Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa panahon ng pandemya

ni Neschel M. Andoque

Libong taon na ang lumipas ng muli tayong ginambala ng isang sakit na sa hanggang sa ngayon ay ating
pilit na linalaban , Dahil sa pandemya ito maraming nagbago at binago ng sakit na dulot ng COVID-19,
maraming stablisyemento ang nag sara at maraming mga mamamayan ang nawalan ng trabaho at
naging sanhi ng kawalan ng pangkabuhayang Pinansyal na siyang gutom ang hatid sa karamihan,
Nagsara ang libo libong simbahan na siyang tahanan ng Diyos na ating kinukuhanan ng lakas at
insperitwal na lakas, bagama't nag sara ito ng pansalamantala hindi parin naputol ang pananampalataya
ng karamihan upang ipag-patuloy ang laban sa pandemya, Isang pag subok at pag-alala ng mga mag
aaral at guro sa pagsasara ng paaralan na siyang pangalawang tahanan ng mga magaaral na siyang susi
sa pngarap na minimithi ng karamihan, maraming mag-aaral ang hindi makasabay sa makabagong mode
ng edukasyon sa kasalukuyan sa kadahilanang kulang sa kagamitan at hikahos sa kahirapan.

Ngayong dinaranas natin ang dulot ng pandemyang ito, Ano nga ba ang kahalagahan ng Wikang Filipino
sa panahon ng pandemya? Ano nga ba ang wika? Ang Wikang Filipino ay isa sa kayamanang ating
natanggap mula pa sa qting mga ninuno. Ito ang nagsisilbing instrumento para sa pambansang
pagkakaunawaan at tulay sa magandang pakikipagugnayan. Mahalaga ang wika sa bawat indibidwal
dahil ito ang pinakapangunahing kailangan sa gitna ng pandemya upang maipahayag natin ang
damdamin saloobin at kaisipan.

Sa panahon ng pandemya, mas mapapaigting ang kahalagahan ng ating pambansang wika, sa


pamamagitan ng pagsisiwalat ng tamang impormasyon patungkol sa pandemya, bilang mag aaral maari
kong gamitin ang aking tinig na magsiwalat ng mga mga magagandang impormasyon na maaring
makatulong sa iilan, gamit ang aking boses at wikang ating ginagamit magbibigay ako ng payo at babala
upang maiwasan ang pagkalat ng epedemya lalong lalo na sa mga kabataan, sa simpleng pamamaraan
na ito maari kong matulungan ang aking kapwa upang makaiwas at maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Bilang isang Pilipino tungkulin nating iangat at tulungan ang mga nangangailangan, likas at dumadaloy
sa ating mga ugat ang pagiging maka-Pilipino, Walang ano mang pagsubok ang hindi natin kayang
lagpasan kung tayo ay mag Tutulungan.

You might also like