Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isang biyayang lubos, na ikay makasama

Damang-dama naming lagi gabay mo at kalinga

Sa twing malayo sa pamilya, ikaw ang aming ina

Sa pangangailangan, nandyan ka’t di mawawala

Sa bawat paglugmok, ikaw ang humahango’

Dala mo ang lahat ng luha at saya;

Kung may problema man, sayo tumatakbo,

Sa lahat ng aming kwento ay nakikinig ka.

Kaya’t Sr. Nancy kung ika’y mamasdan,

Larawan ni Maria aming nasisilayan

Aruga ng isang nanay iyong pinaparamdam

Sa bawat kabataang iyong ina-alalayan.

Sa lipad ng mga pangarap kami’y iyong nadadala,

Pangarap na minsa’y tinangay ng dilim at nawala;

Ngunit muling nabuhay nang ika’y makilala

Nabigyan ng kulay at muling sumigla.

Buhay, Pangarap at Pamilya, sa ami’y iminulat,

Naging makabuluhan ang mga araw at oras;

Kapag nanghihina, mga katagang yan ang sandigan

Upang sarili’y palakasin at ang layunin ay balikan.

Salamat Sr. Nancy, dalangin namin ang inyong katatagan,

Ang pinili nyong buhay ay wag sanang pagsasawaan.

Kaming lahat na narito’y tagahanga nyong tunay

Pinatatag kami ng turo nyo sa pagharap sa buhay.

HAPPY GRATITUDE DAY!

You might also like