PAN1 Act2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAN I- Learning Contract #2

Pag-unawa sa Paksa:
1. May pagkakatulad ba ang mga paksa o temang nakapaloob sa mga akda batay sa mga uri at
katangian ng mga ito? Pangatwiran.
- Oo dahil para sa sakin may kanya kanyang katangian mayroon ang akda, kaya
magkakaiba ang kanilang katangian.

2. Pumili ng tig-iisang anyo ng literaturang tuluyan at patula. Gumawa ng sariling halimbawa sa


mga ito.
SALAWIKAIN
Ang magandang asal ay kaban ng kayamanan.
- ang pagkakaroon ng maganda o mabuting asal ay maituturing na isang kayamanan. Ang
kabutihang-asal ay isang yamang dapat taglayin ng lahat ng nilalang dahil ito ay hindi
matutumbasan ng kahit ano mang bagay sa mundo. Hinahangaan at kinagigiliwan ang
mga taong may magandang asal dahil nagpapakita ito ng pagiging isang mabuting tao at
ang nangibabaw sa kanya ay ang paggawa ng mabuti para sa kanyang kapwa.

MAIKLING KWENTO

DAKILANG KAIBIGAN

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na


uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando. Napakarami ng kaaway at wala silang
kalaban-laban. Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na wala si Mando. Nag-alala siya para sa
kaibigan. May usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang kapitan para
magpaalam.

“Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa siya ng labanan.”

“Hindi maaari,” sabi ng kapitan. “Ayokong ipakipagsapalaran ang buhay mo sa isang taong
maaaring patay na.”

Alam ni Arman na mapanganib ang magbalik sa lugar ng labanan kaya ayaw siyang payagan.
Nang gumabi ay tumakas siya sa kanilang kampo. Gusto niyang balikan ang kanyang kaibigan.
Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya ito nakikita. Kung namantay ito sa labanan. Makita
man lang niya ang bangkay at mapanatag na siya.

Nang magbalik si Arman sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami siyang sinuong na
panganib. Galit na sinalubong siya ng kapitan.
“Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon, malamang na mamatay ka na rin dahil
sa mga sugat mo. Ano ang halaga ng ginawa mo, sabihin mo nga?” galit na tanong ng kapitan.

“Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya nalagutan ng hininga sa
aking kandungan, naibulong pa niya sa akin, utol, alam kong babalikan mo ako.”

Parang napahiya ang kapitan. Hindi na siya nakipagtalo pa, agad niyang ipinagamot si Arman sa
mga kasamahan nila. Naglakad-lakad siya sa paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya
makatulog. Naiisip niya ang kanyang kaibigan sa kanyang pangkat. Tulad ng kaibigan ni Arman,
hindi rin ito nakabalik sa kampo nang sila’y umurong. At hindi niya ito binalikan para hanapin.

3. Sumulat ng talambuhay sa saril

Sa kasalukuyan, hilig kung manoond ng telebisyon bilang pangtanggal umay. Madalas,


ako ay naglalaro sa aking cellphone ng mga paburito kung laro tulad ng CODM. Kadalasan kung
wala akong ginagawa, inaaya ko ang aking mga kaibigan na lumabas at magbike sa mga
malalayung lugar. Natutunan ko ding magkumpuni ng mga simpleng kagamitan sa bahay tulad
ng bentilador, gumawa ng simpleng wiring at iba pa. Sa mga simpleng natutunan ko na ito at
ginagamit ko ito minsan para may pagkuhanan ako ng sarili kong pera.

Nagsimula akong magaaral noong ako’y limang taong gulang sa Day Care Center sa
aming lugar at sa tulong na din ng aking magulang ay ginabayan nila ako hanngang akoy
matutong magbasa at magsulat. Ayon sa aking mga magulang, parati daw akong umiiyak kapag
ako ay pumapasok. Pag tungtungko ko sa elementarya, ako ay anim na taong gulang na. Nag aral
ako sa Kids Kollege Inc isang pribadong paaralan sa siyudad ng Laoag. Simula una hanggang sa
ikaanim na baitang, palagi akong nakakapasa sa mga pagsusulit at parating consistent sa aking
ranggo na palaging nasa gitna ng listahan hanngang ako ay nakapag tapos. Sa kabila nito ay
masaya padin ako sa aking sarili dahil sa mga extra-curricular award na nakuha ko noon dahil sa
pakikidalo sa mga iba't ibang mga aktibidad sa kamping na dinaluhan ko.

Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Junior High School sa Ilocos Norte College of
Art and Trades mula sa ika pito hanggang sa ika sampung baiting. Noong nasa ika pitong baiting
ako, pinalad akong mabilang sa unang seksyon sa paaralan. Dito ay nakilala ko ang mga
magagaling na magaaral mula sa ibat ibang paaralan. Simula niyan ay nagsikap akong magaral
upang masabayan ang talinong meron sila. Sinubukan ko rin ang aking liksi at lakas, sumasali ko
sa mga tryout sa mga palaro tulad ng basketball, soccer at sepak takraw. Noong nasa ikasampung
baitang, nakuha ako ng isang award na aking ipinagmamalaki. Ito ang unang parangal na kuha
ko sa yugto ng aking pagaaral. Pinarangal ako ng Golden Gear Award dahil sa galing na aking
ipinamalas sa aking TVE course. Sa INCAT nagkaroon ako maraming masasayag alaala, marami
akong nakilalang maituturing na kaibigan. Sa kagustohan ng aking mga magulang, ako ay
lumipat ng paaralan upang ipagpatuloy ang aking pagaaral sa Senior High School sa Divine
Word College of Laoag. Dito ay nakilala ko ang tunay kung mga kaibigan na sina Jurell,
Stephen, Marvin, Harvie at Chlowie. Parati kaming magkakasama, nagkwekwentuhan,
nagbabahagian ng kwento sa isat isa, nagtutulongan at hindi nag-iiwanan lalo na sa mga gawain.
Kasunod niyan ay nakilala ko din ang aking naging aking lakas at inspirasyon upang pumasok
araw-araw. Sa tulong nila, nahubog ako sa kung ano ako ngayon, sila ang nagsilbing tulay ko
dahil ako’y nakapagtapos ng aking SHS na may parangal at medalya na naka sabit sa akin.
Pagtungtung ko sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong BS Electrical Engineering upang
maipagpatuloy ko ang aking TVE course ko noon sa high school. Sa kasalukuyan, ako ay nasa
ikatlong taon ng pagaaral, pilit nagpupursigi sa kabila ng pandemyang tumama sa mundo
nagpapahirap sa tulad kong pursigido upang makamit ang pangarap.

       Sa pangkalahatan ng aking mga naging parangal sa buhay, masasabi kong ito ang naging
produkto ng aking paghihirap sa aking pag-aaral. Ito ang nagsilbing inspirasyon ko upang ako'y
gumawa ng mga bagay na nagbibigay sa akin ng mga kasiyahan at pagbibigay parangal sa aking
mga magulang at kamag-anak.
        Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang matutunan. Ito ang magbibigay sa akin
upang makamit ko ang aking mga pangarap para ako'y maging matagumpay, hindi lang sa aking
sarili, kundi rin sa aking kapwa.

You might also like