Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

ANG PAHINA NG KAHAPON

By: Lalaine Jimenez and Jhelsey Magtibay

PAGSULAT NG ISKRIP

MGA KARAKTER:

Gabriella Aziel Chavez: Kung hindi tayo ang para sa isa’t isa, ipilit natin.

Jace Fortalejo: Sana naka off na lang ang ilaw para tayo na lang ang mag on.

Xandrei Theo Collins: Sana ikaw na lang Cardiologist ko para ikaw na lang mag alaga
sa puso ko.

Azaiah Stone: Kung ang tagalog ng book ay libro, bakit ako napunta sayo?

Iba pang karakter:

Nanay ni Drei

Nanay ni Gabby

Mga Doktor at Nurse

Ang misteryosong matanda

Employee (Tauhan ni Gabby)

Mga kaibigan ng mga pangunahing karakter

Gabriella’s POV

“Hay nako Thursday na naman! Hoy! Azaiah bilisan mo nga d’yan!”

Omg, ayan na makikita ko na ulit siya. Ako nga pala si Gabriella Aziel Chavez, 19 years
old. Inilalarawan nila ako bilang ‘3M’ (Maganda, Matalino, at Masipag). Marami akong
hilig, una ang mahalin si Drei, yie joke lang aral lang muna syempre. Para na din sa
aming future, naks chariz. Ito na nga, mahilig akong mag travel, mag bake, mag paint
at syempre mag paganda. Nakahiligan ko na ito simula pa nung bata pa ako. Mahilig
ako sa mga makukulay na bagay.

“Sandali naman aba! gusto mo lang naman makita si Drei eh.”


Siya nga pala si Azaiah Stone, ang bestfriend ko. Siya lahat ang nakakaalam ng mga
sekreto at hinaing ko sa buhay. Oo may pagka-nega siya pero maaasahan at
mapagtyatyagaan naman. Sa aming dalawa, siya ang soft-girl type habang ako? ah!
pwede na nating sabihin na madaldal pero hindi ko pa din ma-gets kung bakit loud
machine gun ang nickname nila sa akin. Ha?! Nickname pero mas mahaba pa sa
totoong pangalan ko. Habang si Drei naman, omg! Siya lang naman ang
pinakamagaling na basketball player dito sa San Andres, at alam niyo ba? Syempre
hindi! Hehe na kakaunti lang nakakaalam nito na crush na crush ko si Drei. Simula
highschool mag kaklase na kami. At totoo nga yung sinasabi nilang love at first sight.
Kasi unang kita ko pa lang kay Drei... agad na tumibok ang natutulog kong damdamin
sa aking puso.

“Aba’y bakit hindi? Eh siya lang naman ang pinakagwapo, pinaka-macho,


pinakamatalino at higit sa lahat siya din ang pinakamagaling na basketball player dito
sa San Andres.”

“Fangirl ‘yan? Eh hindi ka naman pinapansin nyon atsaka anong pinakagwapo eh mas
gwapo pa nga si Jace d’yan eh.”

Jace Fortalejo, isang matalino, gwapo at talented na tao, at ahm may pagka-
misteryoso. Kung kaya’t hindi ko din masisi ang aking kaibigan na si Azaiah kung bakit
niya ito nagustuhan. Siya din ang pinakamatalik na kaibigan ni Drei.

“Pagtatalunan pa ba natin yan? Alas otso na oh late na tayo, bilis!”

....

“Ang dami namang pinapagawa ni Mrs. Montefalco. Iniisip ko pa lang mga gagawin
natin inaantok na agad ako.” pagrereklamo ni Azaiah sa’kin.

“Wow! Pero kapag kdrama at wattpad ang pagpupuyatan g na g ah?!.”

Oo, mahilig siya manood ng mga palabas at magbasa. Karaniwan mga romcom ang
kinahihiligan niya. At minsan nako! Umaabot pa yan sa puntong hindi na natutulog
makatapos lang sa mga pinapanood at binabasa!

“Dzuh syemre ibang usapan na ‘yon hihi.”

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Pagsasalaysay: Sa locker area madalas nakikita ni Gabriella si Drei na nag aayos ng


gamit at naghahanda ng umalis upang mag praktis sa gym. Sa kaparehong eksena na
mangyayari ngayon, ngunit medyo nauna lang siya ng kaunti kay Drei kaya nung
narinig niya ang pangalan ni Drei mula sa mga kaibigan nito agad siyang kinilig at
nagsimulang mag daydream ng mga pangyayaring mangyayari lamang hanggang
sa isip niya.

Jace: Hoy Drei!! Tara na yung chiks mo sa gym naghihintay.

Drei: Oo sandali lang! (Sinara yung locker)

Gabriella: OMG! Azaiah! narinig mo ba ‘yon?!

Azaiah: Baka hindi kasi may mata ako? Malamang dzuh.

Gabriella: Omg, na katabi ko si Drei!!!

Azaiah: Ano ba Gabriella?! ang sakit ng kurot mo ha!

Gabriella: Ay sorry na Aiah HAHAHAHA.

Pagsasalaysay: Hindi namalayan ni Gabriella na may nahulog pala na gamit sa


kaniyang paanan dahil sa masyado pa siyang kinikilig sa sandalian nilang pagkakatabi
ni Drei.

Gabriella: Ano ito? Hoy Aiah sa’yo ba ito?

Azaiah: Hoy hindi ah, kanino ba yan? Patingin nga?!

Gabriella: Sandali ka nga ‘di ko pa nakikita eh..., ang ganda naman nito teka ano ba
ito? Hala ang ganda din ng sulat niya mas maganda pa sa sulat na’tin. Kanino ba ito?

Pagsasalaysay: Pinalapat ni Gabriella ang kanyang mga daliri sa ikalawang pahina ng


notebook na iyon at sa ikinagulat niya ay may napansin siyang isang pamilyar na
pangalan. Natigilan siya.

Azaiah: Uy, ano? Kilala mo na ba kung kanino yan?

Gabriella: H-ha? A-ah ano hindi eh.

Azaiah: Ah sige ako na lang muna ang hahawa--

Gabriella: Ah a-ano hindi, ako na, tutal puno na din naman laman ng bag mo diba?
Tsyaka ako na muna mag tatabi nito.

Azaiah: Okay kalma, umuwi na lang tayo.


Pagsasalaysay: Hindi mapakali si Gabriella habang sila ay pauwi ni Aiah, paulit- ulit
niyang iniisip kung ano ang laman ng notebook na iyon. Pagdating niya sa bahay ay
dali-dali siyang pumunta sa kanyang kwarto upang basahin ang nilalaman ng
notebook.

‘Xandrei Theo Collins’

Gabriella: Omg! pangalan pa lang amoy baby powder na. Ang gwapo na nga niya
ang ganda pa ng sulat niya. Sana all talaga.

Pagsasalaysay: Binuklat ni Gabriella ang kasunod na pahina ng libro.

Gabriella: T-teka, diary ba ito? Or a wish list? Bakit naman gagawa ng ganitong talaan
si Drei kung maayos at maganda naman ang takbo ng buhay niya? Tingnan natin, isa
siya sa mga pinakasikat na manlalaro at paniguradong hindi naman sila naghihirap
para gumawa siya ng mga ganitong bagay na nilista niya dito.

‘Wednesday : Vandalize the walls.’

Medyo ‘badboy’ ang datinagn ng mga sinulat niya dito ha.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ATTENTION: NAWAWALA ANG NOTEBOOK NG NAG- IISANG XANDREI THEO KAYA KUNG
SINO KA MAN , IBALIK MO NA OR ELSE YOUR DEAD. INCASE OF EMERGENCY OR
RETURNING PLEASE CONTACT THIS NUMBER: 09675654990

Gabriella: Hala! omg, totoo ba ito?! Panaginip ba ito? kung panaganip man ito sana di
na lang ako magising,.. ay chour lang! magpapakasal pa kami ni Drei my loves. Ha!
Parang mga binabasa lang ni Azaiah yung mga ganitong eksena ah. Pero ibabalik ko
ba itong notebook na ito kay Drei? Eh ito na yun eh, ito na yata ang daan sa puso ni
Drei. Hays bahala na nga basta sa akin muna ito.

Pagsasalaysay: Kinabukasan pumasok na si Gabriella sa kanilang paaralan kasabay si


Aiah, naging maayos at mabilis ang takbo ng kanilang araw kaya bago umuwi ay
pumasok muna siya sa C.R upang tingnan ang notebook ni Drei.

‘Wednesday; Vandalize the walls, Sunday; Greet random people. Tuesday; Clean the
room.’

Pagkatapos basahin ni Gabriella ang notebook ay lumabas na siya ng C.R ngunit sa ‘di
inaasahang pangyayari ay may nakabangga siyang tao na may dalang pintura kung
kaya’t natupan siya nito sa kanyang damit.
Gabriella: Ay naku! sorry ha di kita napansin.

Drei: Ay miss sorry din, ‘di kasi kita napansin ayan tuloy nagka-pintura yung damit mo.
Sandali lang ha.

Pagsasalaysay: ‘T-teka-teka nanaginip ba ako? Kilalang kilala ko yung boses na ‘yon,


Omg, don’t tell me si Drei yon?!’ ang nasa isip ni Gabriella, kasunod nito ay ang paunti-
unti nitong pag-angat ng tingin sa nagsalita.

Drei: Miss jacket oh pang taklob mo d’yan.

Gabriella: A-ah s-salamat l-lalabhan ko na lang pagkauwi bago ko isauli sa’yo hehe.

Drei: Sige Miss una na ako.

Gabriella: A-ahh s-sige salamat dito sa jacket!

Pagsasalaysay: Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Gabriella hanggang sa pag uwi dahil
naaalala nya ang nangyari kanina.

Kinabukasan pagkatapos ng kanilang huling asignatura ay nagmamadali si Gabriella


sa pag alis upang hanapin si Drei.

Azaiah: Hoy Gabriella Aziel! Bakit ka ba nag mamadali? May pupuntahan ka ba?

Gabriella; A-ah oo eh s-sige mauna na ako sayo Aiah ha, tatawag na lang ako sayo
mamaya.

Azaiah: Hoy san ka ba pupun---, bakit kaya nag mamadali ‘yon? San naman kaya
pupunta ‘yong babaeng ‘yon?

Pagsasalaysay: Takbo nang takbo si Gabriella upang hanapin si Drei ngunit sa ‘di
inaasahang pangyayari ay may nakabangga na naman siya.. ngunit sa pagkakataon
na ito ay isa namang grupo ng mga kalalakihan na kung titingnan ay walang ibang
gagawin kundi kalokohan.

Gabriella: Ay! sorry po sorry di ko kayo napan--, Drei?

Drei: Ah yes, sino ka Miss? Wait, you're kinda familiar? Ah your--

Gabriella: Hi! I’m Gabriella Aziel Chavez.

Drei: Ang haba

Gabriella: Pwede mo naman akong tawaging ‘love’.


Drei: Haha sweet talker huh?... Okay love, I’m Xandrei Theo Collins.

Gabriella: Okay love. Ay! charot lang, ikaw ha! haha.

Drei: Biro lang haha, Ah btw okay ka lang ba?

Gabriella: A-ah okay lang, ito na nga pala yung jacket na pinahiram mo sa akin
kahapon. Nalabhan ko na yan kaya malinis yan. Salamat nga pala ulit sa
pagpapahiram.

Drei: Ah salamat. Sige mauna na kami, salamat nga pala.

Gabriella: Ah a-ano okay lang naman, sige mag-ingat kayo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagsasalaysay: Lumipas ang mga mga araw at unti-unti ng nagiging mas malapit sa
isa’t -isa sina Drei at Gabriella. At dahil dito mas lumalim ang pagkagusto ni Gabriella
kay Drei habang si Drei naman ay naguguluhan sa kanyang nararamdaman.

Gabriella: Drei tara kain tayo sa Mcdo kasama sina Jace at Aiah.

Drei: Sige dalhin ko lang ito sa locker.

Gabriella: Sige hintayin ka na lang namin sa labas ha, dalian mo gutom na ako eh.

Drei: Hahaha oo na, lagi ka namang gutom.

Pagsasalaysay: Habang papunta si Drei sa locker room biglang sumakit ang kanyang
dibdib kaya dali-dali nyang kinuha ang kanyang gamot upang maibsan ang sakit nito.

Azaiah: Oh asan na si drei?

Gabriella: Susunod daw sya, may ilalagay lang daw siya sa locker room.

Azaiah: Ah sige.

Pagsasalaysay: Lumipas ang mahigit 15 mins ay hindi pa din dumadating si Drei.


Nagsimula ng magtaka si Gabriella kaya nagpagdesisyunan niya na puntahan na
lamang ito.

Gabriella: Aiah, Jace d’yan lang kayo ha pupuntahan ko lang muna si Drei.

Azaiah: Naks miss mo na agad? Magkasama lang kayo kanina ah?


Jace: HAHA sana all.

Gabriella: Tumigil nga kayo, hinahanap lang eh.

Azaiah: Sige sabi mo eh.., Oh? Ayan na pala si Drei eh.

Drei: Pasensya na ha kung natagalan may ini-utos pa kasi sa akin si Mrs. Montefalco.

Gabriella: Ah ganun ba? okay lang. So ano na tara! Gutom na kasi talaga ako eh.

Azaiah: Tara na!! Gutom na din ako eh. Hoy Jace! libre mo ako ha!

Jace: Hoy ano ka chiks?! HAHAHA.

Pasensya na pero hindi ko pa kayang sabihin sa inyo, lalo na sa’yo Gabby.

“Hypertrophic cardiomyopathy” yan ang sakit na matagal ko ng tinatago sa kanila at


sa iba ko pang malapit na kaibigan. Ang Hypertrophic Cardiomyopathy (HCM) ay
isang sakit kung saan ang muscle ng puso ay nagiging abnormal na makapal
(hypertrophied). Ang makapal na muscle ng puso ay maaaring maging mas mahirap
para sa puso na mag-pump ng dugo. Ang sakit na ito ay wala pang nadidiskubreng
lunas. Kaya mahirap para sa akin na sabihin sa kanila ito lalo na kay Gabby dahil
ayako silang masaktan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Drei: Gabby tara punta tayo sa Baguio.

Pagsasalaysay: Nagulat si Gabriella sa ginawang pang-anyaya sa kanya ni Drei. Tila


hindi pa din rume-rehistro sa kanyang utak ang mga pangyayari sa mga nagdaang
mga araw, kung paanong ramdam niya na mas napapalapit na talaga sila sa isa't isa.
Ayaw niya ng umasa, pero hindi niya mapigilan lalo na sa mga ipinapakitang kilos ni
Drei para sa kanya.

Gabriella: Sige sige gusto ko yan, basta ba libre mo HAHA joke lang, ahm ‘di pa kasi
ako nakakapunta d’yan eh, btw kailan ba?

Drei: Sa sabado, gusto ko kasing mamasyal do’n sa night market nila. Balita ko
maganda daw sa gabi at madaming pwedeng bilhin.

Gabriella: Omg, na e-excite tuloy akong pumunta don!

Drei: Sige, sunduin na lang kita sa bahay nyo sa sabado at para makapag paalam na
din kay Tita ng maayos.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Sabado ng madaling araw)

Pagsasalaysay: Nakarating na si Drei sa bahay nina Gabriella. Pagkababa ng sasakyan


ay agad siyang nag-doorbell sa gate nina Gabriella.

Nakakinig na may nag-doorbell ang nanay ni Gabriella kung kaya’t napag-desisyunan


nito na puntahan kung saan nagmumula ang ingay.

Nanay ni Gabriella: Sino yan? Oh ikaw pala yan Drei, pasok ka muna at mag merienda
naliligo pa kasi si Gabriella. Sandali lang ha tatawagin ko lang yung batang yon. Wag
kang mahiya ha kumain ka lang dyan ng merienda.

Drei: Sige po Tita salamat po.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nanay ni Gabriella: Gabby! andyan na si Drei sa baba dalian mo kilos mo d’yan! Wag
mong pag atayin si Drei sa baba!

Gabriella: Opo nagbibihis na po!

Pagsasalaysay: Habang inaantay ni Drei at ng nanay ni Gabriella na bumaba si


Gabriella, ay nag-usap at nag kamustahan muna sila. Habang pababa ng hagdan si
Gabby dala-dala ang mga gamit nito ay para namang bumagal ang paligid sa
paningin ni Drei. ‘Ang ganda’ sa isip niya.

Nanay ni Gabriella: Oh ayan na pala si Gabby. Oh siya sige, mag ingat kayo sa byahe.
Drei ikaw na bahala dito sa babaeng ito ha? Wag mong pababayaan iyan.

Gabriella: Ano ba mama di na ako bata.

Drei: Opo tita, makakaasa po kayo. Ah sya nga pala Tita may sasabihin po ako sa inyo.

Nanay ni Gabriella: Ano iyon iho?

Drei: Gusto ko lang po sanang personal na mag paalam sa inyo na aakyat po ako ng
ligaw sa anak nyo. Gusto ko po ang anak nyo kaya personal po ako sa inyong
nagpapaalam kung pwede siyang ligawan.

Nanay Ni gabriella: Okay lang naman sa akin. Yan ang tanungin mo, yang katabi mo.
tanungin mo kung payag ba siya o hindi.
Pagsasalaysay: ‘Omg! totoo ba itong naririnig ko? Si Drei nag paalam sa nanay ko na
kung pwede akong ligawan?!? Omg! Kinikilig ako!’, sa isip-isip ni Gabriella.

Drei: Gabby p-payag ka ba na na n-na ligawan kita?

Gabriella: A-ah o-oo naman. Sino ba naman ako para humindi? (nag blush)

Nanay ni Gabriella: Oh sya sya tama na yan, umalis na kayo bago pa kayo abutan ng
traffic sa Maynila mahaba-haba pa ang byahe nyo.

Gabriella: Si mama bitter, nagmamadali ka ma? Ganon mo na ba ako ka gustong


paalisin?

Nanay ni Gabriella: Umayos ka nga Gabby. Oh siya sige wag ka nang sumama. Drei
iwan mo na nga itong si Gaby at nag iinarte.

Gabriella: Hala, si mama di mabiro.

Nanay ni Gabriella: Oh sya sya umalis na kayo at mag ingat kayo. Drei yung paalala
ko sayo ha?

Drei: Opo Tita makakaasa po kayo.

Gabriella: Bye mama love you po.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagsasalaysay: Habang nasa byahe pa lang sila ay di na maalis kay Gabriella ang kilig
at excitement. Malayo-layo pa ang kanilang byahe at nakakaramdam na si Gabriella
ng antok dahil hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa labis na excitement na kanyang
nararamdaman noong gabi. Tuluyan na ngang bumigay ang mga mata ni Gabriella
at ito ay tuluyan ng nakatulog. Hindi namalayan ni Drei na nakatulog na pala si
Gabriella. Nagtanong si Drei ngunit nag taka siya kung bakit hindi na tumutugon sa
kaniya si Gabriella. Noong lumingon siya ay doon niya nakita si Gabriella na sobrang
himbing na ng tulog.

Drei’s POV

Itinabi ko muna ang sasakyan upang ayusin ang pwesto ni Gabby. Napaka ganda
niya kahit pa siya ay tulog. Tinitigan ko muna siya ng sandali. At doon ko nalang
napagtanto na.., mahal na ata kita Gabriella Aziel.

Pagsasalaysay: Nagising na si Gabriella at sila ay nakadating na sa Baguio.


Gabriella: Wow! Drei ang ganda dito, ang sarap din ng simoy ng hangin. Salamat sa
pag dala sa akin dito Drei.

Drei: Mabuti naman at nagustuhan mo dito. At walang anuman. So, tara na! tayo'y
mamasyal na sa night market.

Gabriella: Omg tara na, gusto kong makita yung mga paninda nila don. Tsyaka tara bili
tayo mamaya ng mga pasabubong para kay na Jace, Aiah, at tsyaka para kay na
mama.

Pagsasalaysay: Dumating na sila sa night market at hindi mawala ang kinang sa mga
mata ni Gabriella ng makita niya ito. Namangha siya sa ganda ng lugar at sa dami ng
mga taong namamasyal pati na din sa dami ng mga tindahan na sari-sari ang mga
binebenta. Habang si Drei naman ay tila kontento na lamang na pagmasdan si
Gabriella na tuwang tuwa sa kanyang nakikita.

Gabriella’s POV

Sobrang ganda ng night market na umabot sa punto na di ko na namamalayan ang


mga nangyayari sa aking paligid. Ngunit sa aking ‘di inaasahan, hinawakan ni Drei ang
aking kamay habang nakatitig ito sa aming harapan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Dati
dati pinapangarap ko lang ang mga bagay na ito pero ngayon nangyayari na.., eto
at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Drei: Ano?Tara na

Gabriella: Tara na!!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagsasalaysay: Lumipas ang panahon at lalong lumalim ang nararamdaman nila para
sa isa’t-isa. Napag desisyunan na ni Drei na tanungin si Gabriella kung papayag ba
siyang maging nobyo nito. Nagpatulong si Drei sa kanilang mga kaibigan upang
sopresahin Gabriella.

(Drei and Gabriella chatting..)

Drei: Gabby meet me sa coffee shop nina Jace mamayang 8pm, samahan mo akong
kumain don libre kita.

Gabriella: Sure why not, sabi mo yan ha libre mo ako.

Drei: Oo nga basta pumunta ka do’n. Ah btw magsuot ka ng maganda mamaya.


Pangit kase ng mga suot mo minsan eh HAHAHA.
Gabriella: Ano?! Hoy fyi maganda kaya mga sinusuot ko kasi maganda ako.

Drei: Oh sya sya basta punta ka mamaya don sa coffee shop nina Jace hmm?

Gabriella: Oo na, pasalamat ka gwapo ka hshs. Bye na.

Pagsasalaysay: Malapit na dumating ang oras ng pagpunta ni Gabriella sa coffee


shop nina Jace. Habang nasa byahe si Gabriella wala pa rin siyang kaalam-alam sa
mangyayaring sorpesa na hinanda nina Drei para sa kanya. Habang si Drei naman ay
kabado at hindi mapakali.

Dumating na si Gabriella sa Coffee shop nina Jace . Pagkapasok ni Gabriella sa loob


ay tinanong siya ng staff at sinamahan siya ng nito sa hall kung saan magaganap ang
sorpresa para sa kanya. Ngunit bago sila pumasok, nilagyan muna nila ng piring sa
mata si Gabriella bago ito tuluyan makapasok.

Gabriella’s POV

Gulong gulo na ang aking isipan sa mga nangyayari at hanggang ngayon hindi ko pa
rin alam kung anong meron. Nandito na ako sa loob ng silid kung saan ako dinala ng
mga staff. Bigla akong nakaring ng isang tunog mula sa isang gitara.

Pagsasalaysay: Kinuha ni Drei ang gitara nung nakita nya na nasa loob na si Gabriella.
Nagsimula ng tumugtog si Drei ng gitara habang nakanta.

Gabriella’s POV

Nagulat ako sa biglang pagkanta nito at sa boses palang kilala ko na kung sino sya.
Natapos na ang kanta at unti unting natanggal ang piring sa aking mata. Dahan
dahan kong minulat ang aking mata at si Drei ang unang bumungad sa akin.

Drei: Gabriella, salamat sa pag dating sa buhay ko. Dahil sa pagdating mo, ang dati
kong walang kulay na buhay ay unti unti nang nagka-kulay dahil sayo. Ngunit may
gusto akong itanong sa iyo.

Pagsasalaysay: Lumuhod si Drei sa harap ni Gabriella.

Drei: Pwede ka bang maging akin at ako para sayo?

Gabriella’s POV

Nagulat ako sa biglang pagluhod ni Drei, ngunit may mas ikakagulat pa pala ako. At
iyon ay ang pag tanong niya sa akin ng tanong na matagal ko ng gustong marinig
mula sa kaniya. “Oo Drei, pwedeng pwede”, iyon ang naging tugon ko sa kanya.
Grabe, hindi ko ito inaasahan, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na
nangyayari ito. Kung dati nagi-imagine lang ako, ngayon ito! Ito totoong nangyayari
na. Paniguradong magiging masaya para sa akin si Aiah.

Drei’s POV

Biglang lumabas ang tuwa sa aking muka nung marinig ko ang sagot ni Gabriella.” I
love you, Gabby. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa ilalaim ng asul na
kalangitan”, iyon na lang ang nasabi ko dahil sa labis na tuwa na aking
nararamdaman.

Gabriella: I love you too Drei. Higit pa sa nalalaman mo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagsasalaysay: Lumipas ang mga araw at maituturing ko ito sa isa sa mga masasaya
at magagandang pangyayari sa buong buhay ko, hanggang sa isang araw...

Gabriella: Love, okay ka lang?

Drei: Ha? Ah oo, medyo sumasakit lang yung dibdib ko. Pagod lang to love haha wag
ka ng mag-alala.

Gabriella’s POV

Sa sumunod pang mga araw mas napapadalas ang pagsakit ng dibdib ni Drei,
dumagdag pa na hirap na din siya huminga kung minsan. Dinala namin sya sa ospital
ngunit ipinagtataka ko na hindi ako isinasama sa loob upang marinig ang mga
impormasyon na kailangan kong marinig mula sa Doktor. Pakiramdam ko may tinatago
sila mula sa akin, siya mula sa akin. At hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga
maaaring susunod na mangyari.

Nurse: Miss hindi po pwede, hanggang dyan lang po kayo.

Gabriella: Anong hindi?! Boyfriend ko yan! Malay ko kung ano ng kalagayan nya dyan
sa loob! hindi ko alam kung anong a-a-anong nangyayari sa kanya! Kung may m-may
sakit ba siya o ano para magkaganyan siya?! hindi ko na alam! H-hindi ko na alam
ang iisipin ko, kung k-kung---

Azaiah: Bes kalma, gagaling siya. Tiwala ka lang sa mga doctor. Ano pa kung ang
doctor na pilnili nyo ay tinaguriang magaling na Cardiologist sa Pilipinas.

Gabriella: P-please gawin nyo ang lahat, hindi ko kayang mawala sa akin si Drei.
Nurse: Yes po ma’am gagawin po namin ang lahat. Kumalma po muna kayo, maupo
muna po kayo sa tabi.

Gabriella’s POV

Lumipas ang isa, dalawa hindi lang tatlo kundi anim na oras. Anim na oras akong
naghihintay dito sa labas ng O.R. Lumipas pa ang ilang oras hanggang lumabas sina
tita na umiiyak.

Gabriella: (umiiyak) Tita?! Anong balita?! Anong nangyari?! M-makakalabas na ba


sya?! P-p-pwede na ba akong pumasok tita?! T-tita please wag ka munang umiyak
sagutin mo muna ang tanong ko Tita?! Tita asan si Drei?!

Pagsasalaysay: Madami nang nag iiyakan at wala pa ding umiimik. Hanggang sa


dumating ang doctor.

Doctor: Ahm pasensya na ngunit ginawa na namin ang lahat. Masyado nang malala
ang kondisyon ng pasyente at di na kinakaya ng katawan nya ang gamot na
binibigay namin sa kanya.

Gabriella: A-A-ANO!? A-ANONG GINAWA NIYO NA ANG LAHAT?!! WALA NAMAN


SIYANG SAKIT! NASAKIT LANG DIBDIB NIYA OO PERO NORMAL LANG YUN KAPAG
NAPAPAGOD SIYA DIBA?! D-DIBA?! S-SUMAGOT KAYO!!

Nanay ni Drei: I-I’m sorry i-iha kung k-kung hindi namin nasabi sayo. Ayaw lang ng anak
ko na masaktan ka sa k-kondisyon niya.

Gabriella: K-kondisyon? Kondisyon?!! Anong kondisyon?! B-bakit hindi ko alam?!!

Nanay ni Drei: M-mayroon siyang HCM.

Gabriella: H-HCM?! A-ano yon?!

Nanay ni Drei: (huminga ng malalim) HCM o Hypertrophic Cardiomyopathy (HCM) a-ay


isang sakit k-kung saan ang muscle ng puso ay nagiging abnormal na makapal
(hypertrophied). Ang makapal na muscle ng puso ay maaaring maging mas mahirap
para sa puso na mag-pump ng dugo na kinakailangan ng k-katawan ng tao.

Doktor: Ahm excuse me po, ahm tama po ang sinabi ni ma’am. Ito po ay isang uri ng
sakit kung saan hindi pa din nahahanapan ng lunas. Ang layunin po ng paggamot sa
Hypertrophic Cardiomyopathy ay upang mapawi ang mga sintomas at maiwasan ang
biglaang pagkamatay ng puso sa mga taong may mataas na panganib. At ang
magiging partikular na paggamot ay depende po sa kalubhaan ng mga sintomas na
nararamdaman ng pasyente. Ang tanging maipapayo lang po namin sa mga taong
may ganitong sakit ay panatilihing malusog ang pangangatawan na may balanseng
diyeta, pagbawas ng mga mabibigat na aktibidad, at pag-iwas sa sigarilyo at alak.
Kinakailangan po na magkaroon ng healthy living ang pasyente upang maiwasan ang
paglala ng sakit. Sa kondisyon naman po ni Sir Drei ay kusa na pong sumuko ang
kanyang katawa sa pagtanggap ng mga gamot na ibinibigay namin sa kaniya.

Gabriella: M-mabigat na a-aktibidad? E-eh diba nagba-basketball s-siya?

Nanay ni Drei: K-kahilingan nya iyon iha, itinigil nya lang ang paglalaro nung nakilala ka
niya at nagsimula muling tumanggap ng g-gamot.

Gabriella: H-hindi! h-h-hindi pwede! na-nangako siya! nangako siya na babalik sya! Na
hindi niya ako iiwan!! Kaya bumalik kayo sa loob at iligtas nyo sya!! Doc, please g-
gawin niyo po ang lahat ng makakaya nyo para iligtas siya. Handa po akong
magbayad ng kahit magkano maging ligtas lamang siya.

Doktor: I-iha hindi mo naiintindihan, wala na siya at kailanman hindi na siya babalik.

Nagsimula ng mag-iyakan ang mga tao sa paligid.

Gabriella: A-anong klaseng mga doktor kayo?!! H-h-hindi niyo g-ginagawa ng ma-
maayos ang trabaho niyo!!

Azaiah: (umiiyak) G-gabby, t-t-tama n-na…

Pagsasalaysay: Hindi matanggap ni Gabriella ang mga nangyari. Hindi siya


makapaniwala na ganon-ganon na lang iyon, isang iglap nawala na siya agad sa
kaniya. Pinakatitigan ni Gabriella ang lahat ng tao sa eksena atsaka tumakbo paalis
habang umiiyak. Pakiramdam niya pinagtaksilan siya ng lahat.

Gabriella’s POV

Hindi ko alam na mayroon pala siyang Hypertrophic Cardiomyopathy. All this time na
magkasama kami h-hindi ko man lang nalaman at naalagaan siya. Sobrang sakit dahil
wala man lang ako magawa upang iligtas siya. K-kung maari lang sana na ako na lang
yung nasa loob ng O.R, k-kung maari lang sana na pwede kong kunin ang sakit nya.
Handa kong kunin iyon wag lang siya mahirapan. Handa akong gawin ang lahat
maging ligtas lang siya. Dahil hinding-hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan at
nasasaktan.

Pagsasalaysay: Walang humpay ang pag iyak ni Gabriella. Pilit niyang pinapakalma
ang sarili ngunit hindi niya magawa. Tumakbo pa palabas ng gusali si Gabriella ng
bigla siyang may nakabungguan na matanda at sa hindi inaasahan sa paglingon
niya…

Gabriella: H-ha?! T-teka nasan ako?! S-sandali bakit ako andito?! Dapat nasa ospital
ako hinihintay si Drei?! B-bakit, bakit parang pamilyar?

Pagsasalaysay: Nag lakad lakad si Gabriella upang mag masid. Nakita nya si Jace na
nag prapraktis ng basketball at agad siyang nag taka kung bakit ito nakasuot ng
uniform ng school nila. Sapagkat nung umaga lamang ay nag pasya na itong lumipat
ng eskwelahan sa ibang bansa. Kung kaya’t siya ay nalilito kung bakit siya ay tila pa
hindi nag aayos ng gamit sa pag alis. Tatawagin na sana nya ito ngunit napansin din
nya si Azaiah kasama ang isang pamilyar na pigura ng isang babae.

Gabriella: Hay nako Thursday na naman! Hoy! Azaiah bilisan mo nga jan!

Azaiah: Sandali naman aba, gusto mo lang naman makita si Drei eh.

..,

Gabriella: H-hah?! Teka ano?! b-bakit parang n-nangyari na i-ito!? Bakit ako nandito?!

Pagsasalaysay: Biglang may lumakad na matanda sa harap ni gabriella at sinabing--

Matanda: Ang iyong paglalakbay ay bibigyan ka ng pagikakataong muling maisulat


ang iyong kwento, kapalit ng hindi niyo pagkikita sa totoong mundo.

Pagsasalaysay: Pagkasabi ng mga litanya na iyon ay bigla na lamang naglaho na


parang bula ang matanda. Muling nagtaka si Gabriella ngunit kalaunan ay
naintindihan na niya.

Gabriella: Past. Pagbalik sa nakaraan. I-ito na ba? H-hindi ko sasayangin ang


pagkakataon na ito. Maraming salamat kung sino ka man.

Pagsasalaysay: Lumipas ang mga araw, linggo na naging mga buwan. Katulong ni
Gabriella si Jace sa misyong iligtas si Drei kahit sa kapalit nito ay hindi na muli silang
magkakasama at magkakatuluyan. Iyon ang naging kapalit ng kaniyang pagbalik.
Samantalang naging mas malapit sya kay Jace sapagkat sa isang pagkakataon na
sya ay naging pabaya at bilang si Jace na isang matalinong tao ay naobserbahan
niya ito at kalaunan nalaman ang totoong sitwasyon nito.

Gabriella: February 29, 2020

Jace: Ha? haha pick up line ba yan?.... B-bakit ang tahimik mo? Ahm ah oo leap year
right?
Gabriella: February 29, 2020. Ito na yung araw.

Jace: Anong araw? S-sandali wala akong maintindihan.

Gabriella: Ah wala naman, naisip ko lang kung paano kung ito na ang huling araw?

Jace: H-huling araw? Bakit t-tingin mo b-babalik ka na?

Gabriella: Hindi ko alam pero kung hindi man tayo magtagumpay, tandaan mo
masaya akong mas nakilala kita at naging kaibigan pa.

Jace: Gabriella Aziel... mahal kita, mahal na kita at kaya kitang pakawalan kung hindi
na talaga kayang ipaglaban. Tandaan mo din sana na masaya akong nanatili ka, dito
sa panahon kung saan hindi ako siya.

Pagsasalaysay: Mayroong tumawag sa telepono ni Jace. Agad na kinuha ni Jace ang


kayang telepono upang sagutin ang tawag. Agad siyang nag taka na ang nanay ni
Drei ang tumatawag sa kanya. Agad nya itong sinagot, at isang balita ang agad na
bumungad sa kanya.

Jace: Tumawag si Tita

Gabriella: Ha? Anong sinabi?

Isang katahimikan ang naganap hanggang sa pinutol ito ni Jace at sinabing…

Jace: Nakaligtas siya.

Pagsasalaysay: Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Jace upang makita ang


tunay na reaksyon ni Gabriella sapagkat hindi pa tumagal ng ilang segundo bago ito
unti-unting naglaho sa harapan niya.

Balita: Xiandrei Theo Collins nagbalik na kasama ang kanyang fiance na si Azaiah
Stone. Upang mas mag palago ng kanilang negosyo at paghandaan ang kanilang
kasal.

Pagsasalaysay: Lumipas na ang ilang tao ng makabalik si Gabriella. Ilang mga patak
ng luha na lamang ang nag papatulog sa kanya. Hanggang sa narinig niya ang balita
na ikinasal na ang kanyang matalik na kaibigan sa taong dahilan ng pag sibol ng
kanyang pangalawang pag ibig sa nakraan. Napag desisyunan ni Gabriella na ayusin
ang kanyang buhay at mag patuloy.

Employee: Ma’am Gabby! May sulat para sayo!


Gabriella: Ha?! Ah kanino galing?

Employee: Ay! Hindi ko po alam eh, nakita ko lang po sa sahig nung may
nakabungguan akong matanda. Eh nakita ko naman po na nakapangalan sa inyo
kaya kinuha ko na, kasi hindi ko na po nakita yung matanda pagharap ko.

Gabriell: Ah ganun ba? Sige salamat ha.

...

Mahal kong Gabriella Aziel,

Ako’y muling humawak ng ballpen at kapirasong papel upang muli kong maipahayag
ang aking damdamin. Nawa’y sa bawat pinta, banal na hangarin ko’y iyong mabasa
sinta. Alam natin na may mga pagpapatawad na kahit walang hinihingi, kailangan
nating ibigay, katulad ng pagmamahal na wala namang humihingi pero kusa nating
ibinibigay. At kahit hindi na niya tinatanggap, patuloy pa din tayong nag-
papakamartir, dahil gusto natin mahagilap ang pagmamahal na pwede ring
manggaling sa kanya, kahit na ang pagtingin at pag ibig nya ay nakatuon na sa iba.
Gabriella, aking sinta, ang aking pag ibig sayo ay tapat at totoo. Sa ating mga
sandaling pagsasama na puno ng mga higit na masasayang aalala. Naniniwala ako,
na ang kwento natin ay dapat mag patuloy, at hiling ng puso ko’y wala ng wakas.
Subalit hindi ko man hawak ang bukas, nais kong patunayan sayo na pangako ko ay
wagas, na kahit sa kabilang buhay ay aking tutuparin. Dumating man tayo sa puntong
magkawalay, palagi mong tandaan na ang bawat segundong tayo’y magkasama ay
aking kayamanan. Marahil tumutulo ang aking mga luha habang isinusulat ang liham
na ito pero ang aking pangako, ako’y mananatili sayo. Hayaan mong ito na ang
maging huling pahina ng kahapong tayo ang bida.”

Nagmamahal,

Jace Fortalejo

Customer: Miss? Miss!

Gabriella: Y-yes p-po?

Customer: Miss, one grande of iced escafe nga.

Gabriella: A-ah ahm yes ma’am right away po.

Employee: Ma’am Gabby! Ay nako ako na po jan. t-teka umiyak ka ba ma’am?


Gabriella: Ah h-hindi okay lang, ako na! Ako n-na, saka marami tayong customer
ngayon eh.

Employee: Ay ma’am legit po, tapos alam mo ba ma’am?

Gabriella: Hindi.

Employee: Ma’am naman eh HAHAHA so ganito nga ma’am may shoti tayong
customer doon sa may dulo.

Gabriella: Nakakain ba yan? Kung inaasikaso mo na ang iba pa nating customer may
maipapakain ka pa jan haha.

Employee: Eto na ma’am, pero pogi talaga

Gabriella: Oh hala sige, trabaho na.

Pagsasalaysay: Naging abala si Gabriella sa pag aasikaso ng kanyang mga customer


dahil sa kanyang unang anibersaryo ng kanyang coffee shop sa Tiaong. Naging mabilis
ang pangyayari at pagtalikod niya meron siyang nakabunguan at kasabay nito ang
pagkahulog ng notebook. Ngunit hindi namalayan ng may-ari na nahulog na pala ang
kanyang notebook. Natigilan siya. Biglang may tumugtog ng isang malakas na musika
“Do you get déjà vu? Oh Do you get déjà vu?”, kasabay ng paglingon ng isang
gwapong lalaki.

Gabriella: JACE?

-----------------------------------------------------------THE END ------------------------------------------------------

You might also like