Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Aralin 12 Sabal, Keith Ashley

Shaque, Sophia Colleen


Calara, Gabby
Padrigan, Elijah James
Sa tingin mo ba ay may abilidad kang magbigay ng
pahayag nang makabuluhan hinggil sa iyong
paligid? Paano mo nasabi?

Para sa iyo, kailangan bang maging makabuluhan


ang iyong pahayag sa bawat taong nakakausap mo?
Bakit?
Ang paggamit ng wika sa
pakikipagtalastasan ay
nangangahulugan ng pagsasama-
sama at pag-uugnay ng mga
pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang pahayag.
Maaaring ang mga pahayag ay
maipapamalas sa ugnayan ng dalawa
o higit pang taong naguusap.
Maaaring magpahayag rin ng mag-isa
kagaya ng mga nasa interbyu,
talumpati, o pagkukwento.
Samakatuwid, ang mataas na
kasanayan sa wika ng isang tao ay
pinatutunayan din sa kapasidad na
makilahok sa mga kumbersasyon at
makalikha ng naratibo.
Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino (2010), ang
diskurso ay nangangahulugang "paguusap at
palitan ng kuro". Mula rito, mahihinuha na ang
kakayahang diskursal ay tumutukoy sa
kakayahang umunawa at makapagpahayag sa
isang tiyak na wika.

Dalawang uri nito ang kakayahang tekstwal at


kakayahang retorikal.
Ano ang kakayahang tekstuwal at retorikal?

Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa


kahusayan ng isang indibiduwal sa pagbasa at
pag-unawa ng iba't-ibang teksto gaya ng
akdang pampanitikan, gabay intruksyonal,
transkripsyon at iba pang pasulat
pangkomunikasyon.
Sa kabilang banda, ang kakayahang retorikal
ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang
indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon.
Kasama rito ang unawain ang iba't-ibang
tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw at opinyon.
Kung ang isang bisita sa telebisyon ay
sumasagot lamang ng paisa-isang salita,
mahuhusgahan syang mahina sa kakayahang
diskorsal, partikular sa retorikal. Sa kabilang
banda, ang isang taong hindi binibigyan ng
pagkakataon ang iba na magsalita o
magpahayag ay sinasabing may suliranin rin sa
ganitong kakayahan.
Ayon kay Grice (1957,1975; sipi kay Ho, 2001), may
dalawang batayang panuntunan sa
pakikipagtalastasan. Ang unang tuntunin ay
pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag.. Ang
ikalawa naman ay pakikiisa na kinapapalooban
ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad,
relasyon at paraang kumbersasyon.
Kantidad Kalidad
Gawing impormatibo ang ibinibigay na
Sikaping maging tapat sa mga
impormasyon ayon sa hinihingi ng pahayag: iwasang magsabi ng
pangungusap: hindi lubhang kaunti o kasinungalingan o anumang
lubhang dami ng impormasyon walang sapat na batayan

Relasyon Paraan
Tiyaking angkop at Tiyaking maayos,
mahalaga ang sasabihin mallinaw at hindi
lubhang mahaba ang
sasabihin
Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa
paglikha ng mga pahayag ang kaugnayan at kaisahan. Ang kaugnayan ay
tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga
pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat. Tingnan ang
halimbawa:

a. Ang kalat naman dito.


b. Aayusin ko lang ang mga libro

Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang


mga pahayag. Gayunpaman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan
dahil naunawaan ni B ang pagkadismaya ni A kaya tumugon si B ng
nararapat.
Tumutukoy naman ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang
dalawang ideya sa lingguwistikong paraan.

Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip (hal:siya,ako,ikaw)


bilang panghalili sa mga natukoy na sa simulang pahayag at
pagdaragdag ng mga kataga, panuring at komplemento upang
pahabain ang mga pangungusap.

Gayundin, maaaring pagtambalin ang mga payak na pangungusap o


sugnay.
Ano ang dalawang kahulugan ng diskurso ayon sa UP
Diksyonaryong Filipino (2010)?

Sino ang nagsabing may dalawang batayang


panuntunan sa pakikipagtalastasan?
Ano ang pinagkaiba ng kakayahang tekstuwal sa
kakayahang retorikal?

Tumutukoy naman ang -------- sa kung paano


napagdidikit ang dalawang ideya sa linguwistikong
paraan.
PAGPAPAHABA NG
PANGUNGUSAP
Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
Napapahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga
katagang gaya ng "pa", "ba", "naman", "nga", "pala"' at iba
pa.
Halimbawa:
May ulam.
May ulam ba?
May ulam pa.
May ulam pa ba?
May ulam pa nga pala.
May ulam naman pala.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring
Napapahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng
panuring na "na" at "ng".

Halimbawa:
Siya ay anak.
Siya anak na babae
Siya ay anak na bunsong babae.
Siya ay anak ng mag-asawang iyon.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento

Napapahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng


komplemento o bahagi ng panaguring nagbibigay ng
kahulugan sa pandiwa. Ang iba't-ibang uri ng
komplemento ng pandiwa ay tagaganap, tagatanggap,
ganapan, dahilan o sanhi, layon at kagamitan.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento
Komplementong tagaganap - Isinasaad ang gumagawa
ng kilos. Pinangungunahan ng panandang "ng", "ni", at
panghalip.

Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang tirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.
Ibinalot ng kanyang kaibigan ang mga tirang pagkain.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento
Komplementong tagatanggap - Isinasaad kung sino ang
nakikinabang sa kilos. Pinangungunahan ng mga pang-ukol na
"para sa", "para kay", at
"para kina".

Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kanyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Dave.
Nagpaluto ng pancit si Will para kina Eugene at Elyrah.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento

Komplementong ganapan - Isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.


Pinangungunahan ng pandang "sa" at mga panghalili nito.

Halimbawa:
Namalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito.
Namalagi sila roon.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento

Komplementong sanhi- Isinasaad ang dahilan ng


pangyayari o kilos. Pinangungunahan ng panandang
"dahil", "sa/kay" at mga panghalili nito.

Halimbawa:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan si Michelle.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento

Komplementong layon - Isinasaad ang bagay na


ipinapahayag ng pandiwa.
Pinangungunahan ito ng panandang "ng"

Halimbawa:
Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento

Komplementong kagamitan - Isinasaad ang


instrumentong ginamit upong maisakatuparan ang kilos.
Pinangungunahan ng pariralang "sa pamamagitan ng" at
mga panghalili nito.

Halimbawa:
Sa pamamagitan ng internet, napapabilis ang pagkuha
ng impormasyon.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal
Napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa
pamamagitan ng mga pangatnig na "at", "ngunit", "datapwat",
"subalit", "saka" at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay
tinatawag na tambalang pangungusap.

Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda
sa palengke ang kaniyang nanay.
Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang
matataas ang kanyang marka sa pagsusulit.
Siya ay magaling na
Kaya mo.
mag-aaral.
Kaya mo ba?
Kaya mo pa.
Kaya mo pa ba?
Kaya mo naman eh. Bumili si Robin ng kamiseta
Kaya mo naman pala.. para kay Chloe.
Gusto nya ng pera.

Kinain ko ang natirang carbonara


Nakakaedit sya sa
pamamagitan ng
editor na iyon.
Doon ang bahay namin.

Kailangan ko nun
ngunit wala akong
Dahil sa computer games,
pera
siya ay bumagsak.
Aralin 12
Sabal, Keith Ashley
Shaque, Sophia Colleen
Calara, Gabby
Padrigan, Elijah James

You might also like