Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 1
Pangsangay na Tanggapan ng mga Paaralan
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG LUNGSOD NG DAGUPAN
Tapuac, Lungsod ng Dagupan

IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 BLG. 1
P.T. 2020-2021

I. Paksang-aralin: PANGARAP, MITHIIN AT PAGPAPASYA

II. Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at
maligayang buhay. (EsP7PB-IVa-13.1)

III. Pagtatalakay sa Nilalaman ng Aralin:

Ang pagtatakda ng pangarap ay mahalaga sa bawat tao. Dahil dito, gaya ng nabanggit na, sinumang
nais magtagumpay sa buhay ay dapat maglaan ng oras sa pagbuo ng mga pangarap. Nakakatulong ang pagbuo
ng malinaw na mga pangarap upang mapili mo ang nais mong marating sa buhay. Kung matutukoy mo ang nais
mong marating, maibibigay mo rito ang buong lakas at atensiyon. Maisasagawa mo ang mga hakbang na dapat
gawin ng walang pag-aalinlangan.
Upang mailarawan at matukoy nang mabuti ang isang pangarap, ito ay kinakailangang sumusunod sa
pamantayan. Ang mga katangiang ito ay ginagamit maging sa pagtatakda ng mga layunin sa alinmang
propesyon.

1. Ang pangarap ay tiyak – ang isang pangarap ay dapat malinaw at madaling matukoy kung ano ang tunay
na nais mangyari sa isang tao.
2. Ang pangarap ay dapat na nasusukat – upang higit na maging epektibo ang pag-abot sa mga pangarap,
makakabuti na may konkretong batayan o pamantayan na magsasabi na kung magtatagumpay sa
pagtatamo nito.
3. Ang pangarap ay dapat makatotohanan – anumang pangarap na itinatakda ay kinakailangang malapit sa
katotohanan o may posibilidad na mangyari o maisakatuparan.
4. Ang pangarap ay dapat makabuluhan – ang pangarap na makabuluhan ay iyong may personal na kahulugan
para sa taong nagnanais nito.
5. Ang pangarap ay dapat may nakatakdang panahon – kung may nais abutin at mangyari ang isang tao,
mahalagang lagyan ito ng takdang panahon kung kalian niya ito nais makamit.
6. May angkop na kilos – anumang ganda ng pangarap, ito ay mawawalan ng kabuluhan kung walang angkop
na kilos o hakbang na kailangan upang maisagawa at maisakatuparan ito.

Ang pangarap ay ginagamit ng isang tao upang manatili siya sa anumang nais niyang makamit at anumang
nais niyang gawin. Upang makatiyak na magiging mas madali ang pagsasakatuparan ng mga ito, ang mga
katangian ay kinakailangang makita sa paglalahad nito.

IV. Aktuwal na Gawain

Gawain 1: Panaginip, Pantasya at Pangarap

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga larawan ang panaginip, pantasya at pangarap. Isulat sa malinis na papel
ang iyong sagot.

A. B. C.

D.

E. F.

DCNHSJHS-004-ESP-016
PT 2020-2021
Mga Tanong:
1. Ano ang nakita mo sa larawan?
2. Anu–ano ang pagkakatulad ng tatlo? Ano naman ang pagkakaiba ng mga ito?
3. Alin sa mga larawan ang magkakaroon ng katuparan? Ipaliwanag

Gawain 2: Mangarap ka!

Panuto: Basahin at unawain ang anekdota. Sagutin sa malinis nap ape ang mga tanong pagkatapos basahin
ang maiksing kwentong buhay.

DCNHSJHS-004-ESP-016
PT 2020-2021
DCNHSJHS-004-ESP-016
PT 2020-2021
Gawain 3: Pagtatakda ng sariling Mithiin

Panuto: Gamit ang mga paraan sa pagtatakda ng mithiin sa buhay, gumawa ng sariling pagtatakda ng iyong
mga mithiin sa buhay, maaaring magpokus sa kursong nais makamit sa hinaharap. Gawin ito sa isang malinis
na papel.

TIYAK – Anong kurso ang nais mong makamit/matapos sa hinaharap? Ipaliwanag


________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

NASUSUKAT – Sapat ba ang iyong kakayahan at talino upang kunin ang kursong ito? Ipaliwanag
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

NAAABOT – Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot at mapanghamon. Kaya mo ba itong abutin? Ipaliwanag
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

ANGKOP – Mahalaga ba ang kursong ito para sa iyo? Ipaliwanag


________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

MABIBIGYAN NG SAPAT NA PANAHON – Isipin mo kung gaano katagal mo kayang matupad ang iyong mithiin.
Ipaliwanag
________________________________________________________________________________________________

MAY ANGKOP NA KILOS – Kaya mo ba itong gawin? Anong mga katangian ang taglay mo para matapos ang kursong
ito? Ipaliwanag
________________________________________________________________________________________________

References for the pictures used in Gawain 1…


https://www.gograph.com/clipart/cartoon-child-dreaming-gg60068076.html
https://www.bigstockphoto.com/image-395410418/stock-vector-cartoon-illustration-of-sleeping-young-girl-dreaming-about-defeating-the-dragon
https://makabagongtakigrapa.files.wordpress.com/2015/10/beautyandthebeast.jpg
https://www.teenvogue.com/story/the-little-mermaid-lessons-30-years-later
https://lovepik.com/image-401730976/childhood-dream-nurse.html
https://sa.lovepik.com/image-401730980/childhood-dream-little-painter.html

Inihanda ng mga Guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao 7

DCNHSJHS-004-ESP-016
PT 2020-2021

You might also like