Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02
Schools Division of Isabela
CADALORIA HIGH SCHOOL
Loria, Angadanan, Isabela
2018-2019
PANGALAWANG- SANGKAPAT NA PAGSUSULIT
KOMMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO- 11

Pangalan:_________________________________ Iskor:
Seksyon:___________________ Petsa:______________

MAY MAPAGPIPILIAN
Panuto: Basahin ng mabuti at suriin ang pangungusap. Piliin ang wastong sagot sa
sinasaad ng pangungusap. (Ang pagbubura ay mahigpit na ipinagbabawal).

1.Isang teorya na nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng
kalikasan.Anong teorya ito?
A. Teoryang Dingdong B.Teoryang Bow-wow
C. Teoyang Pooh-pooh D. Teoryang Tata
2. Anong teorya ng wika na ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa
mga tunog na nilikha ng mga hayop, katulad ng aw-aw ng aso, ngiyaw para sa pusa, kwak-kwak
para sa pato at marami pang iba?
A. Teoryang Dingdong B.Teoryang Bow-wow
C. Teoyang Pooh-pooh D. Teoryang Tata
3. Anong teorya na nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang
tao nang nakaramdam ng masisidhing damdamin tulad tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan at
pagkabigla?
A. Teoryang Dingdong B.Teoryang Bow-wow
C. Teoyang Pooh-pooh D. Teoryang Tata
4. Isang Teorya ng wika na may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw
ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.
Anong teorya ang tinutukoy?
A. Teoryang Dingdong B.Teorya Yoheho
C. Teoyang Pooh-pooh D. Teoryang Tata
5. Isang teorya na nabuo mula sa pagsasama- sama na maririnig raw sa mga nagtatrabaho nang
magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay
nagtatrabaho nang sama-sama. Anong teorya ang tinutukiy?
A. Teoryang Dingdong B.Teorya Yoheho
C. Teoyang Pooh-pooh D. Teoryang Tata
6. Sino ang nagpasikat ng teoryang wave migration theory na isang amerikanong antropologo?
A. Dr. Robert Fox B.Landa Jocano
C. Dr. Armand Mijares D. Dr. Henry Otley Beyer
7. Isang bungong natagpuan ng tao na nagpapatunay na mas unang dumating ang Pilipino kaysa
sa Malay sa Pilipinas
A. Taong Tabon B. Taong Malay
C. Taong Java D. Taong Aeta
8. Saang lugar natagpuan ang taong Tabon?
A. Cagayan B. Isabela
C. Palawan D. Manila
9. Isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon na nabuhay nang 67,000 taon
na nakalipas. Anong tao ito?
A. Taong Tabon B. Taong Malay
C. Taong Java D. Taong Calao
10-11. Ang Austronesian ay hinango sa salitang latin na auster na nangangahulugang _______ at
nesos na ang ibig sabihin ay ______.
A. Tubig at Langis B.Hangin at Araw
C.Northwind at Dagat D. Southwind at Isla

12. Ito’y binubuo ng labimpitong titik, tatlong patinig at labing apat na katinig.
A. Alibata B. Baybayin
C.ABAKADA D. Titik
13. Ito’y gumagamit ng dalawang guhit na pahilis(//) sa hulihan ng pangungusap.
A. Alibata B. Baybayin
C.ABAKADA D. Titik
14. Ang lahing unang unang nanakop sa Pilipinas?
A. Espanyol B. Amerikano
C. Hapon D. Chino
15. Kaninong kamay nakasalalay ang pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamyan
noong panahon ng Espanyol?
A. Espanyol B. Aling Maria
C. Misyonero D.Hapon
16. Ano/ Sinong mananakop ang nagkaroon ng layunin na ikintal sa isip at puso ng mga katutubo
ang kristiyanismo.
A. Espanyol B. Amerikano
C. Hapon D. Chino
17.Anong panahon ng mananakop nagkawatak- watak ang mga Pilipino, nahati at nasakop ang
mga katutubong Pilipino?
A. Espanyol B. Amerikano
C. Hapon D. Chino
18.Sa panahon ng manankop ng Amerikano , sinong Amerikano ang namuno?
A. John Dewey B. Thomas Armstrong
C.Almirante Dewey D.Fidel Ramos
19. Sino ang nangunang nagsipaturo ng wikang Ingles sa panahon ng Amerikano?
A. Nars B. Sundalo
C. Titser D. Artista
20. Sinong pangulo ang nagpalabas ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aantas na
Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
A. Manuel L. Quezon B. Rodrigo Duterte
C. Ninoy Aquino D. Manuel L. Roxas
21. Anong panahong pananakop ipinagbawal ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko
tungkol sa Amerika?
A. Espanyol B. Amerikano
C. Hapon D. Chino
22. Anong panahong pananakop itinuro ang wikang nihonggo at binigyang-diin ang paggamit ng
Tagalog?
A. Espanyol B. Amerikano
C. Hapon D. Chino
23. Anong panahon nang tuwiran na ngang nakamit ng Pilipinas ang unti- unting pagliwanag ng
wika?
A. Espanyol B. Amerikano
C. Hapon D. Chino
24. Ano ang ibig sabihin ng KALIBAPI?
A. Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas
B. Kapisanan sa Pagtitiwala sa Bagong Pilipinas
C. Kapisanan sa Pagtataguyod sa Bagong Pilipinas
D. Kapisanan sa Pagtatalaga sa Wika ng Bagong Pilipinas
25. Sino si Lope K. Santos?
A. Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.
B.Ama ng Makatang Tagalog
C. Ama ng kapisanan ng Pilipinas
D. Ama ng Pilipinas
26. Tumutukoy sa kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
A. Sosyolingguwistik B. Lingguwistik C. Diskors D. Pragmatik
27. Tumutugon sa saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? At Kailan ito nangyari?
A. Setting and Scene B.Participants C.Ends D.Act Sequence
28. Isang salik ng lingguwistikong interaksyon na sumasagot sa tanong na Sino sino ang kalahok
sa pag- uusap?
A.Setting and Scene B.Participants C.Ends D.Act Sequence

29. Ito ay tumutukoy sa pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap.


A.Setting and Scene B.Participants C.Ends D.Act Sequence
30. Ito’y tumutukoy sa sa takbo at daloy ng pag-uusap?
A.Setting and Scene B.Participants C.Ends D.Act Sequence
31. Tumutukoy sa tono ng pag-uusap kung ito ba ay seryoso o pabiro. Anong salik ng
lingguwistikong interaksyon ito?
A. Act Sequence B. Key C. Instrumentalities D. Norms
32. Ito’y anyo at estilo ng pananalita, kumbersasyonal ba o may mahigpit na pagsunod sa
pamantayang panggramatika. Anong salik ng lingguwistikong interaksyon ito?
A. Act Sequence B. . Instrumentalities Key C. Genre D. Norms
33. Umiiral na panuntunan sa pag-uusap at reaksyion ng mga kalahok kung Malaya bang
nakapagsasalita ang mga kalahok o nalilimitahan ang pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian,
edad at iba pang salik. Anong salik ng lingguwistikong interaksyon ito?
A. Act Sequence B. . Instrumentalities Key C. Genre D. Norms
34. Tumutukoy sa uri ng sitwasyon o material na ginagamit ang halimbawa nito ay interbyu,
panitikan at liham. Anong salik ng lingguwistikong interaksyon ito?
A. Act Sequence B. . Instrumentalities Key C. Genre D. Norms
35.Ito ay ang pag-aaral ng epekto ng anuman o lahat ng mga asepto ng lipunan, kabilang ang
mga kalakarang pangkultura, mga ekspektasyon o inaasahan, at diwa o konteksto, sa kung paano
ginagamit ang wika, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan.
A. Sosyolingguwistik B. Lingguwistik C. Diskors D. Pragmatik
36-40. Pagpipilian
A. Illocutionary force B. Locution C. Perlocution D. Illocution
36. Pangako ikaw na ang una’t huling mamahalin ko.- Unknown
37. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako, hindi yung mahal mo ako dahil mahal kita- Kathryn
Bernardo
38. There was never an us. There will be never an us. Kaya please huwag mo na akong landiin.-
Sarah G.
39. Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat! Tayo ang
gumagawa ng himala- Nora Aunor
40. Ako na, ako na ang mag-isa – Jennylyn Mercado
41-45. Pagpipilian
A. Proksemika B. Kinesika C.Pandama o paghawak D. Paralanguage
41.Tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan, bahagi nito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng
mata, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay at tindig ng katawan.
42. Tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag- usap.Anong uri ng di- berbal na komunikasyon
ang tinutukoy?
43. Itoy itinuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ng
positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan. Halimbawa pagtapik sa
balikat o pagyakap sa kausap. Anong uri ng di- berbal na komunikasyon ang tinutukoy?
44.Tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita. Anong uri ng di- berbal na
komunikasyon ang tinutukoy?
45. Kung ang iyong kausap ay pipe at benge. Anong uri ng di- berbal na komunikasyon ang
gagawin mo?
Panuto: Suriin ang nasalungguhitang salita. Piliin ang angkop na salita sa mga pagpipilian.
46.Si Pedro at Juan ay masayang nagliliwaliw sa kabukiran.
A. Pangngalan B. Panghalip C. Pandiwa D. Pang- abay
47. Magiliw na umindak an gaming guro sa kanilang presentasyon.
A. Pangngalan B. Panghalip C. Pandiwa D. Pang- abay
48. Magiliw na umindak ang aming guro sa kanilang presentasyon.
A. Pangngalan B. Panghalip C. Pandiwa D. Pang- abay
49. Si Marie at Marianne ay butihing mag-aaral ng Cadaloria High School.
A. Pangngalan B. Pang-ugnay C. Pangatnig D. Pang- abay
50. Ang mga mag-aaral ng Cadaloria High School mahusay sa kahit anong larangan Nationwide.
A. Pantukoy B. Pang-ugnay C. Pangatnig D. Pang- abay

“Pag nahihirapan iiyak mo lang tapos tama na, Punas luha, Ayos damit, suklay buhok,
tapos SMILE. Tuloy ang ikot ng MUNDO ”.

Bb. EDEN MARIANNE M. CRUDA DONARSE L.TITO


Senior High Teacher Senior High Coordinator

MARCELO B. RALUTIN
Head Teacher I

You might also like