Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

CITY OF DREAMS MANILA

Isang Lakbay Sanaysay ni:

Oktubre 3, 2015, Nais kong balikan ang isa sa  aking hindi
malilimutang pangyayari sa aking buhay. Ang City of Dreams Manila ay
matatagpuan sa Entertainment City, Aseana Avenue corner Macapagal Ave,
Roxas Blvd, Parañaque, 1701 Metro Manila. Ito ay isang napakagandang
lokasyon na kung saan ay nagtatampok ng pang world-class na pasilidad at
serbisyo. Nagsasagawa sila ng mga akomodasyon at mga hakbangin upang
makapagbigay ng mas sustainable at eco-friendly na pag-travel. Ito ay isa
lamang sa aking mga napapanood sa telebisyon na aking ninanais na
puntahan. 

Sa hindi inaaasahang pag katataon ay may isang biyaya na dumating sa


amin na umayon sa panahon. Oktubre 3, 2015, nang mapuntahan namin ang
isang napakagandang lokasyon na talaga namang nakabibighani dahil sa
angkin nitong linis, laki, at ganda. Labis ang saya na aking nadama, sapagka’t
ito ay napapanood ko lamang at nakikita ko lamang sa mga telebisyon,
palabas, at social media. Nang makarating kami sa lugar na iyon ay
dumeretso na agad kami sa aming tutuluyang hotel na nag ngangalang “Nobu
Hotel”. Napaka elegante ng hotel na ito sa kadahilanang napakagaganda ng
mga palamuti, makabago ang mga teknolohiya, at talaga namang napakalinis
at maaliwalas ang lugar na ito. Apat na araw kaming lumagi sa Manila upang
maglaan ng oras sa pamilya at upang makapagsaya. Ang unang araw ay sa
nobu hotel na malapit sa casino at aming nilibot ang napakagandang pasyalan
dito. Ang pangalawang araw ay sa “Dream Play” na kung saan ay maraming
aktibidad na maari mong gawin tulad ng mga cooking lesson na kung saan
tuturuan ka mag masa at mag lagay ng disensyo sa iyong nagawang ginger
bread, maari ka ring mag parkour, wall climbing, at marami pang iba. Ang
pangatlong araw ay nagswimming kami, at pagkatapos ay bumalik muli kami
sa pasyalan upang kumain at mamili. Ang ika-apat na araw naman ay nag
check-in kami sa “ Hayatt Hotel” ito ay isa ring napakagandang hotel na
talaga namang nakabibighani. Huling araw na namin ito sa lugar na ito,
punong-puno ng ligaya at saya ang aking nadama.
Ngayon, ang mga larawang ito ay nagsisilbing memorya para sa akin,
sa bawat pagtingin ko sa mga larawang ito ay maaari ko muling maikwento
ng buo ang aking mga karanasan sa lugar na ito, kung ano ang aking
naramdamang tuwa, ligaya o saya, at kung anu-ano ang mga ala-alang nabuo
dito. Dalawang larawan, ngunit punong-puno ng malalalim na kahulugan, at
masasayang na ala-ala.

You might also like