Pang Abaytest

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pang-abay

Panuto: Piliin ang taman titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong:
1.Pang-abay na sumasagot sa tanong na "saan?"

a) Pamanahon
b) Panlunan
c) Pananggi
d) Pamaraan

2.Salita o mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay

a) Pandiwa
b) Panghalip
c) Pangngalan
d) Pang-abay

3.Pang-abay na naglalarawan sa dami, lawak, halaga, o sukat ng pagsasagawa ng kilos

a) Panggaano
b) Pang-agam
c) Pananggi
d) Pamaraan

4."Opo, sasama ako sa retreat."

Anong uri ng pang-abay ay may salangguhit?

a) Pananggi
b) Panang-ayon
c) Pamaraan
d) Pang-agam

5."Masayang naglalaro ang mga bata sa labas."

Anong uri ng pang-abay ay may salangguhit?

a) Panlunan
b) Pamanahon
c) Pamaraan
d) Panang-ayon

6."Pumunta ang mga mag-aaral sa Tagaytay noong isang linggo."

Anong uri ng pang-abay ay may salangguhit?

a) Pamanahon
b) Pang-agam
c) Panlunan
d) Panggaano
7."Tila hindi maganda ang gising ni Anna."

Anong uri ng pang-abay ay may salangguhit?

a) Pananggi
b) Panang-ayon
c) Pamaraan
d) Pang-agam

8.hindi, huwag, ayaw, wala

Sa anong uri ng pang-abay ginagamit ang mga salitang ito?

a) Panlunan
b) Pananggi
c) Panang-ayon
d) Pamaraan

9.marami, oras, piso

Sa anong uri ng pang-abay ginagamit ang mga salitang ito?

a) Pamanahon
b) Panggaano
c) Pang-agam
d) Pananggi

10"Mahirap magtahi sa lugar na madilim"

Alin ang pang-abay sa pangungusap?

a) magtahi
b) lugar
c) mahirap
d) madilim

11."Talagang nakakatuwa ang mga batang kumakanta"

Alin ang pang-abay sa pangungusap?

a) Nakakatuwa
b) bata
c) talagang
d) kumakanta

12."Kumakain kami ng tsokolate paminsan-minsan"

Alin ang pang-abay sa pangungusap?

a) paminsan-minsan
b) kumakain
c) kami
d) tsokolate
13."Malakas na nagsasalita ang guro sa klase"

Alin ang nilalarawan ng pang-abay sa pangungusap?

a) malakas
b) guro
c) klase
d) nagsasalita

14"Kaunti lamang ang mag-aaral noong Lunes"

Alin ang nilalarawan ng pang-abay sa pangungusap?

a) Lunes
b) kaunti
c) mag-aaral
d) noong

15.Sa kantina pumunta si Elvie. Ang salitang may salungguhit ay ____?

a) Panlunan
b) Pamaraan
c) Panggaano

16.Mabilis tumakbo ang magnanakaw palabas sa bahay. Alin sa pangungusap ang salitang kilos?

a) Mabilis
b) tumakbo
c) magnanakaw

17.Bumaba ng dalawang kilo ang timbang mo. Ang salitang may salungguhit ay___?

a) Panang-ayon
b) Ingklitik
c) Panggaano

18.Matiyaga niyang binabasa ang aklat nila sa kasaysayan upang makapasa sa pagsusulit. Alin sa
pangungusap ang pang-abay na pamaraan?

a) binabasa
b) matiyaga
c) kasaysayan

19.Magalang niyang tinanggap ang mga panauhin. Ang pangungusap ay isang pang-abay na ____?

a) Pamanahon
b) Pamaraan
c) Ingliktik
20.Nag-iimpok siya ng salapi sa bangko buwan-buwan. Alins sa pangungusap ang pang-abay na
pamanahon?

a) Nag-iimpok
b) salapi
c) buwan-buwan

21.Kakain ka ba rito mamamaya? Alin sa mga salita ang Ingklitik?

a) Kakain
b) ka
c) mamaya

22.Ang magkapatid na Samson ay nagbabasa sa silid-aklatan. Ang pangungusap ay nagpapahiwatig


ng pang-abay na____?

a) Pamanahon
b) Panlunan
c) Pananggi

23.Hindi lamang makikita sa kagubatan ang mga ahas, bagkus sa siyudad na rin. ang pangungusap ay
isang pang-abay na?

a) Panlunan
b) Panggaano
c) Pamaraan

24.Sampung taon siyang hindi umuwi mula sa ibang bansa. Alin sa mga salita ang pandiwa?

a) Sampung taon
b) umuwi
c) bansa

25.Bumigat ang aking timbang ng limang kilo. Anong uri ng pang-abay ang pangungusap?

a) Panggaano
b) Pananggi
c) Panang-ayon
Answer Key
1. b
2. d
3. a
4. b
5. c
6. a
7. d
8. b
9. b
10. c
11. c
12. a
13. d
14. b
15. a
16. b
17. c
18. b
19. b
20. c
21. b
22. b
23. a
24. b
25. a

You might also like