Mitolohiya ng UTE Indians Sa isang malayong lugar ay may mahirap na matandang mag asawa hindi sila makakuha ng sapat nap ag kain at wala rin sila ng aanak kaya’t wala silang makatulong s paghahanap ng kanilang makakain. Dahil sa kagutuman, lumabas ang matandang lalaki upang magbaka sakali sa daan ay nakakita ng kawan ng buffalo sinundan niya ang bakas hanggang sa lugar kung saan huminto ang kawan. Tanging namuong dugo lamang ang kanyang natagpuan, hinubad niya ang kanyang kamiseta at binalot ang namuong dugo. Nang gabing iyon nagpakulo ng tubig ang matandang babae at inihulog ang namumuong dugo sa kaldero subalit bago pa kumulo ang tubig ay nakarinig silang magasawa ng iyak ng isang sanggol na lalaki mula sa loob ng kaldero. Kinuha niya ang sanggol at pinatuyo sa kaniyang bisig at inari nila ito bilang tunay na anak. Napansin ng magasawa ang mabilis na paglaki ng bata sa loob lamang ng ilang araw. Nagulat ang matandang lalaki sa kanyang natuklasan, napakahusay ng bata sa pagpana. Sinabi niya sa matandang babae na bihasang mangangaso ang kanilang anak at nais niyang utusan ito upang kumuha ng kanilang makakain. Kinabukasan, inutusan ng matandang lalaki ang batang mangaso mabilis at nananabik pang tumalima ito sa utos ng ama. Hindi naglaon ay bumalik siyang may dala-dalang hayop na mas malaki sa daga. Niluto nila ito at kinain. Kinabukasan, muling nangaso ang bata at nakapaguwi ng kuneho na siya nilang ipinanghapunan. Ganoon muli ang ginawa ng bata ng sumunod na mga araw at nakahuli naman siya ng mga hayop gaya ng badger, usa, elk, at marami pang iba na ginawa nilang pagkain. Lumipas ang mga araw at naging ganap na binata ang ampon ng mag-asawa. Nais niyang bumisita sa isang lugar kung saan maraming tao ngunit bago siya umalis ay tiniyak niyang may sapat na pagkain ang kinalakhang mga magulang hanggang sa mga huling sansali ng buhay ng mga ito. Makalipas ang ilang araw na paglalakbay, napadpad siya sa isang tribu. Nakaharap niya ang pinuno at matapat niyang sinabing hinahanap niya ang kanyang kalahi ngunit hindi niya alam kung saan siya nagmula. Sa habag ng pinuno ay kinupkop siya’t hinayaang mamalagi sa kanyang tribu. Hindi naglaon ay umibig ang binate sa anak na dalaga ng pinuno. Dahil sa angking kagalingan sa pangangaso, pinahintukutan siya ng pinunong makasal sa dalaga. Isang gabi, sinabi ng lalaki sa buong tribu na may malaking bagyong parating. Ibinilin niyang itali nang mahigpit ang kanilang mga tepee. Kinaumagahan, nakita nilang may mga patay na buffalo sa harapan ng bawat tepee. Noon napagtanto ng lalaki na siya ay bahagi ng tribu ng buffalo ngunit labis niyang mahal ang kanyang asawa kaya’t ibinilin niya na upang manatili sa piling nito, hindi dapat bigkasin ang mga katagang bisirong buffalo. Pagkalipas ng ilang linggo, habang naghahanda ang mga tao sa paghuhuling buffalo, sa labis na kasabikan sa gawain, nakalimutan ng babae ang tagubilin ng kanyang asawa. Malakas itong sumigsw ng “Pataying ang bisirong buffalo!” Kagyat ay tumalilis ang lalaki palayo sa tribu, nagpapalit-anyong buffalo habang tumatakbo. Tinawag siya ng asawa upang bumalik ngunit hindi na siya lumingon. Namuhay siya sa mga nalalabi niyang araw kapiling ang kanyang kauri—ang mga buffalo.