Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IV.

SAGUTAN MO
Para sa pagtataya sa aralin ngayon, sumulat ng isang patalatang buod ng mga
pangyayari at/o mahahalagang kaisipan mula sa mga akdang binasa hinggil sa
sitwasyon ng mga pangkat minorya. Gawin ito sa isang short-sized bond paper. Isulat
ang aralin, iyong pangalan at ang iyong block sa unang pahina sa taas-kaliwang bahagi
ng iyong papel. I-save ito sa .doc o .docx na format. Ipadala ang iyong awtput sa aking
email address bago o sa Nobyembre 26, 2021.

Mahigit 700 na mga katutubo galing Talaingod sa Davao del Norte ang lumikas dahil sa

pagpasok ng mga military sa kanilang lugar. Noong ika-6 ng Hulyo 2018, ipinatupad ng LTFRB

ang pagtaas ng pamasahe sa jeepney. Mahigit 500 pulis at government agents ang nagsagawa ng

rescue operation sa evacuation center sa Haran center, para pwersahin na pauwiin sila sa

kanilang mga tahanan. Dahil sa pangyayari na ito ay nag resulta ito ng kaharasan sa pagitan ng

mga lumad at ang pulisya, mahigit 17 na lumad ang malubhang nasugatan sa ingkwentro at

dalawa naman sa panig ng pulisya. Limang lumad ang napatay ng mga sundalo sa Pangantucan

sa Bukidnon, dahilan ng mga sundalo ay mga rebelde daw ang mga napatay na katutubo, ngunit

agad naman kinotra ng NPA ang paratang. Isang 14 taong gulang na babae ang nirape ng tatlong

sundalo sa Talaingod, agad naming kinompirma ng military na sundalo nga nila ang mga suspek,

agad naming inurong ang kaso laban sa kanila nung binayaran nila ng mahigit 64,000 pesos ang

pamilya ng biktima. Nagsilikas ang maraming pamilya matapos patayin ng military ang

magkapatid na sina Crisanto at Loloy Tagugol sa bayan ng San Miguel sa Surigao del Sur.

Mahigit 2000 residente ng bayan sa Diatagon sa Lianga, Surigao del Sur ang nagsilikas matapos

patayin ng mga sundalo si Emerico Samarca, sya ang executive director of the Alternative

Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV). Nakita ang

katawan ni Samarca na tadtad ng saksak sa katawan at laslas sa leeg. Pagkatapos ang


pagkamatay ni Samarca, pinatay naman ng mga sundalo sina Dionel Campos at si Datu Bello

Sinzo habang ang kanilang mga kababayan ay nanunuod. Campos was a community leader and

the chairperson of the indigenous people group Maluhutayong Pakigbisog Alansa sa Sumusunod

(Mapasu), which is known for its firm position on the protection of ancestral lands and its

campaign against human rights violations targeting indigenous people. Sampung bahay kabilang

na rin ang mga eskwelahan ang sinasabing sinunog ng mga sundalo sa bayan ng Panocmo-an sa

Diatago, Lianga Surigao del Sur. Limang Lumad naman ang inaresto ng mga pulis matapos itong

magpakalat ng mga impormasyong tungkol sa pag-atake ng mga militar. Kalumaran said the

military and paramilitary groups are probably annoyed that tribal communities stand firm in their

position not to allow mining and logging companies to operate inside their ancestral land.

Isang malaking tulong na maibahagi sa mga tao ang kalagayan ng ating mga katutubong

lumad. Kung atin ito’y napapansin ay malimit lang ang mga impormasyong nahahagilap natin

tungkol sa mga katutubo nating lumad, di gaano masyado naibabalita ang kalagayaan ng ating

mga katutubo. Dapat nating malaman kung ano mga nangyayari sa bansa natin, maganda maging

bukas ang ating isipan sa mga isyung nagaganap sa bansa natin. May karapatan ang bawat tao na

ilabas ang kanilang mga ipinaglalaban. Sa panahon natin ngayon ay hindi na maganda na wala

kang pakialam sa mga nangyayari sa bansa natin, hindi porket hindi natin nararamdaman ay di na

tayo magsasalita. Sa panahon natin ay maganda na may ipinaglalaban kesa sa wala at tikop lang

ang mga bibig pag dating sa mga isyung ito.

Kailangan na din maliwanagan ang ating gobyerno kung ano ba talaga ang ipinaglalaban

ng mga lumad. Kailangan narin na itigil ang panghaharas ng mga militar sa mga katutubo dahil

nagbubunga ito ng kamatayan at matinding takot sa mga lumad. Mabuti na rin na pagtuonan ng

pansin ang kaligtasan ng sariling mamamayan imbes na sariling interes lamang. Maganda na
magsimula ang gobyerno na itigl ang pagpapapasok sa mga foreign mining company sa bansa at

mas alagaan nalang ang ating mga likas na yaman.

You might also like