Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Haiku ay isang uri ng panunulat na nagmula sa bansang Japan.

Ito ay pwedeng i hambing sa


“tanaga” o maikling tulang Pilipino. Ngunit, iba yung pamamaraan ng pagsulat nito.

Kadalasan, ang mga tanaga ay gumagamit ng 7777 na estilo ng panunulat ng taludturan. Pero, ang Haiku
naman ay gumagamit ng 5/7/5.

Halimbawa:

Bayan kong mahal

Buhay ay ibibigay

Iyan ay tunay

Wala ng iba

Ikaw lamang at ako

Pang habang buhay

Kung umaraw man

O kaya’t ay uulan

Hindi sasablay

Munting sinta ko

Ikaw na ang tahanan

Ang aking mundo


Sa dulo nito

Ikaw lamang at ako

Hindi bibigo

Sa aking buhay

Sayo lamang hihintay

Wala ng iba

Sa Japan, ang mga haiku ay tumanyag dahil sa kanilang simpleng estilo sa panunulat. Kahit na ito ay
maikli lamang, laman din nito ang umuusbong na damdamin ng manunulat.

https://philnews.ph/2020/02/06/haiku-tagalog-halimbawa-ng-mga-haiku-sa-tagalog/

Ang tanaga ay isang maikling tulang katutubong Pinoy na kadalasang ginagamit ang wikang Tagalog.
Dahil sa kasikatan niya sa ika-20 na siglo, ito ay minsang pinaghalo sa wikang Ingles.

Halimbawa

Nahihiya ang dalaga,

Mukha’y ayaw ipakita.

Nagtatago sa balana,

Sa hipo ay umaalma.

Makahiya

Wala iyan sa pabalat

at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap

ang pag-ibig na matapat.

Pag-ibig ni Emelita Perez Baes

Mataas sa pag-upo,

Mababa ‘pag tumayo.

Kaibigan kong ginto,

Karamay at kalaro.

Aso

Alipatong lumapag

Sa lupa — nagkabitak,

Sa kahoy nalugayak,

Sa puso — naglagablab!

Tag-init ni Ildefonso Santos

Palay siyang matino,

Nang humangi’y yumuko;

Nguni’t muling tumayo

Nagkabunga ng ginto

https://philnews.ph/2019/07/19/halimbawa-ng-tanaga/

~Ang Soneto ay isang uri ng tulang may 14 na taludtod tungkol sa damdamin at kaisipan, may tugma, at
may mapupulot na aral ang mambabasa.

~Shakespearean Sonnet – Mayroong labing apat na linya sa isang soneto ng Shakespearean. Ang unang
labindalawang linya ay nahahati sa tatlong quatrains na may apat na linya bawat isa. Sa tatlong
quatrains ang makata ay nagtatatag ng isang tema o problema at pagkatapos ay nalutas ito sa huling
dalawang linya, na tinatawag na couplet. Ang rhyme scheme ng quatrains ay abab cdcd efef. Ang couplet
ay may rhyme scheme gg. Ang soneto na istraktura na ito ay karaniwang tinatawag na Ingles na soneto o
ang Shakespearean sonnet.

~ At ito ang halimbawa ng isang soneto (shakespearean) :

Pagmamahal sa ilalim ng mga Bitwin

(a) Ako’y nakatingin sa mga bitwin

(b) Iniisip ka ng walang hanggan

(a) Parang ang buhay ng mga bitwin

(b) At sana ganoon din ang iyong pagmamahal walang katapusan

(c) Ako’y umaasa na ako at may pag-asa pa

(d) Pag-asa pang maging tayo

(c) Para ang buhay ko ay mapayapa

(d) Ginagawa ko ang lahat ng ito para sayo

(e) Pinili kita dahil olaw ang nagpapatibok ng puso ko

(f) Pinili kita dahil ika’y kakaiba

(e) Pinili kita dahil pinapasaya mo ako

(f) Pinili kita dahil ikaw lang ang mahal ko, wala nang iba

(g) At sana naman mapansin mo ako

(g) Katulad ng pagmamahal ko para sayo

https://www.google.com/amp/s/epr253.wordpress.com/2017/10/05/soneto/amp/

You might also like