Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

LAKBAY SANAYSAY

Mahal kong Bayan: Lungsod ng Olongapo

Kami ang mga mag-aaral na lumaki sa Lungsod ng Olongapo. Ito ang napili naming
lugar dahil mayroon itong natatanging katangian at kagandahan na dito lamang matatagpuan sa
aming bayan, ang Lungsod ng Olongapo. Pagpasok pa lamang ng Olongapo ay makikita mo na
agad ang arko na mayroong nakalagay na “Home of the Most Beautiful Women in the World”.
Tunay ngang masasabi na ang bayan na ito ay isa sa mga tirahan ng mga naggagandahang mga
babae tulad na lamang ng ating pambato na si Megan Young na lumaban sa Miss World. Hindi
lamang basta ang ating bayan ang kanyang iprinisenta kundi maging ang buong Pilipinas.
Matatanaw rin agad ang iba’t ibang nagsisitaasan at naglalakihang imprastruktuka sa lungsod.
Masasabi namin na magaganda talaga ang mga tanawin dito lalo na sa ang dagat sapagkat
napakalinis ng mga ito at hindi hinayaan na may mga taong magdulot ng dumi o kalat kaya
naman mapapansin talaga ang pagdagsa ng mga turista sa aming bayan lalo na kapag malapit
na ang bakasyon.

Bukod pa roon, makikita mo rin dito ang “Boardwalk” kung saan makakalanghap ka nang
preskong hangin at mula rito ay matatanaw ang mga naglalakihang barko na nagaangkat ng
mga produkto na patok rin para sa pagkuha nang litrato. Dito rin matatagpuan ang Ulo ng Apo
na nagsisilbi ring atraksyon para sa ibang turista at nagrerepresenta ng Lungsod ng Olongapo.
Bukod sa magagandang lugar na dinarayo hindi naman magpapatalo ang panlasa ng mga
Olongapeno dahil marami ring mga lugar na patok na patok sa panlasa nang mga turista at mga
Disco Bar na pinagdadayuhan pa upang magpalipas oras at dahil dito lalong dumarami ang mga
dayuhan na pumupunta rito

Sa aming pagninilay-nilay, sadyang may natatanging kagandahan itong Lungsod ng


Olongapom sapagkat may mga lugar at bagay na dito lamang masisilayan; payak na lugar,
preskong hangin, magagandang tanawin at masasarap na mga kainan. Makakasisiguro kang
ligtas itong lugar na ito sapagkat sa bawat barangay ay may mga police station na nagbabantay
at sinisiguradong ang bawat mamamayan ay ligtas. Tuwing gabi naman ay may mga police at
mga tanod na rumoronda para siguraduhin na ligtas na makakaalis at makakauwi ang mga tao
sa kanilang mga tahanan. At sa bawat paglakbay o pagtungo namin sa mga natatanging lugar
dito sa lungsod ng Olongapo ay siguradong may kapupulutan ito ng aral na maaaring maging
basehan o ideya patungo sa kaunlaran. Gayunpaman, patuloy na lumalago ang ekonomiya rito
kaya naman patuloy rin itong dinarayo at binabalik-balikan ng iba’t-ibang tao na nagpapatunay
na sadyang maunlad itong ating Lungsod.

This study source was downloaded by 100000831963683 from CourseHero.com on 12-24-2021 10:45:52 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/50760943/pictorial-essaydocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like