Intro Sa Filipino Surbey

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa panahong ito, maraming ng nagbago sa wika at kultura.

Maraming nadadagdag at marami


ding unti-unti ng nababawas. Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito gamit mismo ang makabagong
teknolohiya upang makapagsaliksik sa mga iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa Wikang
Filipino. Makikita natin ang mga pagbabago simula noon hanggang ngayon at makakaya natin
itong ipagkumpara dahil sa malalaking pagbabago na nangyari simula ng tayo ay mamulat sa
mundo ng teknolohiya. Sa paggamit ng iba’t ibang midyum upang maibigay ang mga
katanungan sa mga kabataang may edad na nasa 13-19 makakakalap tayo ng iba’t ibang
impormasyon na makakatulong upang masagot ang katanungang “Ano na ngaba ang kalagayan
o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon?”. Hindi nating
maiiwasang may mga kabataan pa ding hindi gaanong kamulat lalo na sa social media ngunit
halos lahat naman ay makakakitaan natin na mayroon ng sapat na kaalaman na kayang
masagutan ang mga katanungan ibibigay sa mga kabataang napili at mula dito ay makukuha ng
mga mananaliksik ang sapat na inspirasyon at impormasyon upang makasulat ng tekstong
tungkol sa kalagayan ng ating wika sa kasalukuyang panahon. Sa pananaliksik na ito ay
malalaman natin kung gaano kadalas nagagamit ng mga kabataan ang ating mga opisyal na wika
(Filipino at Ingles) sa panonod, pakikinig at pagbabasa sa mga nasabing midyum gaya ng
Facebook, Twitter, Youtube, Tiktok at iba pa.

Kahalagahan ng Pag aaral na ito

Ang kalagahan ng pag-aaral na ito ay ang magbigay ng sapat na kaalaman l ng sapat impormasyon
tungkol sa kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon, at
malaman ang kalagayang nararanasan ng wikang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay
at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral: Makakatulong ito upang mas lalong mapalawak ang kaalaman ng isang estudyante
tungkol sa sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino sa mga kabataan sa ating kasalukuyang panahon.
Magsisilbi itong gabay upang mas malaman o malinang ang isipan ng kabataan ngayon tungkol sa
kalagayan ng ating wika ngayon, at malaman ang mga nangyayari sa ating wika ngayon. Inaasahan na
ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki para sa kaalaman tungkol sa kalagayan ng wika ngayon.

Sa mga guro at sa kagawaran ng Edukasyon: Makakatulong ito upang mas magkaroon sila ng sapat na
impormasyon sa kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Malaman ang mga nangyayari sa ating wikang Filipino sa kasalukuyan panahon.

Sakop ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang ang impormasyon sa kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa
mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Dulot ng pananaliksik na ito ay sakop nito ang mga opinyon ng
mga kabataan, kung pano nila ginagamit ang ating wikang Filipino, at kanilang mga nararanasan sa
kasalukuyang panahon sa wikang Filipino.
Paraan sa Pagkuha ng Datos

Sa pangangalap ng datos tungkol sa kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa


kasulukuyang panahon ay ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga online sarbey upang mas mabilis
ang pangongolekta sa pamamagitan lang ng internet. Sa sarbey na gagamitin ang mga mananaliksik ay
may lalagay ng mga tanung tungkol sa ating paksa. At ang mga nabigyan ng sarbey ng mananaliksik ay
sasagutin ito base sa kanilang mga opinyon, at ang mananaliksik naman ay titipunin ang lahat ng sagot
ng mga rumesponde sa kanilang sarbey, at pagsasamahin upang makabuo ng maayos na datos tungkol
sa paksa

Sa konklusyon kami ay nagbigay ng sarbey sa iba’t ibang tao upang aming malaman ang sitwasyon ng
Wikang Filipino, Wikang Ingles, o maging sa ibang wika pa sa iba’t ibang larangan. Dahil ngayong
kasalukuyan madaming lumalaganap na iba’t ibang wika gamit ang telebisyon at internet. At batay sa
aming mga naipon na sagot nangunguna parin ang wikang Filipino mas binibigyang diin o halaga ang
wikang Filipino sa ating bansa. Maliban sa ating wikang pambansang Filipino meron din tayong wikang
Ingles na nagagamit at patuloy din na ginagamit sapagkat isa ito sa ating opisyal na wika. Meron din mga
wikang iba katulad na lamang ng Korean o hangul, at medun din wikang Espanyol, at wikang pang-hapon
sa kadahilanan ng kanilang mga napapanood na pelikula. At sapag gamit ng SMS (short messaging
system) at sa social media sa ating bansa madalas na ngayong gumamit code switching kung saan
ipinaghahalo nila ang wikang Filipino at wikang Ingles. Sa sarbey na ito ay nagpapatunay na hanggang
ngayon sa mga kabataan ay mahalaga padin ang wikang Filipino at kanilang nagagamit ito sa kanilang
pang araw-araw.

You might also like