Professional Documents
Culture Documents
Q2 - Week 6 - Filipino Sa Piling Larang
Q2 - Week 6 - Filipino Sa Piling Larang
MODIFIED STRATEGIC
INTERVENTION MATERIAL IN FILIPINO
GRADE 12
POSISYONG PAPEL
GUIDE CARD
Alamin
Subukin
Unawain ng mabuti ang ipinapahiwatig ng bawat pahayag upang mabuo ang hinahanap na
salita.
1. P _ N _ A _ G _ T _ W _ R _ N •Tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon
1
3. _ P _ N _ O N •Pananaw ng isang tao o grupo na maaaring totoo
ngunit pwedeng pasubalian
Balikan
Katangian Gamit
Layunin
Tuklasin
Suriin
3
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatuwiran:
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. Sapat na katuwiran at katibayang makapagpapatunay.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katuwiran upang
makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag
ng kaalamang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilahad na katwiran.
POSISYONG PAPEL
Ang posisyong papel ay siyang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng
isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman
din ito ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninidigan. Bukod sa
paninindigan at mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga
katuwirang kataliwas o katunggaling panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel,
isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng mga
mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
4
2. Gumawa ng panimulang saliksik
Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon
ang isyu, maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga
taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkaunawa sa usapin. Sikaping maging
bukas muna ang isip para makabuo ng matalino a makatuwirang posisyon.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran
Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang matimbang ang
dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa dalawang
hanay para magkaroon ng biswal na representasyon ng mga ito. Maaari ring pagtapat-
tapatin ang bawat katuwiran at kontra-katuwiran para makita kung alin ang walang katapat
o hindi pa nasasagot.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
Sa yugtong ito, maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na napiling
panindigan. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaaring
makipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan. Mahalaga ring
gumamit ng mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayag,
at magasin upang makapagtampok ng napapanahong mga datos o impormasyon.
5. Bumuo ng balangkas
Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang direksiyon sa
pagsulat ng posisyong papel.
6. Sulatin ang posisyong papel
Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong papel. Kailangang
buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangang maiparamdam at
maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinasabi sa posisyong papel.
Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin.
7. Ibahagi ang posisyong papel
Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. Maaaring
magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng
mga tao, ipalathala sa pahayagn, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon,
radio, at iba pang daluyan. Maaari ring gamitin ang social media upang maabot ang mas
maraming mambabasa.
5
• Mga sariling Katuwiran. Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga katuwiran. Sikaping
may katapat na katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig. Bukod dito, maaari ring
magbigay ng iba pang katuwiran kahit wala itong katapat. Sa gayon, maipakikita ang
kalamangan ng sariling paninidigan
• Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran. Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa
sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay rito ng karagdagan ebidensiya para lalong
maging kapani-paniwala ang sariling mga katuwiran.
• Huling paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan ang Dapat. Lagumin dito ang
mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at
pinakarapat-dapat.
• Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos. Sa isa o dalawang
pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag ang mga paninindigan. Sikaping
gawing maikli, malinaw, at madaling tandaan ang mga huling pahayag na ito. Maaari ring
dito sabihin ang mungkahing pagkilos na hinihikayat sa babasa ng posisyong papel.
(Isang halimbawang huwaran lang Ito. Maaaring subukan ang iba pang paraan ng pagsasaayos ng posisyong papel.)
ENRICHMENT CARD
Pagyamanin
Gawain 1
6
Gawain sa Pagbasa: Basahin at unawain ang halimbawa ng posisyong papel upang masagutan
ang mga kaugnay na gawain.
7
Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.
Hindi ba’t [aurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel
ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao at walang malinaw na
kosultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay
pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A.,
Osaka University at Tokyo university sa Japan, St. Petersburg university at university of Moscow sa
Russia.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya
nito ay patuloy na nagsusulong ng kailangang pangwika, pangliteratura, pangkultura, at pansining
sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito
mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang
pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang
programang AB Filipinolohiya na inahahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod dito, ang
mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa banda ay kabilang sa
Kagawaran ng FIlipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong
kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na
puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-
tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli’t muli naming igigiit ang
karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas.
Pangunahing Gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at
pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo.
Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,
Pangkultura, at Pansining sa WIkang Filipino na may temang “Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa
Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino
sa Hamon ng Programang K-12” kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa
Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA)
na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang Filipino sa Kolehiyo.
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw
na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa
ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito,
umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mg Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad
ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa
mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin
ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identided mo!
Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.
Sanggunian: https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-
ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842
8
Tayahin 1
2. Kung iyong susuriin ang halimbawa ng posisyong papel na binasa sa araling ito, ano
ang iyong masasabi sa bahagi na ito?
A. Introduksiyon
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
ENRICHMENT CARD
Gawain 2
10
Tayahin 2
Itiman ang kung wasto ang paglalarawan sa katangian ng posisyong papel at kung
ito naman ay mali.
ENRICHMENT CARD
11
Malayang Gawain 1
2. Dapat na magsuot ng
uniporme ang mga
estudyante mula
elementarya hanggang
kolehiyo.
3. Dapat na ipagbawal
ang paggamit ng plastic
sa lahat ng tindahan sa
buong bansa.
12
Malayang Gawain 2
Maraming mga isyu ngayon ang direktang nakaaapekto sa mga kabataan. Ibigay ang inyong
paninindigan sa ilang mga isyung ito at maglahad ng mga punto kung paano ito nakatulong o
nakatutulong para sa iyong kabutihan. Sa huli ay bumuo ng sariling kongklusyon kung bakit
mahalagang magkaroon ng paninindigan sa buhay
13
Malayang Gawain 3
14
REFLECTION CARD
Isaisip
15
Isagawa
(Isagawa ito sa hiwalay na papel {yellow paper o long bond paper} at ilakip ito sa
huling pahina ng modyul na ito.)
Pamantayan Puntos
Isaalang-alang pamantayan sa pagsulat ng iyong panukalang proyekto.
Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5
posisyong papel (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
Kabuoang Puntos 20
16
ASSESSMENT CARD
Tayahin
Kumpletuhin ang mga pangungusap upang mabuo ang kaisipan na nais ipahayag. Isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Ang pangangatuwiran ay isang _________ ng paglalahad ng mga dahilan
upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
__________2. Ang pangangatuwiran ay isang paraang ginagamit upang mabigyang
________ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.
__________3.Ang posisyong papel ay siyang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang _________ at napapanahong isyu.
__________4.May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang ________ ng
posisyong papel.
__________5.Sikaping maging bukas muna ang ________ para makabuo ng matalino a
makatuwirang posisyon.
__________6.Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang
__________ ang dalawang posisyon.
__________7. Maaaring makipanayam sa mga taong may ________ sa paksang
pinagtatalunan.
__________8.Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng ________ para matiyak ang
direksiyon sa pagsulat ng posisyong papel.
__________9.Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na _________ ang
mga sinasabi sa posisyong papel
__________10.Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito _________sa publiko.
Binabati kita at matagumpay kang nakarating sa bahaging ito. Sana ay magamit mo ang iyong
mga natutuhan at patuloy mo pang mapaunlad.
17
REFERENCE CARD
Mga Aklat:
• Julian, Aileen B. et al.,Pinagyamang Pluma Filipino Sa Piling Larang (Akademik).Quezon
City: Phoenix Publising House, Inc. ph. 77-92.
• Constantino, Pamela C. et al., Filipino Sa Piling Larang (Akademik).Quezon City: Rex Book
Store.ph.216-220.
• Dela Cruz, Mar Anthony S. Pagsusulat Sa Filipino sa Piling Larang (Akademik. Makati City:
DIWA LEARNING SYSTEM, INC.2016. ph.40-47
Internet:
https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-
filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842, Accessed June 5, 2020
18
19
GUIDE ENRICHMENT REFLECTION
SUBUKIN Gawain 1 ISAISIP
1. PANGANATUWIRAN Gawain sa Pagbasa Malayang
makapaglalahad ng
2. POSISYONG PAPEL Tayahin 1
pananaw ang mag-
3. OPINYON Gawain 2 aaral sa bahagi ng
pagsasanay na ito
4. PANANALIKSIK Maaaring iba-iba ang
maging sagot ng mga
5. EBIDENSYA
mag-aaral. Nasa
ISAGAWA
magiging
konsiderasyon ng guro Nasa patnubay at
puntos. pagwawasto ng guro
BALIKAN gamit ang pamantayan
Tayahin 2
sa pagmamarka sa
Maaaring iba-iba ang (Like o Dislike) bahaging ito.
maging kasagutan ng
mga mag-aaral. Nasa 1. DL
magiging konsiderasyon
2. DL ASSESSMENT
ng guro puntos.
3. L TAYAHIN
4. DL 1. sining
5. L 2. katarungan
Malayang Gawain 1, 2 3. makabuluhan
Susi sa Pagwawasto
This material was contextualized
by the
Curriculum Implementation
Division (CID)
Learning Resources Management and Development System
(LRMDS)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA