Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aking Hindi Malilimutang Karanasan

Ang aking hindi malilimutang karanasan sa ngayon ay ang pagkakasakit


ng aking ama nitong kasagsagan ng Pandemya. Sa kasamaang palad nito
lamang Agosto ay nag positibo ang aking ama sa COVID-19.
Napakahirap ng naging sitwasyon ng aking pamilya sapagkat ako ay
bata pa at kaming tatlo lamang ng aking mommy at daddy ang nasa
bahay. Sinugod sa ospital sa Tagaytay ang aking daddy at ang mommy
ko ang nagbabantay. Ako lamang ang naiwang mag isa sa aming
tahanan.
Malungkot ang ilang araw o halos ilang linggo kong nag iisa sa aming
tahanan sapagkat bawal akong makihalubilo sa ibang tao dahil ako ay
closed contact ng aking daddy kaya’t kinakailangan kong bumukod mag
isa. Ang aking pag aaral ay napabayaan sa loob ng ilang buwan
hanggang sa gumaling na ang aking daddy. Walang nagtuturo sa akin sa
mga takdang aralin kung kaya’t hindi ko nagagampanan ng maayos ang
aking pag aaral. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan niya
mula ng panibagong buhay ang aking daddy na magkaroon pa ng
mahabang panahon na aming makasama. Ako ngayon ay unti unti ng
nakakabangon sa aking pag aaral.

You might also like