Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

John Hero Nocillado

Grade 10-Einstein

ESP-10

Ma'am Edna D. Barrameda

PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

a. Sa bawat paggising ko ay pinipili ko na magdasal muna bago bumangon at mag ayos.

b. Sa pagkabagsak ko sa isang asignatura pinipili ko na mas pagbutihan ang pag aaral ko para
mabawi ko ang aking mataas na grado.

c. Sa mga pagkakataong hindi ko gusto ang mga nangyayari sa aking paligid ay pinipili kong
mangialam sa mga bagay na dapat ay mabigyang pansin.

d. Kapag pinapagalitan ako ng aking magulang o guro ay pinipili kong manahimik at makinig sa
kanilang mga pangaral at humingi ng tawad sa nagawang kasalanan.

e. Kapag nakabasag ako ng gamit sa bahay ay pinipili kong magsabi ng totoo sa nangyari at
humingi ng tawad para sa bagay na nasira ko.

f. Kapag nagagalit ako ay pinipili kong manahimik at manalangin dahil hindi ko gusto ang aking
pagsasalita kapag nagagalit na ako.

KATANUNGAN

1. Para sa akin ay opo dahil hindi ako nakaramdam ng anumang panghihinayang o kalungkutan
at mas naging matalino ako sa pagdedesisyon na nagbunga ng magandang resulta.

SITWASYON#1

•Opo,  dahil mali ang mangopya para lamang magkaroon ng magandang iskor sa pagsusulit
kahit sa ESP lamang.

SITWASYON#2

•Hindi nalang po ako pupunta alinsunod po sa itinakdang community quarantine. Mahirap na


po ang magkaroon ng sakit dahil marami pa akong mahahawaan kung sakali. Hihingi nalang po
ako ng paumanhin sa kaniya na hindi po ako makakapunta para na rin po sa kaligtasan ng lahat.

PAGSUSURI

1. Opo
2. Hindi po para sakin dahil nagkasundo po ang aking isip at kilos loob sa iisang tunguhin. Wala
po akong naramdamang panghihinayang sa huli.

3. Tinitimbang ko po muna ang kalalabasan ng gagawin kong hakbang bago ito isagawa para po
wala akong maramdamang konsensya o panghihinayang kapag nagawa ko na po ito.

VI. PAGSASAPUSO

Gawain 1:

•Natutuhan ko po sa modyul na ito na nararapat nating kilalanin ang ating kahinaan sa


pagpapasiya dahil dahil lahat ng mga bagay ay kaya nating mapagpasiyahan ng tama. Ang isip
po natin ay mayroong limitasyon at nakararanas ng kakulangan sapagkat hindi ito kasing
perpekto ng Panginoon. Lahat tayo ay may kahinaan sa pagpapasiya. Ang katalinuhan ng isang
tao po ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ng pinag aralan bagkus kung paano po
natin ginagamit ang ating  kaalaman upang makapagbahagi at makatulong sa iba dahil ang
tunguhin po ng isip ay katotohanan.

•Natuklasan ko po sa aking sarili na may mga bagay na hindi ko po mapagdesisyunan ng


mabuti. May mga bagay po akong magagawa na hindi ko po napagdesisyunan ng maayos bago
isagawa dahil mayroon din po akong kahinaan. Lahat naman po tayo ay nagkakamali. Hindi
naman po batayan ng pagiging matalino ang pagiging perpekto sa desisyon na isasagawa dahil
natutunan ko po na hindi lamang sa dami at lawak ng nalalalaman nasusukat ang pagiging
matalino. Tumagos po sa aking puso na dapat po ay magkaisa ang isip at kilos loob po sa
pagsasagawa ng kabutihan para sa paghubog at ikauunlad ng ating mga sarili.

VII. PAGSASABUHAY

1. Ang safety protocols na hindi ko po mapagpasiyahan ay kung lalabas po ba ako ng bahay o


hindi. May mga pagkakataon po kasi na kailangan ko pong lumabas ng aming tahanan upang
sundin ang utos ng aking pamilya at siyempre bahagi na rin po ng aking kagustuhan na
makalabas man lang ng bahay dahil sa sobrang pagkabagot po. Nahihirapan po akong
magpasiya dahil hindi po nagkakasundo ang aking isipan at kilos loob. Yung tipong ayaw ko
pong gawin ngunit iba ang sinasabi ng aking katawan o ng aking kilos.

2. Ang pagtitimbang ko po sa mga bagay bagay bago ako magpasiya. Napaka importante po
para sa akin ng masusing pag iisip at pag uusap bago ako magdesisyon dahil para hindi po ako
makaramdam o maging tayo, ng anumang pagsisi sa huli. Isinasaalang alang ko po muna ang
kapakanan ng bawat panig bago magbitaw ng mga salita o magsagawa ng kilos para po maging
pantay ang lahat at upang masiguro ko pong may magandang maidudulot ang aking ginawang
pagpapasiya.

VIII. PAGTATAYA

Inuna ko ang pagseselpon kaysa gumawa ng aking mga takdang aralin at mga gawain
Hakbang 1: Isasabuhay ko ang konseptong "Learn how to prioritize"; uunahin ko muna ang mga
dapat kong gawin bago maglibang.

Hakbang 2: Itutuon ko ang buong atensiyon ko sa aking ginagawa hindi sa ibang bagay.

Hakbang 3: Pagsusumikapan kong tapusin ang aking mga gawain ng may pagmamahal at
pagtitiyaga.

Hakbang 4: Kapag natapos ko na ang aking mga takdang aralin at mga gawain, maari na akong
maglibang o magkaroon ng oras para sa aking sarili.

You might also like