Gawain 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GAWAIN 1

Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?

 Dahil sa edukasyong kolonyal ng mga Amerikano, unti-unting nawala sa puso ng


mga Filipino noon ang paghihimagsik at diwang makabayan. Naging tulisan sa
kanilang paningin ang mga tunay na Filipinong bayani at kapitapitagan naman ang
tingin sa mga Amerikanong mananakop.
 Itinatak din ng edukayong kolonyal sa isipan ng maraming Filipino na ang bansa
natin ay pang-agrikultural lamang at hindi kailan man magiging bansa ng
industriyalisasyon.
 Dahil sa edukasyong kolonyal, halos makalimutan na nating mga Filipino ngayon
ang tunay na edukasyon, ito ay ang pag-aaral sa ating katutubong wika, mga
kaalaman, kaugalian at kultura. Tila ba tayo ay naging dayuhan sa sarili nating
kasaysayan.
 Hanggang ngayon, dahil pa rin sa edukasyong kolonyal, ang mga Filipino ay walang
malay at manhid sa pang-aalipusta ng ibang bansa, malambot ang puso at palaging
bukas-palad sa mga dayuhan.
 Sa ilalim ng edukasyong kolonyal, ang mga Filipino ay hindi nagkakaroon ng malalim
na pag-unawa lalong-lalo na sa mga suliraning pambansa at mababaw din ang
kaalaman sa mga katutubong wika. Ang pagtingin din ng mga Filipino sa wikang
Ingles ay wika ng demokrasya. Ang bunga nito ay kung hindi man mga Filipinong
walang pakialam sa suliraning pambansa ay mga Filipinong madaling mabihag sa
mga matatamis na salita ng mga politiko.
2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon mula sa
kasalukuyang panahon at ipalawanag.
 Isang epekto ng pagkakaroon natin ng kolonyal na sistema ng edukasyon sa
kasalukayang panahon ay ang pagbukas ng usapin sa umanong pagpapatanggal ng
mga asignaturang Filipino sa kolehiyo sa ilalim ng Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon Memorandum No. 20, Series of 2013. Isa itong malinaw na aksyon ng
pagwawalang-bahala ng iilang Filipino, lalo na ng isang mataas na ahensya ng
gobyerno sa ating sariling wika at kasaysayan. Ang ideyang ito ay hindi kailanman
papasok sa isipan ng ninumang Filipinong may pagpapahalaga sa pambansang
pagkakakilanlan, kultura, at kasaysayan. Ngunit mayroon, at iyon ay bunga pa rin ng
tagumpay ng impluwensya ng Amerikanong edukasyon sa bansa. Malinaw na
nananatiling kolonyal ang kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pillpinas. Bukod
sa katotohanang maraming guro ang mawawalan ng trabaho, malaki rin ang epekto
nito sa kamalayan ng kabataang Filipino. Ang memorandum na ito ay hindi
tumutugon sa pangangailangan ng ating bansang magkaroon ng makabayang
edukasyon at lumikha ng mga Filipinong may totoong diwang nasyonalismo. Ang
pagkakaroon ng makabayang edukasyon ang magbibigay direksyon sa tunay na
kalayaan at kaunlaran ng Pilipinas.

3. Batay sa inyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon
ng mga Filipino?

 Bago ang layuning internasyonalismo ay dapat linangin muna ang nasyonalismo ng


kabataang Filipino. Ang solusyon sa lisyang na edukasyon ng mga Filipino ay ang
patuloy na pagtaguyod sa tunay na makabayang edukasyon. Una sa lahat ay dapat
na mamulat ang bawat guro at estudyanteng Filipino sa kalagayan ng sistema ng
edukasyon sa bansa. Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay nananatiling
kolonyal at hindi tumutugon sa tunay na pangangailangan ng ating bansa. Ito ay
dapat na mabago. Ang nararapat na pangunahing layunin ng edukasyon ay ang
paghubog ng mga Filipinong may malasakit sa bayan at nauunawaan ang kanilang
pagiging bansa. Ituro dapat ang ating kasaysayan at iugnay ito sa kasalukuyang
suliranin ng bayan nang tunay na matuto ang mga kabataan. Upang tayo ay
magkaroon ng makabayang edukasyon na solusyon sa lisyang na edukasyon ng
mga Filipino, nararapat na maunang linangin ng ating mga paaralan ang paggamit
ng katutubong wika ng mga mag-aaral para na rin sa pag-unlad ng ating mga
katutubong kultura, kaisipan, at pambansang demokrasya.

You might also like