Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsulat ng Sintesis

Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na


ang ibig sabihin sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016).
Makikita ang prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-uusap
tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang pagbanggit sa
bawat kabanata at nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang
kahulugan, layunin, at kongklusyon ng libro.
Madalas na nalilimitahan ng oras ang pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t
ibang dahilan. Maaaring oras sa klase, oras ng kuwentuhan, o sukat ng
panahon para sa pagsulat at pagbasa ng artikulo kung nasa anyong
babasahin ang pagbibigay ng kaalaman. Sa ganitong kalagayan, makikita
ang kahalagahan na rnatutuhan ang paraan ng paglalagom o pagbubuod
na tinatawag na pagbibigay ng sintesis.

Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng


mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang
napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang
kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis


1. Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung
hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.
2. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng
pandama dahil rnaisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang
rnahalagang diwa ng teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.

 Sekwensiyal—pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang


salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo,
susunod, at iba pa.
 Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at
mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.
 Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso
ng pagsasagawa.
4. Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una,
gitna, at wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng
teksto at sistematikong pagsulat.

You might also like