Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Villanelle

Diyos Proteksyon Mo Aming Kailangan

Diyos namin na makapangyarihan


Kami humuhikbi at natatakot
Ama proteksyon mo aming kailangan

Laganap na ang mga kasawian


Krisis at gutom sa amin ay dulot
Sa pandemyang aming nararanasan

Marami nang mga matang luhaan


Lunasan ninyo sana aming lungkot
Ama proteksyon mo aming kailangan

Salamat kami hindi mo iniwan


Lakas namin sa iyo hinugot
Sa pandemyang aming nararanasan

Nananalig ito mawawakasan


Lahat ng pighati ay magagamot
Ama proteksyon mo aming kailangan

Mangingibabaw ang kapayapaan


Panalangin namin ay masasagot
Diyos namin na makapangyarihan
Ama proteksyon mo aming kailangan

You might also like