Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Re public o f the Philippine s

De pa rtme nt o f Educ a tio n


Re g io n IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
Lipa City Ea st Distric t
SAN JOSE INTEGRATED SCHOOL
Sa n Jo se , Lipa City

IKALAWANG MARKAHAN
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
WEEK 5 and 6
PANGALAN: _________________________________________________________________________________

BAITANG/SEKSYON: ____________________________________________________________ ISKOR:

________

FILIPINO
A. Panuto: Bilugan ang pangngalan sa pangungusap.
1. Ang bata ay masayang naglalaro.
2. Naliligo ang mga kalabaw sa ilog.
3. Namitas kami ng mga gulay.
4. Si Jose ay mabait at matalino.
5. Nakawala ang mga manok kahapon.

B. Panuto: Tukuyin ang kailanan ng may guhit na pangngalan. Isulat sa patlang ang isahan,
dalawahan at maramihan.

________________6. Nagkakatuwaan ang magkakapatid habang namamalengke.


________________7. Si Ana ay matalinong batà.
________________8. Kaarawan ng kaibigan niya ngayon.
________________9. Magkaibigang matalik sina Aling Gina at Maria.
________________10. Ang mga mag-aaral na tinuturuan niya ay masisipag .
________________11. Ang daming mga ibon dito.
________________12. Ang bahay nina Ate at Kuya ay malayo.
________________13. Nasa kuwarto si Pepe.
________________14. Naglakad sa hardin sina Kimmy, Joan at Liza.
________________15. Kinuha ni Lito ang pera sa kaniyang bag.
MOTHER TONGUE
A. Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi. Isulat
ang titik B kung ito ay tumutukoy ng bunga.
________________1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng
kuryente.
________________2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
________________3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa
sampayan.
________________4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D, bumalik siya sa bahay.
________________5. Sapagkat nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi
nakapagsuklay si Carla.
________________6. Pumutok ang gulong ng bisekleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.

________________7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya’t tama lahat ang sagot
niya sa pagsasanay.
________________8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang
lagnat.
________________9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.
________________10. Nakalabas ang tuka kasi naiwan na nakabukas ang gate.
II. Panuto: Basahin ang kwento. Sagutan ang mga katanungan tungkol dito.

Ang Tatlong Biik

May tatlong biik na nagdesisyong maglakbay upang hanapin ang kanilang kapalaran. Napag-usapan
ng mga biik na kapag nakakita sila ng maayos na lugar para sa kanila ay sisimulan na nilang magtayo ng
bahay.

May pagkatamad ang unang biik kung kaya't nagtayo siya ng sarili niyang bahay na gawa sa mga
dayami. Isang araw dumating ang isang malaking lobo, sa isang malakas na pag-ihip lamang ay napatumba
nito ang bahay na ginawa ng unang biik.

Sa takot na makain ng lobo ang unang biik ay nagtatakbo siya patungo sa ikalawang biik.

Wais naman si pangalawang biik kaya nagtayo siya ng kanyang bahay na gawa sa kahoy at pawid,
ngunit nang dumating nanaman ang malaking lobo, natulad lamang ang kanyang bahay sa naunang biik. Sa
takot ng dalawang biik ay nagtatakbo naman sila patungo sa bahay ng ikatlong biik.

Ang ikatlong biik ay masipag at matalino. Nagtayo siya ng bahay na gawa sa bato.

At hindi nga nagtagal ay dumating na ang malaking lobo. Hinipan nito ng paulit-ulit ang bahay ng
ikatlong biik, ngunit hindi siya nagtagumpay. Naiisip ng lobo na magdaan sa chimineya upang makapasok sa
loob.

Dahil sa nangyari sa naunang dalawang bahay ng mga biik. Naglagay sila ng apoy at nagsalang doon
ng mainit na tubig upang sa gano'n ay mapaso at masunog ang lobo kung sakali mang dumaan ito sa
chimineya. At ganoon nga ang nangyari, nagdaan sa chimineya ang lobo at doon tuluyang napaso.
Nagtatakbo ang lobo sa sakit at hindi na muling nagbalik.

______11. Ano ang naging solusyon ng unang biik sa kanyang katamaran sa paggawa ng
bahay?
A. Nagtayo siya ng bahay na yari sa bato.
B. Nagtayo siya ng bahay na yari sa kahoy at pawid.
C. Nagtayo siya ng bahay na yari sa dayami.
______12. Ano ang naging problema ng una at ikalawang biik?
A. Nagiba ng bagyo ang bahay nila.
B. Nagiba ng Lobo ang bahay nila.
C. Nagiba ng Lindol ang bahay nila.

______13. Ano ang naging problema ng Lobo?


A. Hindi niya magiba ang bahay ng unang biik.
B. Hindi niya magiba ang bahay ng ikalawang biik.
C. Hindi niya magiba ang bahay ng ikatlong biik.
______14. Ano ang naging solusyon ng Lobo ng hindi niya magiba ang bahay ng yari sa
bato?
A. Dumaan siya sa chimineya.
B. Sinunog niya ang bahay.
C. Hinipan niya nang malakas ang bahay.
15. Isulat ang naging solusyon ng mga biik ng malaman nila na sa chimineya dadaan ang Lobo.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
MATHEMATICS
A. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat pamilang na pangungusap na pagdaragdag. Suriing mabuti
ang mga ito. Isulat ito sa pamilang na pangungusap ng pagbabawas.
Pamilang na Pangungusap na Pagbabawas

1. 9 + 6 = ____________________________

2. 5 + 3 = ____________________________

3. 8 + 4 = ____________________________

4. 2 + 7 = ____________________________

5. 5 + 9 = ____________________________

B. Isulat ang tamang sagot sa bawat pamilang na pangungusap na pagbabawas.

6. 9 – 4 = 8. 15 – 6 =

7. 12 – 5 = 9. 18 – 7 =

C. Panuto: Isulat ang tamang sagot.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
A. Panuto: Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sapamilya at kapwa?
Kulayan ito.

B. Panuto: Isulat ang Tama o Mali sa


bawat sitwasyon.
______11. Bumibili ka sa tindahan.
Nakita mo ang iyong Lolo na bumibili rin.
Hindi mo siya
pinansin at umalis ka kaagad
pagkabili mo.
______12. Binigyan ka ng iyong kaibigan
ng magandang damit, hindi ka man lamang
nagpasalamat.
______13. Kumakain kayo ng iyong pamilya. Hindi mo maabot ang ulam na nasa dulo ng
mesa, sinabi mo sa iyong ate na pakiabot po ng ulam.
______14. May sinasabi sa iyo ang iyong tatay, hindi mo siya pinansin at bigla ka na
lamang lumabas ng inyong bahay.
______15. Dumating ang iyong lola mula sa probinsya, kaagad kang lumapit at nagmano
sa kanya.
ARALING PANLIPUNAN
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
__________1. Ano ang ipinakikita ng isang family tree?
a. Ugnayan ng pamilya at mga kasapi nito
b. Ugnayan ng mga kapitbahay at mga kasapi nito
c. Ugnayan ng mga barkda at mga kasapi nito
d. Ugnayan ng mga guro at mga kasapi nito
__________2. Lahat ng mga pamilya ay pare-pareho lamang ang bilang ng mga kasapi.
a. Tama b. mali c. ewan d. di ko alam
__________3. May pagkakaiba at pagkakatulad ang mga katangian ng bawat pamilya.
a. Tama b. mali c. ewan d. di ko alam
__________4. Ang mga mahahalaga ng pangyayari sa buhay ng isang pamilya ay nakakatutulong sa isang
bata upang mapabuti ang kanyang
a. Kalaro b. kaibigan c. sarili d. kakilala
__________5. Alin ang maaring magbago sa buhay ng isang pamilya?
a. Nadadagdagan ang bilang ng mga anak
b. Hanapbuhay ng magulang
c. Bahay o tirahan
d. Lahat ng nabanggit

II- Panuto:Punan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong pamilya.(5PTS)


Ako ay nabibilang sa pamilya

(6)_________________________________________________________________________(apelyido)
Binubuo ang aking pamilya ng (7)___________________________________________na kasapi. Nakatira

ang aming pamilya sa(8) ____________________________________________________.

Ang tatay ko ay si (9) ________________________________________________________________.

Ang nanay ko ay si (10) _____________________________________________________________.

III-11-15. Panuto: Gumuhit ng isang mahahalagang pangyayari sa inyong pamilya.


(5 PTS )

MAPEH 1
Panuto: Sa ibabang mga awitin, kulayan ng dilaw ang bahagi na panimula at ikahon naman ang
bahagi na katapusan. ( 2 pts each)
Panuto:Bilugan ang repeat mark o inuulit na marka sa awiting “ Paalam na! “.

9.

Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.


______10. Sa awiting Baa Baa Black Sheep, alin ang linya ng awitin ang HINDI inuulit?
A. Yes sir yes sir three bags full.
B. Baa Baa Black Sheep have you any wool.
C. One for the master, one for the dame and one for the little boy who lives down the lake.
______11. Ano ang simulang linya ng awiting Kamusta Kayong Lahat?
A. Ako’y tuwang tuwa
B. Tra lalalalala
C. Kamusta, Kamusta, kamusta
_____12. Alin ang hulihang linya ng awiting Ten Little Indians?
A. Ten little indian boys.
B. One little indian boy.
C. Four little five little six little indians.
_____13. Anong bahagi ng awiting Ako ay may mga Kamay ang linyang
Ipalakpak, ipalakpak itong mga kamay
A. Panimula
B. Katapusan
C. Gitna
_____14. Alin ang linya ng awitin sa Twinkle Twinkle Little Star ang inuulit?
A. Up above the world so high
B. Like a diamond in the sky
C. How I wonder what you are
_____15. Anong bahagi ng awiting Ako ay may Lobo ang linyang
Ako ay may lobo lumipad sa langit
A. Panimula
B. Katapusan
C. Gitna
ARTS
Panuto: Iguhit sa kahon ang inyong tahanan. Ipakita mo sa iyong iginuhit ang loob ng inyong bahay kasama
ang mga kagamitan na mayroon kayo. Ayusin ang pagguhit at lagyan ito ng kulay. ( 3 puntos )
Panuto: Iguhit sa kahon ang inyong Silid-aralan. Ipakita mo sa iyong iginuhit ang loob ng
inyong silid-aralan kasama ang mga kagamitan na makikita mo dito. Ayusin ang
pagguhit at lagyan ito ng kulay. ( 3 puntos )

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____7. Anong uri ng bahay ito ?

a. bahay-kubo b. townhouse c. condo


_____8. Anong tawag sa paaralan na may dalawang palapag?
a. bahay-kubo b.two-storey c. bungalow
_____9. Saang bahagi ng paaralan makikita ang iba’t-ibang uri ng libro?
a. silid-aralan b. silid-aklatan c. kantina

_____10. Saang bahagi ng paaralan dinadala ang bata kapag nasugatan?


a. kantina b. klinika c. palaruan
_____11. Saang bahagi naman ng paaralan nagtuturo ng leksiyon ang guro?
a. silid-aralan b. silid-aklatan c. Kantina
_____12. Pinapaguhit kayo ng inyong guro ng larawan ng isa sa mga lugar na
matatagpuan sa paaralan, alin dito ang iyong iguguhit?
B. C.

A. B. C.
_____13. Alin ang iguguhit mo kung kayo ay pinaguguhit ng inyong guro ng bahay na
pinapangarap mo?
B. C.
A. B. C.
_____14. Anong bahagi ng bahay ang nawawala sa nakalarawan.

A. Dingding
B. Bubong
C. haligi

______15. Gumuhit si Lito ng larawan ng bahay na nais niya. Ito ang kanyang iginuhit.
Kung ikaw si Lito, paano mo higit na mapapaganda ang iyong iginuhit na
larawan?
A. Papalakihin ito.
B. Lalagyan ng mga halaman.
C. Kukulayan ito.
PE
Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang ipinakita ng larawan sa isinasaad ng
pangungusap at MALI naman kung hindi.

_________1. Umaakyat si Roy pataas ng bundok.

_________2. Pakurba ang daan papunta sa bahay nina Nora.

_________3. Pagod na tinahak ni Edna ang pasigsag na daan.

_________4. Takot na tinawid ng bata ang pakurbang tulay.


_________5. Pagiwang-giwang ang sasakyan dahil sa palikong daan.

_________6. Muntik ng madulas ang bata pagbaba sa bundok.

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Hanapin sa loob ng kahon ang tamang direksiyon ng kilos na

ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

pasigsag tuwid paliko pakurba pababa pataas

1. 2. 3. 4.

____________ _____________ _____________ _____________

5. 6.

____________ _____________
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at MALI
kung mali.
_________1. Mahalaga ang Paghuhugas ng kamay upang mapanatiling malusog at
malayo sa ano mang uri ng sakit.
_________2. Huwag mo ng banlawan ang iyong kamay kapag hinugasan mo ito.
_________3. Maghugas ka ng kamay kapag ikaw ay kakain.
_________4. Huwag ng kuskusin ang mga kuko kapag ikaw ay naghuhugas ng mga
kamay.
_________5. Maghugas ka ng kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
_________6. Huwag gumamit ng sabon sa paghuhugas ng kamay.
_________7. Gamitin ang tuwalya sa pagsasara ng gripo.
_________8. Gawin palagi ang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa sakit.
_________9. Pagkatapos maglaro ay maghugas ng kamay.
_________10. Gumamit ng malinis na tubig sa paghuhugas ng kamay.
Panuto: Isulat ang tsek ( / ) kung wasto ang pahayag at ekis ( X ) naman kung hindi.
_________11. Ang pagligo ba araw-araw ay nakakatulong upang mapangalagaan natin
ang ating pangangatawan.
_________12. Ang pagkain ba ng masusustansiyang pagkain ay nakakatulong upang
mapangalagaan natin ang ating katawan.
_________13. Ang palagian bang paglalaro sa putikan ay nakakatulong upang
mapangalagaan natin ang ating katawan.
_________14. Ang pagtulog ba sa tamang oras ay nakakatulong upang mapangalagaan
natin ang ating katawan.
_________15. Ang pagsusuot ba ng malinis na damit ay nakakatulong upang
mapangalagaan natin ang ating katawan

_______________________
Lagda ng Magulang

Address: San Jose Integrated School School ID: 501185


Email Address: sanjose_es@yahoo.com Telephone No: 774-5148

You might also like