Pamilyang Nagtutulungan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

PAG-AARI NG PAMAHALAAN

HINDI IPINAGBIBILI

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG LUNGSOD NG JOSE DEL MONTE
San Ignacio St., Poblacion, City of San Jose del Monte 3023

Pamilyang
Nagtutulungan

Kwento ni: Rosalie I. Viray


Guhit ni: Erika Hannah M. Arma
Layout ni: Charlyn M. Corocoto
Preface

This Early Stage 2 (Level 2) book is one of the supplementary


reading materials written in Dumaget Bulos for Dumaget learners at
Sitio Inuman in the Schools Division of San Jose del Monte City in
Bulacan.
This storybook has 236 words. It portrays one of the everyday
situations of the community in the ancestral domain where the
learners belong.
Reading this story in their language will help the learners learn,
understand and appreciate their own culture.
Pamilyang
Nagtutulungan
Dumaget
Bulos

Copyright @ 2021
Department of
Education• San Jose
del Monte City
Magbubukang-liwayway pa
lamang sa tahanan ng pamilya
Tubon ay gising na ang mag-
asawang Ingga at Roger upang
maghanda ng agahan ng
kanilang pamilya.
Pagkatapos magluto ni
nanay Ingga ay ginigising na
niya ang apat niyang anak
upang sabay-sabay na
kumain ng agahan.
Pagkatapos kumain ay
umalis na ang mag-asawa
kasama ang dalawang anak na
lalaki na sina Pinong at Isko.
Habang ang nakababatang
kapatid na si Maring ay abala
na sa mga gawaing bahay at
pagbabantay sa naglalarong
tatlong gulang na bunsong
kapatid na si Gelay.
Habang masayang
nakasakay sa bangkang
walang katig at nangingisda
ang pamilyang Tubon ay
aksidenteng nahulog si Isko sa
malalim na bahagi ng ilog.
Sa kabila nang pagkagulat
ni Mang Roger ay alisto at
buong lakas niyang nilangoy
ang tubig upang sagipin ang
anak.
Nagpatuloy pa rin sila sa
pangingisda at sa pagtitiyaga
ay nakahuli sila ng maraming
isda bago magtanghali.
Pagkatapos mangisda ay
dumiretso sa pagyayantok sina
Tatay Roger at ang magkapatid,
samantalang umuwi na si Nanay
Ingga dala ang mga nahuling
isda. Magtatakip-silim na nang
magpasiyang umuwi ang mag-
aama dala ang ilang bigkis ng
mga yantok.
Namitas pa ng ilang hinog
na bunga ng Santol ang
magkapatid upang ipasalubong
sa kanilang bunso.
Malayo-layo pa ay natanaw
na ni Gelay ang dumarating
niyang ama at mga kuya.
Malugod niyang sinalubong
ang mga ito.
Pagkatapos kumain ay
sama-sama silang nanalangin
at nagpasalamat sa
makapangyarihang Diyos sa
pagpapala at pag-iingat sa
kanila.
A.Sagutin ang mga tanong.
1. Saan nangyari ang kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Sinu-sino ang magkakasama sa paghahanap-
buhay?
4. Ano ang ikinabubuhay ng pamilya?
5. Ano ang nangyari kay Isko habang nangingisda? 
6. Sino ang tumulong sa kaniya?
7. Ano ang ginawa pa nila Mang Roger pagkatapos
mangisda?
8. Ano ang ginawa ni Gelay ng Makita ang parating
na ama at mga kapatid?
9. Bakit masaya ang pamilya Tubon?
10. Ano ang ginagawa nila pagkatapos kumain ng
hapunan?

B. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa


pangyayari sa kuwento. Isulat ang 1-5 sa patlang
bago ang bilang.

__________ Pagkatapos magluto si Nanay Ingga


ay ginigising na niya ang apat na anak upang
sabay-sabay na kumain ng agahan.
__________ Magbubukang-liwayway pa lamang
ay maagang gumigising si Nanay Ingga upang
magluto.

__________ Habang masayang nakasakay sa


bangkang walang katig at nangingisda ang apat ay
aksidenteng nahulog si Isko sa malalim na bahagi
ng ilog

__________ Pagkatapos kumain ay sama-sama


nanalangin ang pamilya at nagpasalamat sa
makapangyarihang Diyos sa pagpapala at pag-
iingat sa kanila. 
__________ Pagkatapos mangisda ay dumiretso  sa
pagyayantok sina Tatay Roger at ang magkapatid
samantalang umuwi na si Nanay Ingga dala ang
mga nahuling isda . 

C. Sagutin ang tanong.


Ano ang mabuting-aral ang natutuhan mo sa
kuwentong binasa?
This material was contextualized by the Alternative Learning System (ALS)- IPED
Learning Resource Management Section (LRMS)

SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE DEL MONTE CITY

MERLINA P. CRUZ PhD, CESO VI


Officer-in-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ERICSON S. SABACAN EdD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

ROLANDO T. SOTELO DEM


Chief, Curriculum and Implementation Division

ANNALYN L. GERMAN EdD


Education Program Supervisor, LRMS

SENEN B. JANE
Education Program Supervisor, Alternative Learning System-IPED

ROSALIE I. VIRAY
Writer

ERIKA HANNAH M. ARMA


Illustrator

CHARLYN M. COROCOTO
Layout Artist

(NAME)
Language Evaluator

(NAME)
Layout Evaluator

You might also like