Gaya ng sustentableng kaunlaran, konektado sa sitwasyon ng kaliaksan ang
isyu ng climatechange . Bukambibig ng maraming tao ang climate change . Kung tutuusin, pabago-bago namantalaga ang klima. Gayunpaman, bunsod ng global warming , naging masidhi at wala nang pardonang mga pagbabago sa klima sa nakaraang dekada. Global warming o ang itinuturong dahilan ng pagbabago sa klima. Ang pagtaas na ito ng temperature ay bunga ng pagtaas ng greenhouse gasemission
sa atmospera sa mga nakalipas na dekada dahilsa industriyalisasyon na
ngayo’y mauunlad na bansa sa Kanluran at umuunlad na bansa sa Silangan. Ang mga greenhouse gas emission na ito ay nakahadlang sa pagsingaw ng init na dulot ngaraw. Sa halip na malayang makasingaw palabas sa atmospera, natrap o nabitag ang init ngaraw sa daigidig dahil sa mataas na konsentrasyon ng greenhouse gas sa atmospera. Gaya ngsinasabi nang marami, nawala na ang balance ng kalikasan. Mas uminit ang temperatura lalo nasa mga lugar na tropikal. Humahaba at lumalala ang panahon ng tagtuyot sa ibang lugar, at sinasaklaw na rin nito maging ang mga lugar na dati rati’y hindi naman nakakaranas ng tagtuyot. Ang mga bagyo ay lalong naging malalakas, bagay na nagbubusod ng malawakang pagbaha maging sa mga lugar na dati’y hindi binabaha. Umuulan na nang yelo sa ibang lugar an datirati’y hindi naman nangyayari iyon. Tumataas na ang lebel ng tubig sa dagat (sea level ) dahil sa pagkalusaw ng yelo sa rehiyong Artiko.