Professional Documents
Culture Documents
Ang Pagtuturo Na Batay Sa Mga Simulain
Ang Pagtuturo Na Batay Sa Mga Simulain
5. Simulaing Sosyo-kultural
Ang wika aay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Sina
Gumperz (1970), Widdowson (1977) at Wilkins (1976) ay kaisa sa paniniwala na
mahalagang magkaroon ng mga kaalamang kultura upang maunawaan at
mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap. Kaya’t tungkulin ng guro na
ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga karanasang
pangkultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapagyaman ito sa kultura ng
mga taong gumagamit ng target na wika.
6. Simulain ng Kamalayan
Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay na pagkakataon sa mag-aaral na lubos na
maauunawaan ng ugnayan ng wika at kultura. Kaya nga kailangan ng osang
mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao. Ang
pagsasaalang-alang sa kultura ay magiging daan upang madama ang lakas ng
wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba’t ibang tao sa daigdig.
7. Simulain ng Pagtataya
Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad sa paag-aaral ng wika ay maaaring
maging pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto. Kaya’t mahalaga na
palagiang mayroong pidbak ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang pagsulong sa
pagkatuto at kailangan itong maging reyalistiko.
8. Simulain ng Pananagutan
Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling
pananagutan anuman ang magiging bunga nito at malinang ang pagkatuto sa
sariling sikap.