Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Talumpati

Magandang araw sainyong lahat, mga kapatid, mga kababayan, mga kapwa kong
estudyante at sa mga gurong naririto ngayon. Ako po si Nornihayah Camid ng Grade 10
Explorer at Ako'y naririto sa inyong harapan upang ipahiwatig ang aking tugon
tungkol sa isyung panlipunan. isa sa mga pinakamalaking isyu na kinakaharap ng
ating bansa ay ang unti-unting pagkakaubos ng ating mga yamang kalikasan. Ang unti-
unting pagkalagas ng ating inang kalikasan at ang pagkaubos ng mga species ng mga
hayop. Oo't ito'y napapakinabangan natin at nakakatulong sa atin, ngunit ang
tanong, patuloy parin ba itong makakatulong sa mga susunod pang mga taon kung ito'y
naubos na? Patuloy parin ba itong mapapakinabangan kung ito'y hindi na masilayan
pang muli? Madaling sirain ngunit Mahirap palitan. Madaling sabihing palitan pero
mahirap gawin. Naisip niyo ba? Na kung bawiin ang biyayang ipinagkaloob saatin ng
maykapal, Uunsad ba tayo? Hindi. Hindi Sulosyon sa kahirapan ang pang-aabuso.
Ipinahiram sa'tin ito ng maykapal kaya matuto tayong palitan ito. Matuto tayong
tumanaw ng utang na loob sa tumutulong sa atin. Ang mga bagay na meron kayo ngayon
ay galing sa Kalikasan. Ang mga bumubuhay sainyo ay galing sa Kalikasan. Ang
Kabutihan ng inang kalikasan ay inaabuso ninyo!Imulat ninyo ang inyong mga Mata mga
kapatid! Ating isipin na kung wala tayong gagawin ay walang mangyayari! Kung hindi
tayo gagawa ng aksyon para iligtas ang kalikasan ay tuluyan na itong mawawala!
Tayo'y magtulungan at wag hayaang mahuli na ang lahat. Dahil pag nawala sila,
Tayo'y magsisisi dahil wala tayong ginawa. Ating isipin ang ating kinabukasan,
Ating Alagaan ang Kalikasan at huwag ng sirain pa. Dahil ang paninirang ginagawa
ninyo ay kusa ring babalik sainyo.

You might also like