Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TUKURAN TECHNICAL-VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Baitang 11

Pangalan: ____________________________________________ Taon at Seksyon: ______________ Petsa: __________

I- Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay daan tungo sa kaalaman at katalinuhan ng isang tao?
a. Pagbasa b. interpretasyon c. analisa d. pagsuri
2. Ang proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon na kinakatawan ng mga salita o
simbolo ay tinatawag na ____.
a. Pagsulat b. pananaliksik c. pagsasarbey d. pagbasa
3. Isa sa uri ng tekstong impormatibo na nagbibigay ng tumpak na katibayan kung paano o bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari. a. Totoong Pangyayari b. Pag-uulat pang-impormasyon c. Pagpapaliwanag d. Pantulong na kaisipan
4. Anong teskto ang makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao o pangyayari?
a. Paglalarawan b. Naratibo c. Deskriptibo d. Masining na Paglalarawan
5. Anong elemento ng tekstong impormatibo ang tinatawag na organizational markers?
a. Impormasyon b. Pangunahing Ideya c. Layunin ng akda d. Pantulong na Kaisipan.
6. Anong uri ng teskto ang mga babasahing di -piksyon?
a. Naratibo b. impormatibo c. Argumentatibo d. Deskriptibo
Panuto: Tukuyin ang pahayag kung anong uri ng sulatin.
7. “Ang mga taong sumusunod sa rekomendasyon tungkol sa Covid -19, ay kayamanan ng bayan”
a. Personal na sulatin b. Transaksiyonal na sulatin c. Malikhaing Sulatin d.Memo
8. “Ang taong mapagtanong,daig, ang marunong”.
a. Personal na sulatin b. Plano c. Malikhaing Sulatin d. Transaksiyunal na sulatin
9. “Tumingin ka sa akin, ang makikita mo,y ikaw din.
a. Personal na sulatin b. Malikhaing Pagsulat c. Pormal na sulatin d. Transaksiyunal
10. Ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kwento sa pamamagitan ng character map. Ihambing sila sa ilang kakilala na may
pagkakatulad ang ugali. A. Transaksiyunal b.Impormal c. Malikhaing pagsulat d. Talaarawan
11. Ito ay paraan ng manunulat na ginagamit upang makaganyak o makahikayat ng kaisipan at kaugalian.
a. Pathoa b. Logos c. Ethos d. Eros
12. Bakit kailangan sa isang produkto o kandidato ang Propaganda devices?
a. Upang sumikat at maging tanyag c. Upang maipakita ang katangian
b. Upang makuha ang interes/ atensyon ng mga mamamayan. d . Upang hindi mapahiya sa mga tao
13. Ano ang tawag sa isang Propaganda device na ginagamitan ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao
ang kasikatan? a. Name-Calling b. Bandwagon c. Transfer d. Card Stacking
14. Isang panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay
sumali na. a. Plain Folks b. Testemonial c. Bandwagon d. Glittering Generalities
15. Ano ang ibig sabihin ng “Card Stacking”?
a. Magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa podukto c. Pagbibigay ng hindi magndang puna
b. Ipinakikita ang magagandang katangian ng produkto ngunit binabanggit ang hindi magandang katangian d. Wala sa lahat

16. Ang ___________ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi pauli-ulit ang mga salita.
a. Elipsis b. Anapora c. kohesyong gramatikal d. Pamalit o substitution

“ Matutuwa sila dahil makukuha nang mataas na swelso ang mga naiwang doctor at nars.
17. Anong kohesyong gramatikal ang nakapahilis na salita?
a. Katapora b. Anapora c. Pang-uri D.Elipsis
18. Bukod sa pang-uri at pang-abay, alin sa mga salita ang HINDI maaaring gamitin sa paghahambing at pagkokontrast?
a. Lalo b.Higit c. dahil d.mas
19. Hindi______ masisisi na umalis ng bansa.Nahihirapan ang mga doctor at nars na kumita nang malaki. Ano ang wastong cohesive
device ang ilagay sa patlang?
a. nila-katapora b. ito-anapora c. siya -katapora d. sila-katapora
20. Ang tawag sa mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng pangungusap bilang pamalit sa pangngalang nasa hulihan.
a. Anapora b. Katapora c. Elipsis d. Nominal

Panuto; Basahin ang unawain ang teksto.


Mapalad ang Pilipinas na pinagpala sa lahat ng bansa dahil sa kahangang-hangang kagandahan nito. Di-mabilang na nilalang
ang nabighani sa bugnaw ng karagatan,luntiang kaparangan at ibat ibang hayop sa kagubatan. Tunay na mahaba ang talaan ng
maipagmalaki nitong kaakit -akit na mga tanawin.Nariyan ang mahiwagang pagyayakapan ng alon at bundok ng mga pulo sa Batanes,
Luzon, ang pulu-pulutong na Hundred Islands na matatagpuan sa Golpo ng Lingayen, Pangasinan at hugis balisunsong sa Bulkanng
Mayon sa Albay. Anupa’t isang Paraiso na kaloob ng Poong Maykapal ang Pilipinas na maituturing na pangalawang hardin ng Eden.
21. Ano ang paksa sa teksto?
a. Ibat ibang tanawing nakakaakit sa turista b. Ibat Ibang tanawin sa Pilipinas
c. Paraisong kaloob ng maykapal d. Maipagmamalaking tanawin
22.Anong uri ng teksto ang ginamit ng may-akda?
a. Tekstong Impormatibo b. Tekstong persweysib c. Tekstong Deskriptibo d. Tekstong Naratibo
23. Di mabilang na nilalang ang nabighani sa bugnaw na karagatan, luntiang kaparangan at ibat ibang hayop sa kagubatan. Ang
Paglalarawan ay tinatawag na__________.
a. Impresyon b. Deskriptibo c. Suhetibo d. Obhetibo
24. Ano ang ibig sabihin ng salitang mapalad na naglalarawan ng bansang Pilipinas?
a. masagana b. mayaman c. maswerte d. mahirap
25. Anong elemento ng paglalarawan na inilalahad sa teksto ang mga pisikal na katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng
obserbasyon. a. Deskriptibo b. Naratibo c. Karaniwang paglalarawan d.Masining na Paglalarawan
26. Ano ang tawag sa mga Filipinong nagtatrabaho sa ibang bansa?
a. Overseas Pilipino Worker b. Overseas Filipino Working
c. Overseas Filifino Worker d. Overseas Filipino Worker
27. Bakit nga ba napipilitang umalis ang mga Pilipino sa Pilipinas?
a. Dahil sa kakulangan ng Filipino Worker sa ibang bansa b. Dahil sa walang sapat na sahud sa ating bansa
c. Dahil sa inggit sa ibang Filipino nangibang bayan d. Dahil sa magandang magtrabaho sa ibang bansa
28. May nagtutulak ba sa mga OFW para lisanin ang sariling bayan?
a. Oo, dahil sa luho ng mga Filipino b. Oo, dahil kakulangan ng Filipino Worker sa ibang bansa
c. Oo, dahil sa inggit sa ibang Filipino c, Oo, dahil sa laki ng sahud sa ibang bansa.
29. Ano mang bagay na maaring maging “ basahin” isang gawain ng panitikan, ito ay tinatawag na?
a. teksto b. komiks c. aklat d.liham
30. Isang uri ng tektso na naglalahad ng mga kaisipan,pangangatwiran upang maipalabas ang sariling pananaw at damdamin.
a. Induksyon b. Argumentativ c. Deduksyon d. Persweysiv
31. Anong katangian ng pagpapahayag na tumutukoy sa bigat ng pahayag?
a. Makatotohanan b. Bisa c. Kalinawan Kaugnayan
32. Alin sa mga sumusunod na katangian ang nagtataglay ng isang Mabisang Pagpapahayag?
a. Kalinawan sa paggamit ng mga salita sa isang pahayag b. Kawili-wiling pahayag at may kaugnayan ang mga pangungusap
c. Makatotohanan, may katapatan at pagpapahalaga sa dignidad ng tao d. Detalyado ang boung pahayag
33. Ano ang tawag sa isang pagsasalaysay ng isang pangyayari sa isang nakaraan ,maaring nasa anyong pasulat o pasalita?
a. Paglalahad b.Pagsasalaysay c. Pagpapahayag d. Kaugnayan
34. Ito ay nagbibigay ng sapat na katibayan o katunayan sa isang panukala o paksa upang ito’y magiging kapani-paniwala.
a. Pangangatwiran b.Paglalarawan c. Paglalahad d. Pagsasalaysay
35. Saan sa mga pangungusap sa ibaba ang may kaugnayan sa paksang nabanggit. MODULAR DISTANCING.
a. Maaring gumagamit ng printed module na nasa digital format gaya ng cd, laptop
b. Maaring maituro at maipalabas sa telebisyon at mapakinggan sa radio
c. Maaring maituro ng mga guro gamit ang ibat ibang teknolohiya na may internet connection
d. Lahat ng nabanggit.
36. Isang malaking pamilya ng mga virus sa kasalukuyan na maaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit. a . Corona virus o Covid -19 b. Ebola c. Zika Virus d. Leptospirosis
37. Paano maiiwasan ang covid 19 sa ating pamayanan?
a. pagsuot ng face mask b. pagsunod sa 1 meter social distancing c. paghugas ng kamay d. Lahat ng binanggit
38. Ang corona virus ay maaring masagap sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa taong________.
a. may lagnat b. may positibo sa virus c. may ubo d. may sipon
39. Ayon sa World Health Organization ang Corona Virus ay nagmula sa _________.
a. Wuhan China b. Hongkong c. Italy d. U.S
40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may mabisang pamamaraan sa pagpapahayag?
a. Malaki ang butas ng ating bubong kaya tumutulo
b. Walang pasok tuwing araw ng lingo
c. May sakit sa baga ang taong mahilig sa matatamis
d. Sa manga nanggaling ang asukal

You might also like