A1 Katuturan NG Wika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University

(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
Tel/Fax No.: (047) 811-1683
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGKAGURUAN

Pagtalakay sa Kurso
Pamagat ng Kurso: MAJOR 7 – UGNAYAN NG WIKA, KULTURA, AT
LIPUNAN

Bilang ng Yunit: 3 yunit

Deskripsyon ng Kurso: Sumasaklaw sa malalim na

kabatiran sa kahalagahan ng ugnayan ng wika, kultura, at
lipunan na nagpapalakas at nagpapatibay ng pagka-Pilipino
na makatutulong sa makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.

PANGKALAHATANG LAYUNIN:

1. Nakapag-iisip sa wikang Filipino bilang pananaw mundo

at nasusuri ang ugnayan ng wikang Filipino sa kultura
at lipunan sa konteksto ng mga pagbabagong lokal at
global.

2. Nakapagpapaliwanag ng konsepto, kasaysayan, at halaga

ng wikang Filipino.

3. Nakapagsusuri ng iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng wika

at kultura tungo sa paglikha ng diskurso at pagbuo ng
pananaw-mundo.

4. Nakalilikha ng proyekto o pag-aaral sa iba’t ibang

disiplina gamit ang lawak at lalim ng wikang Filipino.

5. Nakabubuo ng indibidwal o kolektibong pagsusuri,

pagpapasya, pagpaplano, at pagkilos para sa paguswag ng
wikang Filipino.

6. Nalalaman ang mahalagang kaugnayan ng Wika, Kultura, at

Lipunan.

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 1

PAGSASANAY

PANUTO: Ipaliwanag ng komprehensibo sa pamamagitan ng hindi

bababa sa tatlong talata na binubuo ng hindi bababa sa
limang pangungusap bawat talata. Isulat ang sagot sa
sagutang papel na inilaan sa ibaba. Ang puntos ay ibabatay
sa rubriks na nakalakip sa ibaba.

1. Ipaliwanag kung ano ang kaugnayan ng wika, kultura, at

lipunan. Paano nakaaapekto ang mga ito sa bawat isa?
Ipaliwanag.
_________________________________________________________

________________________________________________________.

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 2

ANTAS
PAMANTAYAN Kahanga- Pagbutihin
Mahusay Magaling (10-
hanga (20- pa (5 Marka
(15-11) 6)
16) pababa)
Ang
kalinisan
Ang May kaunting
Nilalaman ay nakita Walang
nilalaman bura sa
40% sa kabuuan kabuluhan at
ng sanaysay sanaysay
(Kalinisan ng sanaysay kalinisang
ay gayundin ang
at gayundin nakita sa
makabuluha nilalaman ay
Kahalagahan) ang sanaysay
n at hindi gaanong
nilalaman
malinis makabuluhan
ay
makabuluhan
Pagkamalikha Ang Kabuuan Ilan sa mga Walang
Ang
in 30 ng sanaysay salitang pagkamalikh
sanaysay ay
%(Disenyo at ay makulay, ginamit ay aing nakita
masining at
kagamitan) masining at karaniwan na sa paggawa
natatangi
natatangi ng sanaysay
Ang ginamit Ang istilo Walang
Istilo 20 % na istilo sda Ilan sa mga kalinawan at
(Pagsulat) ay malinaw, pagsulat ay salita ay pagkamalikh
masining at malinaw at hindi malinaw ain ang
nababasa nababasa nakita
Ang Kabuuan Karamihan Walang
Ilan sa
Tema 10 % ng sanaysay sa kaisahan at
nilalaman ay
(Kaisahan) ay may nilalaman kaugnayan sa
hindi kaugnay
kaisahan at ay kaugnay tema ang
sa tema
kaugnayan sa tema nilalaman
KABUUAN

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 3

Aralin 1: Intruduksyon sa Wikang Filipino

MGA LAYUNIN:

1. Nalalaman ang kahulugan ng wika.

2. Napahahalagahan ang wika sa iba’t ibang aspekto.
3. Nakapagbabahagi ng saloobin tungkol sa pinagmulan ng
wika sa daigdig.
4. Nakapagbbigay ng mga halimbawa na nagagamit ang mga
tungkulin ng wika.
5. Nakasusulat ng sanaysay gamit ang dayalekto.
6. Naipaliliwanag ang tulong ng monolinggwalismo,
bilinggwalismo, at multilinggwalismo sa pagtuturo.

PANIMULA

Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na

angkop ang wika sa kultura? Bakit walang wikang superyor
sa ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at kultura? At
gaano bang kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura?
Paano ito mapapahalagahan?

Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng wika sa

buhay ng tao? Ang bawat nilikha ay naghahangad na magkaroon
ng kahusayan sa wika. Ito ay isang mahalagang kasangkapan
upang maipahayag ng tao ang kanyang damdamin at kaisipan.

Ang kakayahan sa paggamit nito na nasasalig sa isipan,

damdamin at kilos ng tao ay resulta ng isang dinamikong
prosesong bunga ng kanyang karanasan, kabiguan, tagumpay,
pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap at
mithiin.

Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon

sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at
nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba.
Dahil sa wika nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapwa
ng bisang dala ng pagbabago sa kultura at kabihasnan.

Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y totoong

napakakomplikado at tunay na may kapangyarihan? Ang
kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 4

nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na
nagbabago.

Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng

Diyos sa tao ay ang wika. Ito ang kasangkapan upang
maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang iniisip,
nadarama at nakikita tungkol sa kanyang paligid.

KATUTURAN NG WIKA

Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong

ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makapag-
ugnayan sa isa’t isa (Sapir, 1949).

Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa

pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa
ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
http://gabayngwika.blogspot.com/2008/05/ano-ba-ang-wika.html

Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na

pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura. (Gleason)

KAHALAGAHAN NG WIKA

Ang wika bilang daluyan ng komunikasyon, mahalagang malaman

ang iba’t ibang kahalagahan ng wika sa ating pamumuhay.

 Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming aspekto ng

buhay ng tao.
 Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng
lipunan.
 Ang wika ay sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.
 Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa
Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.
 Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa
pamamagitan ng paggamit ng wika.
 Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang
gustong ipahiwatig ng ating kapwa.
 Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at
nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi
pati na rin sa mga karatig bansa nito.
 Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan.
 Sumasalamin at nagpapaunlad sa kultura ng isang bansa.

KATANGIAN NG WIKA

May masistemang balangkas - dahil ito ay binubuo ng mga

makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng
mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na
nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 5

Sinasalitang tunog - dahil ito ay binubuo ng mga tunog.
Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama
ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita.

Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan -

Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na
komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi
sa bawat wika.

Arbitraryo - Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga

gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay],
bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag
nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang
[house] sa Ingles.

Ang wika ay pantao – Tao lamang ang nagtataglay ng mga

bahaging ginagamit sa pagsasalita at pagbuo ng mga tunog
pangwika. Magkaiba ang wikang pantao at panghayop.

Buhay at Dinamiko – Ang wika ay patuloy na nagbabago at

umuunlad.

Lahat ng wika at nanghihiram – upang matugunan ang

kakulangan ng wikang Filipino, nanghihiram ng mga wikang banyaga
upang makatulong sa pagpapalago nito.

Ang wika ay malikhain – Nakabubuo ng iba’t ibang anyo at

uri ng pahayag sa kanilang pakikipagtalastasan. Nagagamit din
ito sa paggawa ng iba’t ibang anyo ng panitikan.

Ang wika ay likas na katutubo - kasabay ito ng tao sa

pagsilang sa mundo.

Ang wika at kultura ay palaging magkabuhol – Tulad ng

salitang malong, wala itong katumbas sa tagalog, tanging
kulturang Muslim lamang ang may ganito.

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

Lumang Tipan – Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang

ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan
ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-
ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas
na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya
sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang
tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na
magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)

Bagong Tipan – Speaking in tongues, Ito naman ay hango

sa Bagong Tipan na nagsasabing sa pamamagitan ng biyayang

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 6

Espirito Santo, natuto ang mga apostol ng mga wikang hindi
nila nilalaman.

PANINIWALANG NAGMULA SA PILOSOPO AT SIYENTISTA

Teoryang Bow-wow - Sinasabi sa teoryang ito na ang unang

wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog
na nalilikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, huni ng ibon,
tilaok ng manok at iba pa. Bunga ito ng kakulangan ng kaalaman
sa mga salita ng mga primitibong tao noon kaya kahit paano,
nakatulong ang mga tunog na naririnig mula sa iba’t ibang hayop
sa paglikha ng sarili nilang wika.

Teoryang Ding-dong - Maliban sa mga tunog ng hayop, ang

mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na
pinaniniwalaang may sariling tunog, gaya halimbawa ng pagtunog
ng kampana, ay nakatulong din sa mga sinaunang tao sa paglikha
ng wika. Ang tunog ng kampana ay nagbabadya ng iba’t ibang
mensaheng nais iparating sa mga nakikinig.

Teoryang Yum-yum - Sinasabi ng teoryang ito na naunang

sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang
panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais
sabihin. Patunay nito, lagi nating naipagsasabay ang pagtango sa
pagsasabi ng afirmativ na salitang tulad ng oo, opo o kaya sige.
Pag-iling naman ang kasabay ng mga negativ na tulad ng hindi o
ayaw. Subukin kaya nating baligtarin? Magsalita ka ng hindi sabay
sa pagtango, at oo naman sabay sa pag-iling. Kapansin-pansin ang
kawalan ng koordinasyon.

Teoryang Ta-ta - Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro

sa musika. Ang ta-ta (wikang Pranses), ibig sabihin ay
paalam.

Teoryang Pooh-Pooh - Batay sa teoryang ito, ang unang mga

salita na namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga salitang
nagsasaad ng matinding damdamin o bunga ng silakbo ng damdamin
gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at
pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga
ang tao kapag sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot.

Teoryang Yo-he –ho - Nalikha dahil sa pwersang gamit.

Nakakalikha ang tao ng tunog kapag may ginagawang kahit na anong
bagay. Hal; pagbubunot ng sahig, pagpihit ng turnilyo.

Teoryang Tara-Boom-De-Ay - Ang mga tao ay natutong humabi

ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang
ginagawa. Ang mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw,
sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang
pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 7

PAGSASANAY

PANUTO: Ipaliwanag ng komprehensibo sa pamamagitan ng hindi

bababa sa limang pangungusap bawat bilang. Isulat ang sagot
sa sagutang papel na inilaan sa ibaba. Ang puntos ay
ibabatay sa rubriks na nakalakip sa unang pagsasanay.

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika sa mga sumusunod na

aspekto:
Mag-aaral
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Guro

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 8

2. Maliban sa mga nabanggit na katangian ng wika sa itaas,
magbigay ng isang katangian ng wika at ipaliwanag.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

3. Batay sa mga nabanggit na pinagmulan ng wika sa daigdig,

alin sa mga ito ang pinaniniwalaan mo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

4. Sa iyong palagay nakatutulong ba sa isang bansa ang

pagkakaroon ng madaming wika sa pag-unlad nito?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 9

ANIM NA ANTAS NG WIKA

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng

tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan,
lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

Ang wika ay mayroong anim na antas. Ito ay ang mga sumusunod:

Bulgar – Mga salitang ginagamit na di gaanong tanggap ng

lipunang Pilipino tulad ng kalaswaan at pagmumura.

Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng

mga salitang kanto at gay lingo na sumusulpot sa kapaligiran /
ginagamit sa lansangan.

Kolokyal - ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao

ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong salita
ay natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang
mapabilis ang daloy ng komunikasyon tulad ng meron, dalwa, pano
at may kombinasyon naman ng panlaping Filipino at salitang ugat
na Ingles tulad ng mag-enjoy at i-eksport.

Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang mga salitang

katutubo sa lalawigan.

Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng

buong bansa. Ito ay isang wika na natatanging kinakatawan ang
pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga salitang
ito ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla.
Ito rin ang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan.

Pampanitikan – Ito ang antas na may pinakamayamang uri.

Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang
kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema,
at punto ay ginagamit sa pampanitikan.

TUNGKULIN/GAMIT NG WIKA

Maraming mga layunin ang isang tao sa paggamit niya ng wika

sa pagpaphayag ayon sa nais makamit sa proseso ng
pakikipagkomunikasyo. Upang maging kapaki-pakinabang ang
paggamit ng wika, mabuting pag-aralan ang mga sumusunod na
tungkulin o gamit ng wika ayon sa mga dalubhasa.

Bakit kailangang pag-aralan?

 Upang matukoy ang mahahalagang gampanin ng wika sa ating

buhay at kung paano na mabisang magagamit ito sa iba’t
ibang angkop na sitwasyon.
 Upang magkaroon ng sapat na kakayahang magamit ang wika.
 Upang magamit para sa iba’t ibang larangan ng pakikipag-
ugnayan o mabisang komunikasyon.

Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon

ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 10

katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating
pag-iisip maging ang ating paguugali. Naglahad sina Michael A.K.
Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang
gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos
o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.

Ayon kay Michael A.K. Halliday (1973) mula sa kanyang

Explorations in the Function of Language. Nagbigay siya ng pitong
tungkulin ng wika na liliwanagin sa mga sumusunod na maikling
paglalahad.

Personal - Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw,

opinyon at maging personalidad ng isang indibidwal. Sakop nito
ang mga bulalas ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit
at tuwa. Maging ang pagmumura ay maituturing sa uri ito, kung
kaya, ang ganitong gamit ay nasa ilalim ng alinman sa formal at
informal na talakayan.

Hal: Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?

Yahoooooooo!
Nhelo: Balato naman diyan!

Imahinatibo - Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat

sa pagsulat o pagbigkas ng mga akdang pampanitikan. Malikhain
ang tunguhin nito kung kaya karaniwan nang mapapansin ito sa mga
gawang masining o estetiko. Sa pasulat o pasalita man, nagagamit
ito sa mga tula, awit, kuwento at iba pang nangangailangan ng
talinghaga.

Hal: Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang

genie, ano ang hihilingin mo sa kanya?
Christian: Siyempre, ang makalipad tulad ng isang ibon para
makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang buong
mundo.

Interaksyonal - Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa

dahilang sa pamamagitan nito, pinananatili ang mga relasyong
panlipunan. Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng
wastong pag-uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong
paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented
way). Halimbawa nito ay ang pagbati, pagpapaalam, pagbibiro,
panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp.

Hal: Sandy: Magandang umaga, aanyayahan sana kita na

pumunta sa aking kaarawan.
Abrey: magandang umaga din, makaaasa kang dadating ako.

Impormatibo/Representasyonal - Tulad ng ngalan nito,

ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang maipaalam
ang napakaraming katotohanan, datos at impormasyong hatid ng
mundo. Dahil dito, mas higit na pormal ang gamit na ito ng wika
lalo pa’t gamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pakitang-kuro,
pagbabalita o sa simpleng pag-uulat.

Hal: Dominic: Alam mo ba na nag salitang goodbye ay nagmula

sa pahayag na God be with ye?

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 11

Jaja: A, talaga?

Instrumental - Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para

mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang
pagalawin (manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran.
Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng
paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga
salita lamang katulad ng pagmumungkahi, panghihikayat,
pagbibigaypanuto, pag-uutos, pagpilit.

Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano

kita kamahal.
Jennifer: Ganun ba? Sige walang problema.

Regulatori - Gamit ng wika para alalayan ang mga

pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control).
Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang
pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na
ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang
pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon,
di-sumang-ayon at pag-alalay at pagabala (disrupt) sa gawa/
kilos ng iba. Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa
kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa
paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.

Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500

George: Naku saan kaya ako maaring umihi? Bawal pala dito.

Heyuristiko - Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit

ng mga kaalamang akademik at/o propesyonal. Upang kanyang
mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-eksperimento, magtanong at
sumagot, magbigay-kahulugan, makipagtalo at pumuna.

Hal: Gicko: Paano ba namamatay ang wika?

Nixan: Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim
sa pagbabago. Bawat wika sa mundo ay kinakailangang
makaaangkop sa pagbabago ng panahon, upang matuloy at
umunlad. Ang wikang Latin ay nisa rin sa halimabwa ng patay
na wika.

Ayon kay Roman Jakobson (2003), nagbigay siya ng anim na

tungkulin o gamir ng wika. Ito ang mga sumusunod.

 Kognitibo/ reperensyal/ Pangkaisipan - Pagpaparating ng

mensahe at impormasyon.
 Conative - Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa
pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.
 Emotive - Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin,
damdamin at emosyon.
 Phatic - pakikipagkapwa-tao
 Metalinggwal - paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga
layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan.
 Poetic - patula, paggamit ng wika para sa sariling
kapakanan.

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 12

PAGSASANAY

PANUTO: Gumawa ng tigdadalawang halimbawa na nagpapakita

ng iba’t ibang tungkulin ng wika na natalakay sa itaas.
Maaring gawing gabay ang mga halimbawa na nakalakip sa
paliwanag.

Personal
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
________________________________________________________.

Imahinatibo

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 13

Interaksyunal

Impormatibo/representasyunal

Regulatory

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 14

_________________________________________________________
________________________________________________________.

Instrumental

Heyuristiko

MGA SANGGUNIAN

San Juan et.al (2018) Piglas-Diwa: Kontekstwalisadong

Komunikasyon sa Filipino. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.

www.http//:taggolwika.com

Zapico, et.al (2018) Kontekstwalisadong Komunikasyon sa

Filipino. Malabon City: Jimczyville Publications.

Ugnayan ng Wika, Kultura, at Lipunan 15

You might also like