Professional Documents
Culture Documents
AP6-SLMs2 Q3 FINAL
AP6-SLMs2 Q3 FINAL
ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 - MODULE 2
Mga Pangunahing Suliranin at
Hamong Kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang
1972
Alamin
Tuklasin
Naging mabigat na suliranin ang isyu ng kolaborasyon para kay Pangulong Osmeña,
lalo na nang ipahayag ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ng Estados Unidos na aalisin
at ititiwalag ang lahat ng tumulong sa pamahalaang Hapones. Upang malutas ang isyu ng
kolaborasyon, itinatag ni Pangulong Osmeña ang Hukumang Bayan o People’s Court. Ito ang
nangasiwa sa paghaharap ng kaso laban sa mga mamamayang nakipagsabwatan o
nakipagtulungan sa mga Hapones.
Manuel Roxas
www.google.com
Isa si Manuel Roxas sa mga naparatangan ng pagtulong sa mga Hapones. Napawalang
sala siya dahil sa tulong ni Heneral MacArthur. Ikinatwiran nila na ginawa lamang ni Roxas
iyon upang makaiwas sa karahasan na maaaring idulot ng kanilang pagtanggi sa malulupit na
sundalong Hapones.
Nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng mga bagay na yari sa Estados Unidos.
Naging ugali ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Estados Unidos at napabayaan ang
1
sariling atin. Inisip nila na ang mga bagay na yari sa Estados Unidos, pati ng mga gawain at
ugaling Amerikano ay higit na maganda at mabuti kaysa sa sariling atin. Colonial Mentality o
isip kolonyal ang tawag sa kaugaliang ito, na kung saan tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga
produkto na galing sa ibang bansa.
Telepono
Kagawaran ng Tanggapan ng
Agrikultura Koreo sa Maynila
www.google.com
Dahil sa mga Amerikano, nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naiba ang
pakikitungo sa mga magulang. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda. Ang pagbati ng “hi”
ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging
maluwag. Sumulat ng wikang Ingles ang maraming Pilipino. Nagbago rin ang pananamit ng
mga Pilipino. Bestida ang naging kasuotan ng mga babae. Ang mga sapatos nila ay may mataas
na takong at may handbag. Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng
mga lalaki. Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng John, Charles, Mary at iba pa ay galing
din sa mga Amerikano. Ang ilan sa pagkain ay nabago rin.
Sa pagdaan ng mga araw, marami ang napinsala ng mga Huk. Upang masugpo ang
kilusan, pinalawak ni Pangulong Quirino ang mga operasyong militar ng pamahalaan laban sa
kanila. Hinirang ni Pangulong Quirino si Ramon Magsaysay, isang batang kongresista mula sa
Zambales at dating gerilya, bilang Kalihim ng Tanggulang Bansa. Nang lumala ang ligalig sa
pagitan ng mga Huk at pamahalaan, itinatag ni Pangulong Quirino ang President’s Action
Committee on Social Amelioration. Tungkulin nito ang mga biktima ng Huk at magbigay ng
mga pagkain, gamot, at damit.
2
Sumama si kalihim Magsaysay sa mga pwersang militar ng pamahalaan sa kanilang
mga kampanya laban sa mga Huk. Dinalaw niya ang mga ito at hiniling na makiisa sa mabuting
layunin ng bansa. Dahil sa mabuting pakikiusap at pakikitungo ni Magsaysay sa mga Huk,
unti-unti silang sumuko sa pamahalaan. Ang mga nagsisukong Huk ay binigyan ng
pagkakataong muling mamuhay nang tahimik. Binigyan sila ng Economic Development
Corporation ng mga tirahan at lupang sakahan. (Antonio, 2015, pp 171-178)
Suriin
Gawain 1
Panuto: Punan ng tamang letra ang bawat patlang upang mabuo ang tamang sagot. Ang
bawat numero ay may katumbas na titik. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
5 13 9 12 9 17 1 7 23 9 14 1 12 4 17
2. Saan ginanap ang seremonya noong naibalik ang Commonwealth sa Pilipinas noong
Pebrero 28, 1945?
13 1 12 1 3 1 15 1 14 18 1 12 1 3 5
3. Ito ang itinatag ni Pangulong Osmeña para malutas ang isyu ng kolaborasyon.
8 23 11 23 13 1 14 7 2 1 27 1 14
3
-
9 21 9 18 11 17 12 17 14 27 1 12
21 22 5 1 11
5 12 18 9 4 9 17 19 23 9 20 9 14 17
7. Batay sa batas na ipinasa sa Kongreso ng Estados Unidos, binigyan ng 10 taon ang mga
Pilipino upang maghandang makapagsarili at itatag ang pamahalaang ito.
3 17 13 13 17 14 25 5 1 12 22 8
18 23 18 18 5 22 7 17 24 5 20 14 13 5 14 22
9. Anong bansa ang nakipag-ugnayan sa ating bansa noong Abril 18, 1947.
3 8 9 14 1
12 23 9 21 22 1 20 23 3
4
A B C D E F G H I J K L M N
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z
15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28
Gawain 2
Panuto : Buuin ang crossword puzzle sa ibaba. Gamitin ang sumusunod bilang gabay. Isulat
sa sagutang papel ang iyong sagot.
Pahalang: Pababa:
1. Ang pagmamano ay napalitan ng “hi” 1. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming
bilang pagbati. Pilipino.
2. Nawili ang mga Pilipino sa steak, hotdog, 2. Naiba ang pakikitungo ng mga Pilipino sa
corned beef at iba pa. kanilang magulang.
3. Bestida ang naging kasuotan ng mga 3. Matataas ang mga sapatos na may takong
babae at Amerikana at polo shirt sa mga at may handbag.
kalalakihan
5
Gawain 3
Panuto: Ano ang kahulugan ng sumusunod na acronym, ayusin ang mga ginulong letra
(jumbled letters) upang makuha ang tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.
1. HukBaLaHap – Hkbuo gn aabyn lbnaa as agm Hopan
_____ __ _____ _____ __ ___ _____
2. PACSA – Prseidnets Anoitc eettimmCo no Scloia Aeioaiomlrtn
_ _ _ _ _ _ _ _ _’_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ ______ ____________
3. EDCOR- cimonocE mentDelopve aioooCprrtn
________ ___________ ___________
Tayahin 1
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sulatang papel.
1. Ano ang itinatag ni Pangulong Osmeña upang malutas ang isyu ng kolaborasyon?
A. Barangay Court B. Basketball Court C. People’s Court D. Supreme Court
3. Si Karina ay mahilig sa mga produktong galing sa Estados Unidos dahil naniniwala siya na
mas mainam gamitin ang kanilang produkto kaysa sa ating produkto. Anong kaugalian
mayroon si Karina?
A. Ambisyosa Crab mentality
B. Colonial Mentality
C. Crab Mentality
D. Mapangahas
6
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng impluwensya sa atin ng mga Amerikano?
A. Pagmamano sa magulang.
B. Pagbubuklod ng mag-anak.
C. Paggamit ng “po at opo”.
D. Pagbati gamit ang “hi”
A. Elpidio Quirino
B. Manuel Roxas
C. Ramon Magsaysay
D. Sergio Osmeña
6. Tungkulin ng programang ito na bigyan ng pagkain, gamot at damit ang mga biktima
ng Huk.
A. KKK
B. HukBaLaHap
C. Parity Rights
D. President’s Action Committee on Social Amelioration
8. Alin sa sumusunod ang batay sa batas na ipinasa sa Kongreso ng United States na binigyan
ng 10 taon ang mga Pilipino upang maghandang makapagsarili at itatag ang pamahalaang ito?
A. Commonwealth
B. Isip-Kolonyal
C. Malacañang Palace
D. Puppet Government
7
9. Aling bansa ang nakipag-ugnayan sa Pilipinas noong Abril 18, 1947?
A. China
B. Espanya
C. Estados Unidos
D. Japan
10. Alin sa sumusunod ang nagbigay ng pagkakataon tulad ng tirahan at lupang sakahan sa
mga nagsisukong Huk?
A. Titulo
B. Damit at gamot
C. Economic Development Corporation
D. President’s Action Committee on Social Amelioration
8
Sagot sa mga Gawain
9
Sanggunian
A. Aklat
Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo. 2015.
Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6. Quezon City, Philippines: REX
Publishing., pp. 171-178
B. Other Resources
https://www.google.com/search?q=manuel+roxas&rlz
http://gg.gg/njbec
https://www.google.com/search?q=Mga+kagamitang+Amerikano+
10
Sagot sa Tayahin
1. C
2. A
3. B
4. D
5. C
6. D
7. C
8. A
9. C
10. C
11