Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KWENTONG BAYAN

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si
Maria.Masipag siya at
masigla. Masaya at matalino
rin siya. Ano pa't masasabing
isa na siyang ulirang dalaga,
kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap
siya. Lagi na lamang siyang
nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap
nang gising. Dahil dito,
nakilala siya sa tawag na
Mariang Mapangarapin. Hindi
naman nagalit si Maria bagkos
pa ngang ikinatuwa pa yata niya
ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang


dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti
ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya
sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom
ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng
pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang
pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na


nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang
itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni
Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa
loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa
kanyang pangarap. At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing
manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang
araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang
dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si
Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos,
bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at
saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria
ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria


sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang
pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang
sunung-sunong.

You might also like