Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsulat ng Bionote

Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay.”


Nagmula rin sa wikang Griyego ang salitang graphia na ang ibig namang
sabihin ay “talâ” (Harper 2016). Sa pagsasanib ng dalawang salita
nabubuo ang salitang biography o “talâ ng buhay.” Ang biography ay
mahabang salaysay ng buhay ng isang tao. Mula rito ay nabubuo naman
ang bionote. Ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol
sa may-akda sa Ioob ng karaniwa’y dalawa hanggang tatlong
pangungusap o isang talata lamang na madalas ay kalakip ng artikulo o
akdang isinulat ng taong pinatutungkulan (Word-Mart 2009). Isinusulat ang
bionote upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa
sandaling panahon ng pagbasa. Tinitingnan ang bionote bilang “bio” o
buhay at “note” o dapat tandaan, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na
dapat tandaan.
Ang mga nagdaang panahon, ang pagpapakilala sa mga susing
tagapagsalita ay lubhang napakahaba at nakababagot para sa mga
tagapakinig. Napakaraming impormasyon ang ibinabahagi, kaya kung
minsan, ito ay nakauubos ng oras.

Ngayon ay ipinakikilala na lamang ang susing tagapagsalita sa


pinakapayak na paraan kaya’t mahalagang matutuhan ang pagsulat ng
bionote.

Ang bionote ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa


pinakamahahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga
nagawa. Kalimitan itong naririnig na binabasa upang ipakilala ang napiling
susing tagapagsalita ng palatuntunan. Sa ganitong paraan, nabibigyang-
ideya ang mga tagapakinig o delegado kung ano ang kakanyahan ng
panauhing tagapagsalita sa loob ng sandaling panahon lamang.
Ginagamit din ang bionote sa paglalathala ng mga journal, magazine,
antolohiya, at iba pang publikasyon na nangangailangan ng pagpapakilala
ng manunulat o ng sinumang kailangang pangalanan.
Bagama’t may pagkakatulad sa mga impormasyon ang bionote, curriculum
vitae, at autobiography ay malaki pa rin ang pagkakaiba ng mga ito sa
anyo at kalikasan ng bawat isa.

Ang bionote ay maikli dahil siniksik ang mga impormasyon sa pagsulat ng


maikling paglalahad at itinatampok din lamang ang mga highlights ng
kabuoan ng pagkakakilanlan. Hindi ito gaya ng talambuhay (autobiography)
na detalyadong isinasalaysay ang mga impormasyon hinggil sa buhay ng
isang tao. Samantala, ang curriculum vitae na tinatawag ding biodata ay
naglalaman ng mga personal na impormasyon na ginagamit sa
paghahanap ng mapapasukang trabaho. 

Narito ang mga dapat mong tandaan sa pagsulat ng bionote.


1. Dapat na maikli lamang ang nilalaman.
2. Palaging ginagamit ang ikatlong panauhan sa pagtukoy ng taong
inilalahad o inilalarawan sa bionote.
3. Dapat kinikilala ang mambabasa na pagtutuonan sa pagsulat ng
bionote.
4. Binibigyang-diin ang pinakamahahalagang impormasyon.
Mahalagang gamitin ang pyramid style sa pagsulat ng bionote upang
maging gabay sa pagsulat—mula sa mga natamong karangalan
hanggang sa maliit na detalye ng kanyang buhay.
5. Bigyang-halaga lamang ang mga angkop na kasanayan o katangian
sa pagpapakilala ng panauhin.
6. Dapat maging tapat sa paglalahad ng susulating impormasyon.

You might also like