Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sariling Disaster/Risk Management Plan

Kung may itinuro sa atin ang kamakailang kasaysayan, ito ay ang mga natural na sakuna
o sakuna na dulot ng tao ay maaaring tumama anumang oras. Ang disaster/risk management
plan na ito ay gagabay sa akin at sa aking pamilya na manatiling ligtas, mabawasan ang mga
takot, pagkabalisa, at mga pinsala na dulot ng sakuna.

Mayroong dalawang uri ng panganib, ito ay ang natural hazard at human-induced


hazard.

Ano ang Natural Hazard?


- ito ay tumutukol sa mga sakuna o panganib na dulot ng kalikasan, na maaring
makapagdulot ng kapahaman sa mga tao

mga halimbawa:
 bagyo
 lindol
 tsunami
 pagputok ng bulkan
 pagbaha

Ano ang Human-Induced Hazard?


- Ito ay mga panganib na sanhi ng ginawa o mga hindi ginawa ng tao.

mga halimbawa:
 sunog
 landslide
 polusyon mula sa mga pabrika, atbp.

Mga Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng isang


Kalamidad

Mga numero na maaaring macontact:


 New Lucena Municipal Police Station - +63 (33) 330 3905
 New Lucena Fire Station - +63 (33) 330 0103
 New Lucena Rural Health Unit - +63 333300191
 Department of the Interior and Local Government - (033) 335 0465
BAGO
 Makinig sa radyo at manuod sa telebisyon para sa mga balita tungkol sa mga
sakuna kagaya ng bagyo, pagbaha, o pagputok ng bulkan.

 Maghanda ng Emergency Supply Kit:


- Gamot
- Pagkain na madaling buksan kagaya ng cup noodles, canned goods, atbp.
- Tubig
- Flashlight at mga baterya
- Radyo

 Ihanda ang isip - tanggapin natin na talagang nangyayari ang sakuna at posibleng
manganib ka at ang iyong pamilya.

Ang mga posibleng sakuna o kalamidad na maaaring tumama ay ang bagyo, paglindol,
pagbaha, at sunog.

o Kapag may bagyo:


 Suriin ang integridad ng bahay at ayusin ang mga marurupok na bahagi.
 Kapag naabisuhan, pumunta kaagad sa itinalagang evacuation center.
 Huwag magpadalos-dalos.

o Kapag may lindol:


 Siguraduhing matibay ang bahay at ang mga kagamitan ay nakakabit ng
maayos.
 Makilahok sa mga earthquake drills.
 Huwag ilagay ang mga babasagin na kagamitan sa mataas na lugar.
 Ugaliing isara ang tangke ng gas pagkatapos itong gamitin.

o Kapag may pagbaha:


 Makilahok sa mga flood preparedness drills sa komunidad.
 Bago mag-evacuate, siguraduhing nakapatay ang mga kuryente, tubig, at tanke
ng LPG.
 Agad na lumikas sa mataas na lugar kapag sinabihan ng mga awtoridad.
 Palaging makinig sa mga balita para sa mga update, babala, at payo.

o Kapag may sunog:


 Turuan ang mga bata na huwag paglaruan ang apoy at ipalayo sa kanila ang
mga bagay na maaaring magdulot ng apoy.
 Kung maaari ay magkaroon ng fire extinguisher sa bahay.
 Makilahok sa mga fire drill na ipinapatupad ng pamahalaan.
 Siguraduhin palagi na walang may mga naiwan na kagamitan na nakasaksak
bago matulog o umalis ng bahay at walang mga kandila na napabayaan.

HABANG
o Bagyo:
 Manatiling kalmado. Huwag mag-panik.
 Manatili sa loob ng bahay at makinig sa mga balita.
 Patayin ang main switch at water valve.
 Huwag lumapit sa mga babasagin na bintana.

o Lindol:
 Maging mahinahon.
 Gawin ang Duck, Cover, and Hold.
 Umiwas sa mga babasaging bagay, mabibigat, at maaaring mabagsak.
 Kapag nasa labas – lumayo sa mga poste, puno, at gusali na maaaring
bumagsak.
 Kapag nagmamaneho – huminto at itabi ang sasakyan.

o Pagbaha:
 Manatili sa loob ng bahay at tumtutok sa mga balita.
 Huwag hawakan ang mga electrical equipment kapag basa.
 Huwag lumakas, lumangoy, o mag drive sa mga babahaing lugar.

o Sunog:
 Manatiling kalmado.
 Agad na umalis sa bahay kapag ito’y nagliliyab na.
 SIguraduhing nakasirado ang mga pintuan upang mapigilan ang pagkalat ng
sunog. (Bago kaptan ang pintuan, alamin muna kung ito ay mainit. Kapag ito’y
mainit huwag itong buksan)
 Tumawag kaagad ng bumbero.
 Takpan ang ilong at gumapang papunta sa ligtas na lugar kapag makapal ang
usok.
 Kapag umaapoy ang damit, tumigil sa pagtakbo, dumapa at magpagulong-
gulong hanggang maapula ang apoy.

PAGKATAPOS
o Bagyo:
 Manatiling alerto at maging maingat.
 Hintayin ang mga awtoridad na deklarahin na ligtas na umuwi.
 Umiwas sa mga natumbang kahoy, imprastraktura, at poste.
 Suriin at ayusin ang mga nasirang bahagi ng bahay.
 Itapon ang mga tubig-ulan sa mga lata upang hindi pamahayan ng mga lamok.

o Lindol:
 Lumabas sa bahay at pumunta sa open space.
 Huwag muna pumasok sa mga nasirang gusali.
 Suriin ang sarili, pamilya, at kapamilya.
 Kapag ligtas nang bumalik sa bahay, suriing mabuti ang linya ng tubig at
kuryente.
 Manatiling alerto para sa mga posibleng AFTERSHOCKS.

o Pagbaha:
 Umalis lamang sa evacuation center kapag sinabi ng mga awtoridad na ligtas
nang umuwi.
 Iulat sa mga awtoridad ang mga nahulog na kahoy at poste ng kuryente.
 Suriin kung may basa o nakalubog na mga saksakan at kagamitan bago buksan
ang kuryente.
 Siguraduhin na ang mga pagkain o tubig na iniinom ay kontaminado ng tubig-
baha.

o Sunog:
 Huwag muna bumalik ng bahay hanggat wala pang abiso ang kinauukulan.
 Ipasuri ang sarili at ang pamilya kung nasugatan o nasaktan.
 Tiyakin na nainspeksyon ng mga kinauukulan ang bahay o lugar kung saan
naganap ang sunog.
 Alisin ang mga bagay na maaaring magdulot pa ng karagdagang pinsala kagaya
ng mga basag na bubog o pira-pirasong kahoy, atbp.

Palagi nating tandaan na ang ating kaligtasan ay ang ating tungkulin.


Maging handa at huwag magpanic upang malaman at makapag-isip kung ano ang kailangang
gawin sa mga sitwasyong ito.

Ang kahandaan ay isang mabisang sandata upang makaya ang mga


hamong darating sa atin, mapamahalaan ang mga sakuna, at mabawasan ang mga panganib na
maaaring maidulot nito sa atin at sa pamilya natin.

You might also like