Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SAVELLA, YSAGANEE M.

BSCRIM 2-F

PAGDALUMAT NG SALITA NG TAON

Kaugnay na salita/ Konsepto

Fotobam:

1) Asungot

2) Paningit

3) Panira

4) Wala sa Lugar

Tokhang:

1) TokTok (Katok)

2) Hangyo (Pakiusap)

3) Pagpatay

4) One time Big time

KOMPARATIBONG ANALISIS NG MGA SALITA NG TAON

1. SALITA NG TAON: CANVASS

TAONG NAGWAGI: Gloria Macapagal- Arroyo

KAHULUGAN NG SALITA: Ang canvass ay pinakamahalagang pangyayari tuwing halalan ng


bansa. Ito ay dayaan sa botohan, maaaring sa pamamagitan ng "flying over", "Ghost over"
botanteng patay na, "Vote buying" at "dagdag bawas".

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Ang salitang canvass ay isang napapanahong salita


dahil sa dayaan ng halalan ng bansa.

KABULUHANG PANGLIPUNAN NG SALITA: Ayon kay David, dahil sa canvassing, maaari kang
manalo sa botohan at matalo sa canvassing.
2. SALITA NG TAON: HUWETENG

TAONG NAGWAGI: ROBERTO T. AÑONUEVO

KAHULUGAN NG SALITA: Ang salitang Huweteng ay isang sugal na nagagamit sa pagpundar at


pagpapalago ng ibat ibang negosyo, legal man o hindi. Sa salitang huweteng at iba pang lumang
salita na may ibang kahulugan sa mundo ng huweteng gaya ng "balato" "bangka" "kabo"
"jueteng lord" at iba pa.

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Nagmula ang huweteng sa taong mahilig sa mga


sugal dahil malaki ang epekto nito sa pamumuhay ng mga filipino sa aspektong pampolitika,
pang ekonomiya, at pang kultura.

KABULUHANG PANGLIPUNAN NG SALITA: Marami sa ating mga pilipino na mahilig sa huweteng


dahil isa itong malaking pundar sa atin kung mananalo. Legal man o hindi ay malaki rin ang
ambag sa ating pamumuhay, pinakikilos ng limpak limpak na salapi mula sa sugal na ito at ugat
ng mas malalim na katiwalian na nagsisimula sa indibidwal, sa pamilya, hanggang sa lipunang
filipino sa pangkalahatan.

3. SALITA NG TAON: LOBAT

TAONG NAGWAGI: JELSON CAPILOS

KAHULUGAN NG SALITA: Ang salitang lobat ay nakikita ito sa mga gadgets na nalolowbattery

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Ito ay termenolohiya na maaari natin maiugnay sa


pagdama ng pagod o antok

KABULUHANG PANGLIPUNAN NG SALITA: Ang lobat ay pwedeng pagpakitaan ng mga


sambayanang pilipino dahil pwede silang magtayo ng kanilang mga negosyo na batteryshop,
maraming nangangailangan ito lalo na't madali lang malowbat ang kanilang mga selpon at iba
pang pwedeng masaksakan ng battery. Umiiral parin ang lobat sa bokabularyong filipino kaya
masasabing lehitimo na itong bahagi ng wikang filipino.

4. SALITA NG TAON: MISKOL

TAONG NAGWAGI: ROMULO P. BAQUIRAN, JR.

KAHULUGAN NG SALITA: Ang salitang miskol ay may dalawang anyo, ang una ay bilang isang
pangalan na ginagamit sa sadyang pagdayal ng numero ng cellphone ng ibang tao na hindi
dapat sinasagot.
Ang ikalawang anyo ay bilang isang pandiwa na patunugin ang cellphone na kunwari
tumatawag o sadyang idayal ang numero at sadyang hindi sagutin ang tawag.

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Ang miskol sa pamamagitan ng etimolohiya ng salita


na ibig sabihin ay hindi na sagot na tawag at ang isa naman ay kung paano sya ginagamit ng
mga pilipino sa loob at labas ng cellphone.

KABULUHANG PANGLIPUNAN NG SALITA: Isang bagong kahulugan na tumutukoy sa isang


kamalayan sa panlipunang karanasan ng mga pinoy

5. SALITA NG TAON: JEJEMON

TAONG NAGWAGI: TOLENTINO (2011,7)

KAHULUGAN NG SALITA: Ang salitang jejemon usong usog wika mula sa pagtetext at marami
pang ibang natutungo na hindi bumabagay sa mga uso ngayon. Kakaiba ang mga istilo ng
pagsusulat ng mga salitang ang kayarian ay kakaiba. Tulad ng pagtetext ay "Eow poe" "Mustah
na?" At "Miz q nha u"

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Mula teknolohiya tungong politikal ang pagdulog ni


telentino, tinitingnan ang jejemon bilang isang repleksiyon ng umiiral na kalagayang politikal at
ekonomiko ng isang subkultura sa lipunan.

KABULUHANG PANLIPUNAN NG SALITA: Ang jejemon ay bumabase sa uri ng mga batang hindi
pa alam ang uso na ginagamit ngayon tulad ng mga suot ng tao at mga ugali nila sa pagtetext.
Ang jejemon ay nahuhuli dahil sa taon na yan ay naranasan ko rin maging jejemon at hindi
nakakasama sa tao dahil umaasenso ang mga kabataan at sumusunod na sa mga uso gawain
ngayon.

6. SALITA NG TAON: WANG WANG

TAONG NAGWAGI: PANGULONG B. AQUINO

KAHULUGAN NG SALITA: Ang salitang wangwang ay sagisag ng pamamahala ng kaluluklok na


pangulo ng pilipinas noong 2011 na si pnoy na lumalaban sa katiwalian at pang aabuso sa
kapangyarihan

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Nagmula ito sa kritiko laban sa diumanoy


kakulangan ng pamahalaan na labanan ang katiwalian

KABULUHANG PANLIPUNAN NG SALITA: Ang salitang ito ay para sa siguridad ng pamahalaan


para ito ay ligtas at walang umaabuso dahil ang mga makapangyarihan ay walang kinikilala na
maliliit na tao.
7. SALITA NG TAON: SELFIE

TAONG NAGWAGI: NOEL FERRER AT JOSE JAVIER REYES

KAHULUGAN NG SALITA: Ang pagkuha ng sariling larawan gamit ang selpon o webcam

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Kinilala ito sa wikang ingles at sa katunayan ay


itinanghal ding word of the year noong 2013 ng oxford dictionaries

KABULUHANG PANLIPUNAN NG SALITA: Ang selfie ay nagagamit ito sa pagkuha ng mga litrato
at pagkamakasarili dahil sa labis na pagtutok sa sarili at pagmamahal sa sarili. Nakikita rin ito sa
mga susunod na araw dahil nalalagay ang mga larawan bilang memories

8. SALITA NG TAON: FOTOBAM

TAONG NAGWAGI: MICHAEL CHARLESTON CHUA

KAHULUGAN NG SALITA: Fotobam ay hango sa salitang ingles na photobomb o ang pagsingit sa


litrato ng ibang tao

ETIMOLOHIYA O PINAGMULAN NG SALITA: Sumikat ang salitang ito noong 2016 dahil sa mga
protesta sa diumanoy pagsira sa vista ng munomento ni jose rizal sa luneta ng ginagawang
highrise na Torre de manila.

KABULUHANG PANLIPUNAN NG SALITA: Magiging ambag ang bagong baybay na fotobam sa


pagpapayaman ng wikang filipino hindi lamang bilang wika ng diskursong pang akademiko,
kundi bilang wika ng lang araw araw na buhay.

You might also like