Professional Documents
Culture Documents
Output #3
Output #3
FILIPINO 10
SURING BASA
Ipinasa ni: Ipinasa kay:
Lara, Althea Louise C. Bb. Mischelle J. Mendoza
Taon at Antas:
Dec 12, 2021
Pagkilala sa May-akda:
Si Ernest Hemingway ay kilala bilang isang journalist at manunulat.
Noong 1954 ay nanalo sya ng Nobel Prize in Literature.
Si Ernest Hemingaway ay nakapagsulat ng pitong nobela, meron syang
anim na maiikling kwento at tatlong non-fiction.
Uri ng Panitikan:
Ang isinulat ni Ernest Hemingway na pinamagatang “Ang Matanda at ang
Dagat” ay isang uri ng nobelang pampanitikan. Ang nobela ay isang
mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katunggali sa kabila. Ang katangian ng nobela ay ang
maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tao at kaisipan, pumupuna sa
lahat ng mga larangan ng buhay, dapat maging malikhain at maguni-guni
ang paglalahad, pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito
nagiging kawili-wili, kailnangan isaalang-alang ang ukol sa
kaasalan,maraming ligaw na tagpo at kaganapan, ang balangkas ng mga
pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari, malinis at maayos
ang pagkakasulat, maraming magagandang tagpuan na kung saan mas
nakikilala pa ang mga tauhan ng lubusan.
Layunin ng May-akda:
Ang layunin ng nobela na isinulat ni Ernest Hemingway ay makapagbigay
inspirasyon sa mga taong may pinagdadaanan, maliit man o matinding
pagsubok sa buhay. Layunin din ng may akda na mapaikita na habang
buhay ang isang tao ay mayroong pag asa na makayanan ang bawat
suliranin sa buhay at makakamtan ang bawat mithiin.
Tema at Paksa:
Ang Tema o Paksa sa Ang Matanda At Ang Dagat ay ang hindi pagkawala
ng pag-asa. Sapagkat kahit si Santiago ay matanda na at inaabot ng
kamalasan sa kanyang pangingisda, siya ay hindi nawalan ng pag-asa.
Patuloy pa din ang pakikipaglaban niya sa buhay, patuloy pa din sa kanya
ang buhay bilang isang mangingisda. Isang aral na inilahad ng kwentong
ito ay nagpapakita ng pakikipagsapalaran sa buhay. Maihahambing ito sa
pang-arawang gawain ng lahat sapagkat naitaguyog ang sarili sa kabila ng
labis na pagsubok na dumating.
Tunggalian:
Nang makabalik na sa pangingisda muli si Santiago, nakahuli siya ng
malaking Marlin ngunit sa sobrang laki nito ay nilabanan niya pa ang
lakas ng isda at nagkaroon ng dugo na nakakuha ng atensyon ng mga
pating.
Kasukdulan:
Nang maamoy ng mga pating ang dugo ng marlin, inatake rin nito ang
bangka ni Santiago na kaniya rin nilabanan nang puspusan. Pagtapos
matalo ni Santiago ang mga pating, wala na ang laman ng marlin kaya
hinayaan niya na lamang ito sa kaniyang bangka na puno ng dugo at
iniwan ang buto doon.
Kakalasan:
Diretso bumalik si Santiago sa kaniyang bahay kubo dahil sa kaniyang
pagod. Natagpuan naman ng mga kapwa mangingisda ang bangka ni
Santiago na may dugo at buto kaya nag alala ang mga ito at inakala na
may nangyaring masama kay Santiago.
Wakas:
Nang mabalitaan ito ni Manolin, agad niyang pinuntahan ang kubo ni
Santiago at natagpuan na maayos naman ang palagay nito, agad na
pinagtimplahan ng kape.