawa para sa isang
magasin, humiling ito sa mga tinedyer na bigyang ranggo (ranking) ang mga “pinakadakilang layunin sa
buhay na nararapat na ipagpursigi, at dito makikitang nangunguna ang resulta na maging isang sikat na
modelo o artista at ang paglalaro ng gitara kagaya ng ‘guitarist’ sa isang sikat na banda.

Ang kawalan ng layunin sa buhay at ang pagkilos na halos walang pakialam sa iba pang mga
realidad o kaganapan sa buhay ay isang napakalaking banta sa sangkatauhan. Gayundin, higit pa sa mga
nabanggit, may mga klase ng taong may lubhang makasariling hangad o kagustuhan at karamihan sa
kanila ay nagtataglay ng pananaw na salat sa tunay na pagpapahalaga (values) na sadyang mapaminsala
sa kalagayan ng sangkatuhan. Sila ang masasabing higit na mga banta. Ang mga lider o tagasulong ng
ganitong mapanganib na adbokasiya ay madaling nakakapasok sa mga ordinaryong mamamayan o sa
masa kung saan ang karamihan ay walang sapat na kakayahang makabatid ng tunay na panganib sa likod
ng mga bagong ideya, kung kaya madadaling matangay o bukas agad na tumatanggap sa anumang
bagong pananaw nang walang independyenteng pagsusuri sa katotohanan ng mga ito.”

Malaki ang epekto ng pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan, hindi lamang sa
sarili kundi sa lipunang kinabibilangan. Maaaring makabuti o makasama ang pakikilahok sa mga usapin
subali’t nakadepende rin ito sa kung papaano makikibahagi at magbibigay ng mga kalutasan sa mga
suliranin ng bansa. Hindi sa pamamagitan ng pagra-rally makikilahok ang mga kabataan kundi sa pagbuo
ng mga programa, patakaran at mga gawain na magsusulong sa kahalagahan at kabuluhan ng mga
kabataan sa lipunan.

You might also like